orasyon. Likas ba ito sa ating kultura? • Maituturing na likas ang orasyon sa kultura sapagkat ito ay isang tradisyon sa isang partikular na grupo ng mga tao sa isang lipunan kung saan ito ay kanilang ipinamamana sa mga sunod na henerasyon upang ito ay maipagpatuloy. B. Ano ang kasaysayan at kahulugan ng orasyon? • Ang orasyon ay nanggaling sa latin na orationes na nangahulugang dasal. Sa ating mga pilipino, may tradisyon tayong superstitious na ibig sabihin ay naniniwala tayo sa mga espiritu at makakuha tayo nang kapangyarihan. Sa pag dayo nang mga espanyol dito sa Pilipinas, naimpluwensyahan tayo sa mga dasal kaya ang dasal para sa mga espiritu ay tinawag na orasyon. • Ito’y isang debosyong Kristiyano na gumugunita sa Pagkakatawang-tao. Gaya ng karamihan sa mga dasaling Kristiyano. C. Angkop ba o kapani- paniwala ang mga ebidensyang ginamit ng may- akda? • Oo, dahil hindi rin natin maikakaila na tuluyan ng nag-iba ang mga nakagawiang kultura nating mga Pilipino katulad na lamang sa binasa nating teksto, ang orasyon ay unti unti ng nawala dahil sa mga makabagong literaturang nagsulputang. Sadyang kapani-paniwala sapagkat nagbigay ng sapat na ebidensya ang may akda. D. May mga patunay ba (teorya, balita, pananaliksik, interbyo sa eksperto, at iba pa) na balido ang ebidensiya? • Oo, may patunay na balido ang ebidensya dahil pinunan o nakasaad sa kuwento ang kanyang karanasan at hinaing sa unti-unting pagbabago ng ating kultura. E. Sumasang- ayon ka ba sa mga obserbasyon ng may- akda kaugnay ng orasyon? Ipaliwanag. Oo, Sa panahon ngayon wala ng gumugunita sa orasyon. Tuloy tuloy lang ang mga sasakyan, tuloy sa paglakad ang mga tao na tila walang naririnig. Walang pumapansin sa tawag ng kampana, na kahit sa isang simpleng pagtigil lang sa paglakad ay sapat ng pagpupugay. F. Dapat pa bang manatili ang orasyon sa kasalukuyan? • Oo dapat pang manatili ang orasyon dahil ang orasyon ay bahagi o isa sa ating mga kulturang pinoy ngunit alam natin na marami ng nakakalimut dito ng dahil sa mga pagbabago ng ating lipunan dahil mas natutuunan na natin ng pansin ang mga makabagong teknolohiya kaya dapat mas ingatan natin ang ating kultura at mas palaganapin at wag ibaon sa limot ang mga nakasanayan kagaya ng orasyon. G. Makabuluhan pa bang pag- usapan ang paksa? • Oo dahil tinutukoy dito ang kultura at kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan at bilang isang mamamayanan ng Pilipinas ako ay nababahala dahil unti- unti na nating nakakalimutan ang mga kulturang ating kinagisnan na dapat nating ingatan at pahalagahan. H. May bago ba itong ideya na maibabahagi? Oo, meron itong maibabahaging bagong ideya kagaya ng ipamulat sa ating mga sarili na ang ating kultura ay unti-unti ng nawawala at dapat na baguhin natin ang ating gawain upang ang mga kultura ng nakaraan ay maibalik. Tayong mga pilipino ay mayroong malaking pananampalataya sa Diyos. Binibigyang pugay natin ang panginoon sa pamamagitan ng pagdadasal at pagsimba. Ang Diyos ang sentro ng ating buhay at siya rin ang pundasyon nito. Meron din tayong nakagawiang gawin tuwing 6:00 ng umaga, tanghaling tapat, at 6:00 ng hapon, ito ay tinatawag nating Orasyon. Hindi lang ito sa simbahan ginugunita kundi narin narin sa ating mga kabahayan. Noong mga nakaraang henerasyon, hindi ito nakakalimutang gawin ang mga mamamayan mapa bata man o matanda ngunit sa kasalukuyan ay tila iilan na lamang sa atin ang nakaka alam nito. Ang henerasyon ngayon ay hindi na gaanong nakakaalala ng mga gawi ng nakaraan sa kadahilanang masyado na tayong nalululong sa teknolohiya. Hindi na natin naaalala kahit ang oras ng pag gunita ng orasyon. Meron din namang iba na kahit marinig pa nila ang tunog ng kampana sa simbahan ay hindi rin naman alam ang ibig sabihin nito. Kontento na ang mga kabataan ngayon sa mga nababasa nila sa internet kaysa sa nababasa nila sa bibliya, at kontento na ang mga kabataan na ang mga kabataan ngayon sa naririning nila sa internet kaysa sa naririnig nila sa simbahan. Hindi narin gaanong ginugunita sa mga kabahayan ang orasyon. Iilan nalang sa mga pamilyang pilipino ang gumugunita dito. Bilang isang miyembro ng kabataan sa kasalukuyang henerasyon, masasabi ko na dapat nating ipagpatuloy ang pag guntita ng orasyon. Hindi masama ang paggamit nga internet ngunit kailangan din nating isaalang-alang ang ating tradisyon ng mga nakalipas na henerasyon. Makakatulong din ito sa atin upang mas lalong mapalapit tayo sa Diyos na siyang tanging makakatulong sa atin sa oras na tayo ay walang wala na. Wala ring mawawala sa atin kung ipagpapatuloy natin ito.