Activity: Tell, Guide, Act Pagsunod sa panuto: •Tapikin ang balikat ng iyong katabi at sabihing kamusta ka? •Tumayo,lumundag, pumalakpak at sabihing kay saya ng buhay. •Umupo, humarap sa guro at sabihing handa na akong makinig Pagmasdan ang mga larawan • Tungkol saan ang video? • Ano ang ibig sabihin ng pandiwa? Magbigay ng halimbawa nito. • Ano-ano ang aspeto ng pandiwa? Punan ng wastong pandiwa ang patlang. Isaalang-alang ang iba’t ibang aspekto ng mga pandiwa ayon sa pagkakaganap ng kilos na isinasaad sa bawat pangungusap. Sagutin ang mga tanong: • Tungkol saan ang binasa? • Ano ang pambansang wika? • Tama bang ang Tagalog ang gawing pambansang wika? Bakit? • Mahalaga bang patuloy na ituro ang wikang Tagalog sa mga paaralan? Bakit? Pangkatang Gawain • Bilang mag-aaral ano ba ang kahalagahan ng paggamit ng Pandiwa sa pang-araw-araw mong pamumuhay? Mahalaga bang malaman pa natin ang aspeto nito? Bakit? •Ano ang pandiwa? •Ano ang tatlong aspekto ng pandiwa? Panuto: Gamitin ang mga pandiwa ayon sa aspeto nito Perpektibo 1.(Gawa) __________ ng ating malikhaing Ifugao ang Hagdan-hagdang palayan sa Banaue. Perpektibo 2.(Baril) _____________si Rizal sa Bagumbayan. Imperpektibo 3. (Sulat) _________ ang kasaysayan ng bawat bayani. Perpektibo4. Isang daang taon ang pinuhunan ng masisipag nating mga ninuno bago (tapos) _________ ang palayan sa kabundukan. Kontemplatibo 5. Patuloy (turo) _________sa mga paaralan ang kasaysayan upang lalo itong mapagyaman. Takdang-Aralin Sumulat ng isang talata tungkol sa paboritong mong gawain gumamit ng angkop na pandiwa ayon sa panahunan. Ipagmamalaki mo ito sa harap ng klase sa pamamagitan ng pagbigkas.