Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

PERSONALITY DEVELOPMENT

(Pagpapaunlad ng Personalidad)
Ano ba ang tinatawag na personalidad?

• Ang personalidad ay hindi katulad lamang ng


isang bagay na madaling isuot at pagdaka’y
kaagad na natatanggal.

• Ito ay ang panlabas na kahayagan ng pag-


uugali ng isang tao kung paano siya haharap
at tutugon sa bawat sitwasyon ng kanyang
pang-araw-araw na pamumuhay maging ito ay
sa tahanan, paaralan o sa bahay sambahan
man.
• Ang personalidad ay hindi lamang
nakasalig sa kagandahan. Gaano man
kagwapo o kaganda ang isang tao ay
nangangailangang sanayin ang sarili.

• Ang pagiging mahinahon, palabati,


may maayos na kaanyuan at wastong
pagbihis ay bahgi ng
pagpapaunladng personalidad.
Ang Ilan sa mga Hakbang ukol sa Good Grooming

Para sa mga Kalalakihan


1. Maligo araw-araw.

2. Gumamit ng deodorant matapos maligo.

3. Mag-ahit tuwing umaga.

4. Laging mag-suot ng malinis na medyas.

5. Siguraduhin na ang isinuot na na polo ay


malinis, plantsado at hindi amoy pawis.
Ang Ilan sa mga Hakbang ukol sa Good Grooming

Para sa mga Kalalakihan


6. Sikaping malinis at di lukot ang kwelyo.

7. Regular na pakintabin ang sapatos

8. Magsipilyo tatlong beses sa isang araw.

9. Magpagupit tuwing matapos ang 10 araw


at gumamit ng malinis na suklay.

10. Panatilihing malinis ang kuko.


Ang Ilan sa mga Hakbang ukol sa Good Grooming

Para sa mga Kababaihan


1. Maligo araw-araw. Dalawang beses sa
isang araw sa panahon ng tag-init.

2. Gumamit ng deodorant matapos maligo.

3. Magsipilyo tatlong beses sa isang araw at


gumamit ng mouthwash.

4. Panatilihing malinis ang kamay, tainga at


mukha.

5. Pamalagiing makinis ang kutis.


Ang Ilan sa mga Hakbang ukol sa Good Grooming

Para sa mga Kababaihan


6. Linisin ang mga kuko at iwasang gumamit ng
matitingkad na nail polish at iwasan ang sobrang
pagpapahaba ng kuko.

7. Maging simple sa paggamit ng make-up at ayon ito sa


okasyon.

8. Pag-aralan ang hugis ng mukha at ang ayos ng buhok


na babagay dito.

9. Huwag gumamit ng mababagsik na pabango.

10. Iayon sa lugar at sa panahon ang damit na isusuot.


Ang good grooming ay isa lamang sa mga
aspeto ng pagpapaunlad sa sarili. Bahagi
rin ang wastong pagkilos at pagsasalita
sa bawat sitwasyon at pagkakataon.
Mga Dapat Iwasang Ikilos ng mga Kalalakihan

 Nakahalukipkip ang kamay at nakapamaywang.

 Nakahilig ang ulo, laging nakatungo at palinga-


linga.

 Laging magkadikit ang mga paa.

 Sarado ang kamao.

 Maiiksing mga hakbang.

 Nakabaluktot ang mga tuhod.

 Laging nakasalumbaba.
Mga Dapat at Di-dapat Ikilos ng mga Kababaihan

 Iwasan ang laging nakapamaywang sapagkat ito ay


nagpapakita ng paka-dominante na kausap.

 Ihilig nang bahagya ang ulo at huwag laging


nakadiretso.

 Sikaping laging nakadikit ang paa lalo na sa pag-


upo.

 Gawing pino ang pagkampay ng kamay.

 Tumayo na nakasulong nang bahagya ang isang paa.

 Iwasan ang pagtingin nang patagilid at pagtaas ng


kilay.
Mga Karagdagang Dapat
Pag-ukulan ng Pansin upang
Mapaunlad ang Personalidad
Kulay ng Kasuotan

Ang mga madidilim na kulay ay


nakapagpapapayat sa paningin

Ang maliwanag na kulay ay


nakapagpapataba.

Ang dalawang kulay na kombinasyon


ay nakapagpapaliit.
Mga malalaking hugis at disenyo sa
damit ay nakapagpapataba rin.

Ang mga matitingkad na kulay ay


nagpapakita ng pagiging aktibo at
puno ng enerhiya.

Nagpapahiwatig naman ng
kapayapaan at pagiging sensitibo
ang pastel na kulay.
Linya ng Kasuotan

Nakaka-slim ang mga patayong guhit


sa kasuotan.

 Nakakapagpapaliit
(nakakapagpapapandak) o
nakapagpapataba naman ang mga
guhit pahalang.

Ang mga putol-putol na linya ay


nakakabawas naman ng
sukat/tangkad.
Palamuti (accessories)

 Dapat piliin ang palamuting nababagay sa hugis ng


mukha at kulay at tabas ng damit upang higit na
maging kaakit-akit

 Ang panyo, sombrero, at mga palamuting pambuhok


ay nakakatulong upang pagandahin ang panlabas na
anyo.

 Ang medyas, sapatos at sandalyas ay kailangang


piliin at iangkop sa kasuotan

 Ang pagsususot ng hikaw, kwintas, singsing at


brotse ay kailangang iangkop din sa okasyon at
lugar.
Tela (fabrics)

Sa tag-init, maginhawang magsuot ng


manipis at simpleng damit at kailangang
nakakasipsip ng pawis.

Kung taglamig, makakapal na damit ang


kailangan upang mapangalagaan ang katawan.

Kung tag-ulan, makakatulong ang kapote at


botas bukod sa makapal na damit upang may
panlaban sa ulan at putik.
Boses

Bantayan ang sarili kung kailan


dapat gumamit ng mahina, malakas
at normal na lakas ng boses, lalo na
kapag nakikipag-usap sa telepono,
kapag nagmamadali o “under
pressure” at sa iba pang di-
pangkaraniwang sitwasyon.
Tikas/Tindig (posture)

Anumang depekto sa tindig at sa


paglalakad ay maaaring hingan ng
tulong o puna ang mga kaibigan o
kamag-anak upang maisaayos.
Harapin ang katotohanan na ang
mahusay na pagdadala at pagpili ng
kasuotan at ang wastong pagbibihis ay
nakapagbibigay ng positibong impresyon
sa kausap. Isang mabisang paraan ito sa
pagpapaunlad ng personalidad.

You might also like