kababaihan sa larangan ng pulitika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang lalaki din ay biktima nito. Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBT, ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.
Ayon sa pag- aaral na ginawa ng United Nations Office of the High
Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda)na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan. Diskriminasyon sa kababaihan, Malala Yusafzai Sa kasalukuyan, patuloy ang Nakilala siya habang pagpapakilala ni Malala sa tunay lulan ng bus patungong na kalagayan edukasyon ng mga paaralan, nang siya ay batang babae sa iba’t ibang bahagi barilin sa kanyang ulo ng daigdig sa pakikipagkita at ng isang miyembro ng pakikipag- usap sa mga pinuno ng Taliban. Noong ika-9 ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga Oktubre 2012 dahil sa organisasyong sibil at non- kanyang paglaban at government organizations o NGOs adbokasiya para sa gaya ng United Nations at iba pa. Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 pinasa sa kongreso noong Pebrero 2004 at Republic pinirmahan ng Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo noong Marso 8, 2004 at naging Act Epektibo noong Marso 23, 2004. 15 araw 9262 matapos itong pirmahan
Sino ang pinoprotektahan ng batas na
ito? - Babaeng asawa o dating asawa, - Babaeng karelasyon o dating karelasyon (live-in Partner) - Dati o Kasalukuyang boyfriend - Dati o Kasalukuyang Dine-date - Anak ng babae lehitimo man o hindi Mga Uri ng Pang-aabuso Karahasang pisikal - Pananampal, Panununtok, panggugulpi Republic at paninipa Act Karahasang sekswal 9262 - Rape, Sexual Harassment, pambabastos, pamimilit na manood ng x rated na pelikula at pambubugaw ng asawa o anak Karahasang sikolohikal - Pananakot, pamamahiya sa publiko, madalas na pagmumura at iba pang berbal na pang-aabuso, paninira ng gamit, pangangaliwa at panunutok ng baril o nakakamatay na armas Abusong pampinansyal - Hindi pagbibigay ng suporta, pagpipigil sa paghahanap – buhay, pagkuha o pagkontrol ng kita ng babae, paninira ng gamit at/o ari- arian Republic Act 9262 Sino ang maaring makasuhan sa paglabag sa R.A. 9262? - Kahit sino, Lalaki man o Babae Ano ang parusa? - Pagkakakulong - Pagbabayad ng ng di bababa sa halagang 100,000 piso at di tataas sa 300,000 piso - Sasailalim sa sikolohikal na pagpapayo o pagpapagamot. 3 klase ng Protection Order - Barangay Protection Order (May bisa ng 15 araw na maaring I-renew at may bisa sa loob ng barangay) - Temporary Protection Order (Hindi nito kailangan ng pagdinig. May buhay ng 30 araw) - Permanent protection order (May buhay hanga’t di binabawi ng korte at may bisa saan man sa Pilipinas)