Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,


disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at
paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natutukoy na
suliranin sa klaripikasyon at/o resolusyon. ( Good 1963)

Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap


sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na
paksa o suliranin. (Aquino 1974)
Ang Pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng
mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na
suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. (Manuel at Mendel
1976)
Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o
imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik. (Parel 1966)

Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha


ng mga solusyon sa mga suliranin.( E. Trece at J.W. Trece 1973)
KABANATA 1
Suliranin at Kaligiran nito
• Panimula/Introduksyon
• Layunin ng Pag-aaral
• Kahalagahan ng Pag-aaral
• Saklaw at Limitasyon
• Depinasyon ng mga Terminolohiya
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa bahaging ito, ilalahad mo
ang kabutihang maidudulot
ng iyong pag-aaral sa kung
sino at paano.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Tatalakayin sa bahaging ito ang saklaw o sakop na


paksa ng iyong pag-aaral at maging ang hangganan ng
pananaliksik. Ipapakilala rito ang masasakop na bilang
ng iyong mga respondente/impormante, ang lugar ng
iyong magiging pag-aaral, at maging ang sasakuping
panahon. Dito tinutukoy ang parameter ng pananaliksik,
dahil tinutukoy rito kung ano-ano ang baryabol na sakop
at hindi sakop ng pag-aaral.
Ang hangganan o delimitasyon ng pag-aaral ay ba-
gay na kaya mong kontrolin – halimbawa ang lugar na
gagawan ng pananaliksik, ang bilang ng respondente/
impormante, at maging ang panahon. Kaya mo ring
kontrolin ang uri ng dokumentong gusto mong gamitin,
ang bilang ng dokumento, ang bahagi ng dokumento,
at maging ang taong lumabas.
Limitasyon ng Pag-aaral
Tinutukoy ng limitasyon ang mga bagay na hindi mo
kayang kontrolin o bigyan ng solusyon na sakaling na-
Bigyan ng pansin ay maaaring makapagpabago sa ma-
giging resulta ng pag-aaral. Halimbawa rito ang pana-
hon ng pag-aaral, kaya nga sa simula pa lamang ay
dapat mo nang alamin kung kaya mong matapos sa
takdang panahon ang gagawin mong pananaliksik.
Maaari ring maging limitasyon ng pag-aaral
ang mahirap kausaping respondente/ impor-
mante o ang kawalan at/o kakulangang doku-
mento. Maari ring gawing limitasyon ang kina
lalagyang lugar ng ibang mga datos na hindi
mo napansin sa panahon ng paggawa
ng proposal.
Depinisyon ng mga Termino
Ang mga katawagang makailang ginamit sa panana-
liksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulugan. Ang
pagpapakahulugan ay maaaring konseptuwal o
operasyonal.

₰ Konseptuwal na depinisyon – ibinibigay ang estandard na


depinisyon ng mga katawagan. Ang depinasyon
na maaaring makuha mula sa diksyunaryo, ensayklo-
pidya o mga awtoridad/eksperto sa iba’t ibang larangan.
Huwag kalilimutang kilalanin ang mga pinagkunan o ang
taong nagbigay-depinasyon.
₰ Operasyonal na depinisyon – kung paano ito
ginagamit sa pamanahong papel. Ang magiging
depinisyon sa mga termino na dapat mabigyang
-linaw upang madaling maunawaan ng iyong
magiging mambabasa ang takbo ng iyong pag-
aaral. Kung gayon ito ay ang sariling depinisyon
sa mga katawagan o terminong may natata-
nging kahulugan para sa iyong gagawing pag-
aaral. Ito ang pagpapakahulugan mo sa termi-
nong partikular na gamit mo lamang sa iyong
pag-aaral na maaaring kaiba sa ordinaryong
pagpapakahulugan ng iba sa ibang panahon at
domeyn.
Mas maganda na matapos mabigyan ng
konseptwal na depinisyon ang terminong
ginagamit mo ay dagdagan mo ito ng operes-
yonal na depinisyon upang maging tiyak ang
ideyang maikikintal sa nagbabasa ng pana-
naliksik.
KABANATA 2
Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura
KABANATA III
Disenyo at Paraan ng
Pananaliksik
KABANATA 4

Presentasyon at
Interpretasyon ng mga Datos
KABANATA 5
Lagom
Konklusyon
Rekomendasyon
Sangunian
Apendiks (Dahong Dagdag)

You might also like