Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Yunit I

Konseptong Pangwika
Aralin 6: Unang Wika
Katuturan
Ng
Wika
Hinango nina Austero et al.
(1999) mula kay Gleason na
“Ang wika ay masistemang
balangkas na binibigkas na mga
tunong na binuo ayon sa
pamamaraang pinagkasunduan
ng lahat. Ang mga tunog ay
binibigyan ng mga
makabuluhang simbolo(letra) na
pinagsama-sama upang makabuo
ng wika na kinakailangan sa pag
papahayag”.
Dagdag naman nina
Mangahis et al. (2005) na ang
wika ay may mahahalagang
tungkuling ginagampanan sa
pakikipag-komunikasyon. Ito
ang midyum na ginagamit sa
mahusay na paghatid at
pagtanggap ng mensahe sa
kailangan sa pakikipag-usap sa
kapuwa.
Ang katutubong wika

• kilala rin bilang inang wika,


unang wika, arteryal na wika,
o L1.
• wika na unang natutuhan ng
isang tao mula sa kaniyang
pagkabata.
• ito ay batayan para sa
pagkakakilanlang
sosyolingguwistika.
Ano nga ba ang
sosyolingguwistika?
- Ito ay ang pag-aaral ng epekto
ng anuman o lahat ng mga
aspeto ng lipunan, kabilang ang
mga kalakarang pangkultura,
mga ekspektasyon o inaasahan,
at diwa o konteksto, sa kung
paano ginagamit ang wika, at
ang mga epekto ng paggamit ng
wika sa lipunan.
Kahalagahan
Ng
Pagkatuto ng
wika
Mahalaga ang wika sapagkat:

1.Ginagamit ito sa
pakikipagtalstasan.
2.Isa itong paraan upang
mabigyan ng malinaw at maging
epektibong mailahad ang
saloobin at kaisipan ng isang
tao.
3.Nakikita rin dito ang kultura at
kasalukuyang kalagayan ng
lipunan.
4.Nagagamit itong instrumento
upang maipamahagi ang
kaalaman.
Dulang
Pandaryo
Dula
Ay isang masining na paraan
upang maibahagi ang anumang
papel na gagampanan sa
ibabaw ng tanghalan.
Naipapahayag din ng dulang
pandaryo ang tila isang
makatotohanang paksa mula sa
mga karanasan at mga pang-
araw-araw na pangyayari sa
bawat mamamayan sa lipunan.
Ang dulang pandaryo,
pampelikula, at telebisyon ay
mayroon ding pagkakaiba-iba
sapagkat ito ay ipinapalabas sa
entablado upang maibahagi sa
mga manonood. Mayroon itong
mga tauhan at diyalogo na
binibigkas at binibigyan ng
wastong salita at intonasyon
upang maipabatid ang mensahe
nang may buhay at damdamin
na maiintindihan ng mga
manonood.
Elemento
ng
Dulang
Pandaryo
Iskrip- mahalagang malaman na
ang iskrip ang pinaka kaluluwa ng
isang dula. Kapag walang iskrip,
hindi maaaring maayos ang
presentasyon at magiging magulo
ang daloy ng kuwento. Sa
pagsusulat ng iskrip, kailangang
malinaw at nauunawaan ang
mensaheng nais iparating sa mga
mambabasa sa pamamagitan ng
paggamit ng simpleng mga
pananalita na mailis maunawaan ng
mga tagapakinig.
Musika at Tunog-
nakapagdaragdag din ito sa
lalong ikawiwili ng isang
dulang pandaryo. Ang
iniiwasan lamang sa paglalapat
nito ay mas mangibabaw ito sa
mismong dula. Ibigay rin sa
mismong diyalogo o
damdaming nangingibabaw ang
paglalapat ng musika at tunog
dapat may timing ang
paglalapat nito.
Mga Magsasalita- marapat na
ang mga nagsasalita ay ramdam
mismo ang ekspresyon o
damdaming namamayani sa
mismong dula habang binabato
niya ang bawat linya. Kung
sakaling kulang sa mga
magsasalita ay maaari namang
magbago ng boses. Siguraduhin
lamang na hindi ito
makakaapekto sa daloy ng
kuwento.
Wakas.

You might also like