magkaugnay at masasabing tila kambal na mahirap paghiwalayin. Sa buhay nang tao sa kasalukuyan ay tunay na napakahalaga ng pakikinig. Napakalaki nang naitulong ng pakikinig sa pang araw-araw na pamumuhay. Saan mang dako ng mundo ay naging gawi na ng mga mamamayan ang makinig sa galaw at takbo ng pamumuhay. Nakakakuha ng mga mahalagang kaalaman at impormasyon na magagamit sa pagwasto o pagsasaayos ng buhay, ng gawi at kilos ng tao. Nauunawaan, napag- aaralan at naisasaalng-alang ang damdamin ng isang tao tao gamit ang masining na pakikinig. Halimbawa
• Ang isang mag-aaral na matamang nakinig sa kaniyang
guro ay nakatitiyak na may maisusulat na tamang sagot sa mga pagsusulit, pasalita man o pasulat. • Ang isang mag-aaral na may angkin mang talino ay karaniwang walang naisasagot kung ang kaniyang isip o atensyon ay wala sa gurong nagsasalita at nagpapaliwanag. Mga tanggapan, pampribado man o pampubliko madalas ibinibigay ang impormasyon sa paraang pasalita o oral, at ito ay nangangailangan ng matamang pakikinig at pag-unawa. Sa mga panayam ang isang kalahok ay nangangailangang mag-ukol ng kanyang buong pansin o atensyon upang magkaroon ng lubos na kaalaman sa mga bagay o kaalamang nais na ibahagi ng tagapagsalita. • Ang sistema ay nagiging maayos lamng kung malinaw na nauunawaan ng mga nasasakupan at maluwag ang daloy na ito ay naipatutupad mula sa namumuno hanggang sa nasasakupan. • Tulad na lamang sa pamilya o mag-anak, malaki man o maliit ang bilang ay nangangailangan din ng pakikinig at pag-unawa. Ang magulang at bawat miyembro ng pamilya na nakikinig at umuunawa sa kalagayan ng bawat isa ay nakahahanap ng solusyon sa mga suliranin at nakasusumpong ng katiwasayan at kasiyahan. • Sa mga nagtutungo naman sa mga bahay-dalanginan, simbahan at templo ay kinakailangan din ang maayos na pakikinig upang ang manuting balita na hatid ng alagad ng pananampalataya ay maunawaan at maisapuso, gayundin ay maibahagi sa mga nangangailangan nito. • Hindi maitatanggi na malaki ang pagkakaugnay sa isa’t isa ng pakikinig at pag-unawa. Madala kaysa hindi ang isang nakikinig kung hindi ganap na nakaunawa sa kanyang pinakinggan ay lumilikha ng pagkalito sapagkat walang maibigay na sapat na detalye. Sumakatwid malinaw na ang pakikinig at pag-unawa ay hindi maaaring paghiwalayin. • Ang daloy o proseso ng komunikasyon ay hindi magiging ganap kung walang pag-unawa. Ang pag-unawa ay kakabit na ng mga kasanayang pagsasalita, pagsusulat, pakikinig at pahbabasa. Ang apat na kasanayangito ay mawalan ng kabuluhan kung walang pag-unawa. • Sa mga nabanggit na kasanayan ay higit na nangangailangan ng ganap na tuon-pansin o konsentrasyon ang pakikinig at pagbabasa. Dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang paktor na nakakaimpluwensya sa pag-unawa ay nagkakaroon din ng iba’t ibang kakayahang umunawa. Uri ng Pakikinig
1. Makinig upang magbigay simpatiya (Emphatic Listening) - Ibig
sabihin, binibigyang-atensyon ang mga sentimyento o damdamin ng nagsasalita at sa kabuuan ay dinarama o isinasaloob ang kaniyang mga salita upang higit siyang maunawaan. 2. Makikinig upang magsuri (Critical Thinking) -Ang buong pansin ng tagapakinig ay nakatuon sa sinasabi ng nagsasalita at batay sa kaniyang mga pahayag ay nabubuo ng mga opinion. Bilang tagapakinig ay matitimbang at masusuri ang mga sinabi bago magbigay ng tugon. 3. Tugunan /Tumbasang Pakikinig (Reciprocal Listening) –Dito ang mga tagapakinig ay maaaring pasalihin sa interaksyong isasagawa. Kung nakikinig sa isang monologo, ang pakikinig ay hindi tugunan o tumbasan sapagkat wala kang pagkakataong sumagot o tumugon upang matiyak na ikaw ay nakauunawa sa sinabi. Ang Proseso ng Pakikinig
• Ang kahandaan sa pakikinig ay napakahalaga. Ang mga mensahe
ibinibigay ng mga tagapagsalita ay natatanggap lamang nang maayos kung matalas ang kanilang pandinig. • Ang malinaw at matalas na mga mata ay nakatutulong din sa pag-unawa ng nakikinig. • Ang buka at galaw ng bibig ng nagsasalita ay nababasa ng nakikinig. Ang isang nagsasalita nang nakatalikod sa kausap ay mahirap maunawaan at di halos napapakinggan ang sinasabi. • Ang pakikinig ay nangangailangan ng buong atensyon para lubos na ikauunawa sa sinasabi ng nagsasalita. Ang sandaling pagkalingat o pagkawala ng konsentrasyon sa pakikinig ay nagiging sapat na dahilan upang di ganap na maunawaan o masundan ang sinasabi ng nagsasalita. Ang pagsasalimbayan ng iba’t ibang alalahanin ay nagiging sagwil din sa pakikinig at pag-unawa • Ang lugar o pook na pinagdarausan ng panayam ay dapat ding pag-ukulan ng pansin. Nararapat na maginhawa ang lugar at libre sa anumang ingay na lilikha ng abala at nanakaw sa atensyon ng mga tagapakinig. Ang pagiging komportable sa pakikinig ay napakalaking bagay sa ikauunawa ng pinakikinggan. • Tunog ng mga salita ang pinakikinggan, kung kayat nararapat lamang ang talas ng tainga at ang sapat na kaalaman sa pagpapakahulugan sa mga salita. Ang mga ito ay makatutulong sa mabisa at maayos na pakikinig Gayundin, ito ay nagiging daan upang mabigyang-kahulugan ng nakikinig ang mga sinasabi ng tagapagsalita. Ang isang mahusay na tagapakinig ay nakahihinuha kung ang tagapagsalita ay nagbibigay ng tama o maling impormasyon. Sa mga lektura o panayam ay dapat isipin na hindi naman lahat ng mga binibitawangsalita ay nararapat na isaulo o isapuso. Mayroon din mga dapat pakinggan lamang at pagkatapos ay isa-isantabi na lamang. • Madalas ang mga huling bahagi na lamang ang maiging pinakikinggan ng mga tagapakinig. Sa bahaging ito nalalaman nila na magbibigay diin o naroon ang pagdiriin ng tagapagsalita sa anumang mensahe na nais niyang maipaabot. Ang pagkuha ng maliit na tala ay makatutulong sa pag-alaala ng tagapakinig sa mga binanggit ng tagapagsalita. • Mahalaga sa mga mag-aaral ang matutunan ang tamang kuha ng tala sa mga panayam upang maging makabuluhan at di masayang ang kanilang oras sa pakikinig. PATNUBAY SA PAKIKINIG
1. Maging handa sa pakikinig. Ang kahandaan sa pakikinig ay
totoong mahalga. Nararapat isaalang-alang ang ilang preparasyon. 2. Magkaroon ng kawilihan sa pakikinig. Isaisip na ang inyong pakikinggnanay magiging makabuluhan sa inyong buhay. 3. Alamin ang impormasyon o pangunahing kaisipan . Ang mga tagapakinig namay kasanayan ay madaling nakauunaawa kung ang tagapagsalita ay nagbibigay diin sa mahalagang kaisipang nais niyang ibahagi. 4. Iwasang punahin ang tagapagsalita. Ang maagang pagpuna sa tagapagsalita ay nakawawala ng gana o interes. 5. Iwasan ang pagpuna sa sainasabing tagapagsalita. Ang maagang pamumuna sa sinasabi ng nagsasalita ay makagugulo sa isip ng tagapakinig. 6. Huwag bigyang-pansin ang mga bagay na nakaaabala sa pakikinig. Hindi naiiwasan ang mga bagay na tumatawag ng pansin ng mga tagapakinig. MGA PAKTOR NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG 1. Tsanel : Ang pinagdaraanan ng mga mensahe. Visual channel - mga daloy na nagdadala ng mga simbolong di-berbal tulad ng ekspresyon ng mukha, kumpas at galaw . Auditory channel –mga daloy ng tunog tulad ng berbal na salita. 2. Pook o Lugar: Ang silid o pook na pinagdarausan ng mga pulong at iba pa. 3. Oras: Ang pagsaalang-alang sa mga oras ng pakikinig ay napakahalaga. 4. Gulang: Nararapat ding pagtuunan ng pansin ang gulang o edad ng mga tagapakinig. 5. Edukasyon: Ang antas o lebel ng edukasyon ay may malaki ring papel na ginapampanan sa pakikinig. 6. Kalagayang Panlipunan: Ang kalagayang sosyal ay nakaapekto rin sa pakikinig.