Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

TEKSTONG

IMPORMATIB
O
PARA SA IYONG KAALAMAN
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan
ay tinatawag ding ekspositori, ay isanganyo
ng pagpapahayag na naglalayong
magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon.Kadalasang sinasagot nito ang
mga batayang tanong na ano, kailan, saan,
sino, atpaano. Pangunahing layunin ng
impormatibong teksto ang magpaliwanag sa
mgamambabasa ng anomang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig.

2
PARA SA IYONG KAALAMAN
Kaiba sa piksiyon, naglalahad ito ng kuwento
ng mga tunay na tao onagpapaliwanag ng
mga konseptong nakabatay sa mga tunay na
pangyayari. Ang ilangtiyak na halimbawa ng
tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga
impormasyon namatatagpuan sa
diskyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-
pananaliksik sa mga journal, siyentipikong
ulat, at mga balita sa diyaryo.

3
PARA SA IYONG KAALAMAN
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon
sapagkatnapauunlad nito ang iba pang
kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa,
pagtatala,pagtukoy ng mahahalagang
detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri,
atpagpapakahulugan ng impormasyon. Ayon
kina Jeanne Chall, Vicki Jacobs, at
LukeBaldwin (1990) sa kanilang pananaliksik
na "The Reading Crisis: Why Poor Children
FallBehind," ang kakulangan sa pagtuturo ng
mga tekstong impormatibo
4 ay nagdudulot
PARA SA IYONG KAALAMAN
Kapag hindi nasanay ang mga mag-aaral sa
pagkatuto mula sa mgaimpormatibong teksto
sa mga unang baitang ng elementarya,
itinatakda nito ang husaynila sa pagbasa
pagdating ng ikatlong baitang. Ipinakikita
nitong mahalaga ang pagbasang mga
tekstong impormatibo sa maagang edad pa
lamang ng isang mag-aaral.

5
PARA SA IYONG KAALAMAN
Upang mas madaling maunawaan ang
anomang tekstong impormatibo,kadalasang
gumagamit ang manunulat ng iba't ibang
Pantulong upang gabayan angmga
mambabasa na mabilis na hanapin ang iba't
ibang impormasyon. Kabilang dito angtalaan
ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa
mahahalagang bokabularyo, mga larawan at
ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng
palatandaan para sa mga larawan,graph, at
talahanayan.
6
PARA SA IYONG KAALAMAN
Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at
mga datos sa isang impormatibongteksto.
Bukod sa katumpakan, mahalaga rin na
napapanahon ito at makatutulong sa pag-
unawa tungkol sa isang mahalagang isyu o
usaping panlipunan. Upang masiguro
angkatumpakan ng datos, mahalagang
sumangguni sa mga babasahin at iba
pangpagmumulan ng datos na
mapagkakatiwalaan.

7
PARA SA IYONG KAALAMAN
May IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO depende sa estruktura
ngpaglalahad nito. Ang mga estrukturang ito
ay sa pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi
atbunga, paghahambing, pagbibigay-
depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon,

8
SANHI AT
BUNGA
Ito ay estruktura ng paglalahad na
nagpapakita ng pagkakaugnayugnay ng
mgapangyayari at kung paanong ang
kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunangpangyayari. Sa uring ito,
ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na
relasyon sadalawang bagay at nagbibigay ng
pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay
(sanhi)at estrukturang sanhi at bunga. ano
ang resulta nito (bunga). Narito ang isang
halimbawang impormatibong tekstong nasa
9
PAGHAHAMBI
NG
Ang mga tekstong nasa ganitong
estruktura ay kadalasang nagpapakita
ng mgapagkakaiba at pagkakatulad sa
pagitan ng anomang bagay, konsepto,
o pangyayari.

10
PAGBIBIGAY-
DEPINISYON
Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang
kahulugan ng isang salita, termino, o
konsepto.Maaaring ang paksa ay
tungkol sa isang konkretong bagay
gaya ng uri ng isang hayop,puno, o
kaya naman ay mas abstraktong mga
bagay gaya ng
katarungan,pagkakapantay-pantay, o
pag-ibig. Sa ganitong uri ng tekstong
impormatibo,mahalagang
11 pag-ibahin
PAGLILISTA NG
KLASIPIKASYON
Ang estrukturang ito naman
ay kadalasang naghahatihati ng isang
malaking paksao ideya sa iba't ibang
kategorya o grupo upang magkaroon
ng sistema ang
pagtalakay.Nagsisimula ang
manunulat sa pagtalakay sa
pangkalahatang kategorya at
pagkataposay bibigyang-depenisyon
at halimbawa12 ang iba't ibang

You might also like