Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Aralin 3.

1
Panitikan:
Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya)
isinalin sa Filipino ni
Roderic P. Urgelles
Gramatika: Mga pamantayan sa
pagsasaling-Wika
Kenya
• Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa.
• Napapalibutan ito ng mga bansang tulad ng:
Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa Hilagang-Silangan,
Tanzania sa Timog, Uganda sa Kanluran, at Sudan sa
Hilagang Kanluran.
• Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining sa
inukit na bato, arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa
putik, may musika, at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng
kanilang lahi.
• Masasalamin natin ang kanilang mga literature sa
pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na
magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang
Kenya.
NAIROBI CITY
Kenya
• Populasyon: 52.57 milyon
• Presidente: Uhuru Kenyatta
• Si Uhuru Muigai Kenyatta (ipinanganak 26 Oktubre
1961) ay isang politiko ng Kenya, negosyante, at
ikaapat at kasalukuyang Pangulo ng Republika ng
Kenya. Nagsilbi siya bilang Member of Parliament (MP)
para sa Gatundu South mula 2002 hanggang 2013.
• Nasyonal na wika: English at Swahili
Kenya
• Ang Kenyan Shilling ay ang pera ng Kenya.
• Ang code ng pera para sa Shillings ay KES, at ang
simbolo ng pera ay KSh.
• 1 KES = 2.03 PESOS
MITOLOHIYA

Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit kabit na


kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (ingles:
Myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na
relihiyon o paniniwala.
MASHYA AT MASHAYANA: MITO NG
PAGKALIKHA

Mula sa primebal na hayop na Gayomard na hindi lalaki


at babae. Nagmula ang ikaanim na paglikha ni Ahura
Ohrmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu na
sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa
kadiliman ay naghangad na wasakin ang lahat ng nilikha
nu Ahura Ohrmuzd.
Iniisip naman ni Ahura Ohrmuzd na patayin si Gayomard
kaya nagpadala siya ng demonesa sa katauhan ni Jeh.
Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng
buwan na si Mah. Mula sa binhi ni Gayomard bago siya
namatay at lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may
tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may
buhay na halaman. At dito nanggaling sina Mashya at
Mashyana.
Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay
Ahriman Mainyu. Nagkaroon ng mga anak sina Mashya
at Mashyana na tig- 15 kambal na kumalat sa buong
daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.
Roderic P. Urgelles
• Si Roderic P. Urgelles ay ang nagsalin ng mitong Liongo sa
wikang Filipino. Dahil dito, mas naunawaan ng mga Pilipino
ang nilalaman at kahulugan ng mitong ito na nagmula sa
bansang Kenya. Ang pagsasalin ng wika na ginawa ni
Urgelles ay isang mabisang paraan upang ihatid sa mga
mambabasa ang mensaheng nais iparating ng may - akda
sa pagsulat niya ng mito. Ang mitong Liongo ay tungkol sa
isang higante na itinuring na bayani ng mga mamamayan ng
Kenya matapos na maipamalas ang kanyang lakas at
tapang sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at
malampasan ang mga
Liongo
Liongo: Tauhan
• Liongo - pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
- Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante,
na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas.
• Mbwasho – ina ni Liongo
• Haring Ahmad (Hemedi) – pinsan ni Liongo.
- kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam.
• Anak na lalaki – nagtraydor kay Liongo
Liongo

• Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-


dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang
pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at
mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan
ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng
karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si
Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam
nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa
Faza o isla ng Pate.
Liongo
• Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang
napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na
kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago
ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng
mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng
kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na
mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito.
Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala
(Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan,
bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng
bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit.
Liongo
• Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga
taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang
mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan
ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y
pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na
naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam
tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa
digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay
ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang
bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya.
Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na
nagtraydor at pumatay sa kaniya.
Liongo: Aral o Mensahe
• Dapat hindi tayo magpadalos dalos sa ating gagawing
desisyon. Nararapat na isipin muna natin ito ng maigi.
Kilalanin muna ang tao na ating nakasasalamuha bago
ibigay ang buong tiwala para sa huli ay hindi tayo ang
kaawa-awa at hindi ito ang magiging dahilan ng ating
pagkalugmok.

You might also like