Ito mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan at panghalip. Tatlong Antas ng Pang-uri Ano ang Lantay? Kung ang tuon ng paglalarawan ay nakapokus sa iisang bagay lamang o naglalarawan ng isa lamang o payak na pangngalan o panghalip. Halimbawa: Mahusay siya sa pagbigkas ng wikang Filipino. Ano ang Pahambing? Ito ay naglalarawan ng dalawang tao,bagay, hayop,gawain o pangyayari o ginagamit sa pagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. Ano ang Hambingang Magkatulad?
•Kapag ito ay ginagamit sa magkatulad
na katangian. •Ginagamitan ito ng panlaping,magka- , sim-/sing,ka,kapwa- /gaya/tulad,magsim/sin at iba pa. Ano ang pasahol? Kapag may higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan. Ito ay ginagamitan ng di-gaano, di- gasino, at di masyado. Ano ang palamang? Kapag may higit na positibong katangian ang inihahambing sa pinaghahambingan. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di- hamak, mas at iba pa. Ano ang Pasukdol? • Kapag naglalarawan ng higit sa dalawang bagay o ito ay nasa pinakadulong kaantasan. • Ito ay maaaring positibo o negatibo. • Ito ay ginagamitan ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri. Wakas. Sources • Filipino Books • https://www.slideshare.net/mars127/panguri-51199082