Sa mga rehyong ito ng Mundo, mahigpit ang lipunan
para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal na panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ika 20 siglo na payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya na ang mga babae ay makaboto. FOOT BINDING DOWRY PURDAH BREAST IRONING/ BREAST PLATTENING SAUDI ARABIA
Nanatili sa ang kaharian ng Saudi sa paghihigpit
sa kababaihan. 1. Hindi Pagboto 2. Pagbabawal sa pagmamaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang,kapatid) Talahanayan: Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa Kababaihan KANLURANG ASYA AFRICA Lebanon (1952) Egypt (1956) Syria (1949, 1953) Tunisia (1959) Yemen (1967) Mauritiana (1961) Iraq (1980) Algeria (1962) Oman (1994) Morocco (1963) Kuwait (1995,2005) Libya (1964) Sudan (1964) Ang PAGLALAKBAY ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (sekswal o pisikal) FEMALE GENITAL MUTILATION (FGM)
May 125 milyong kababaihan (bata o matanda)
ang biktima ng FGM sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan na walang benipisyong medikal sa kalusugan ang FGM sa mga babae Ngunit patuloy ang ganitong gawain dahil sa implwensya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagalawan. FEMALE GENITAL MUTILATION (FGM) Proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang anumang walang benepisyong medikal. Paniniwalang mapapanatili ang WALANG BAHID DUNGIS ang babae hanggang sya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo, hrap umihi at maging kamatayan. Ang FGM na ay maituturing na paglabag sa Karapatang Pantao ng Kababaihan? South Africa * May mga kaso ng GANG-RAPE sa mga LESBIAN (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos gahasain. * May mga kaso rin na ang karahasan ay nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT Pamprosesong Tanong:
1. May mabuti bang dulot ang Female Genital Mutilation o FGM
sa mga babae? 2. Ano sa palagay mo ang epekto nito sa babaeng sumasailalim dito? a. Emosyonal b. Sosyal c. Sikolohikal 3. Bakit patuloy ang pagsasagawa ng FGM sa rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya? 4. Pantay ba ang pagtingin sa mga kababaihan at miyembro ng LGBT sa Africa at K. Asya?