Tekstong Naratibo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

TEKSTONG NARATIBO

Panuto: Isalaysay at ibahagi sa klase ang mga kaugnay na karanasan hinggil sa mga
sumusunod na tradisyon at kaugalian:

PASKO
MAHAL NA
ARAW PISTA

PAMANHIKAN TRADISYON/ KASAL


KAUGALIAN

PAGTANGGAP
PAMAHIIN
NG BISITA
PASKO

Fact storming Web


TEKSTONG NARATIBO

 nagsasalaysay o nagkukuwento
ng mga pangyayari o kaganapan na
maaaring piksyon (nobela, maikling
kwento, tula)
 di-piksyon (talambuhay, balita,
maikling salaysay)
TEKSTONG NARATIBO
 Mahalaga sa paraang ito ng
pakikipagkomunikasyon na maayos na
maihanay ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
 Malimit gamitin at pinakamadaling gawin ang
pagsasalaysay ayon sa panahon o ang paraang
kronolohikal.
LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO

1) Magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak na


pangyayari, totoo man o hindi (maaaring ang salaysay ay personal
na naranasan ng nagkukwento, batay sa tunay na pangyayari o
kathang-isip lamang)
2) Magpahayag ng mga pangyayari nang may maayos na
pagkakasunod-sunod.
3) Makapaglinaw ng paksa sa pamamagitan ng
pagdedetalye.
URI NG TEKSTONG NARATIBO

1) Naratibong Nagpapabatid (informative narrative)


 Isinusulat upang maghatid o magbigay ng mga kaalaman
o kabatiran sa mga mambabasa;

 walang banghay (plotless)


Halimbawa:
salaysay na nagpapaliwanag (expository narrative);
salaysay na pangkasaysayan (historical narrative);
salaysay ng pakikipagsapalaran (narrative of adventure); salaysay na
patalambuhay (biological narrative);
anekdota (anecdote),
at kathang salaysay (sketch).
2) Naratibong Masining (artistic narrative)
 Isinusulat upang makaaliw;
 karaniwang may banghay
Halimbawa:
maikling kuwento, dula, tula, at nobela atbp.
TONO:
 Ang damdamin o emosyon na nangingibabaw
sa teksto.
Elemento ng Naratibong Teksto

1. ) Paksa
Pumili ng paksang mahalaga at
makabuluhan. Kahit na nakabatay sa personal na
karanasan ang kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring
maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon
at mga kahalagahan nito.
2) ESTRUKTURA
• * Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang
estruktura ng kwento.
• Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng
narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
• Kung minsan ay nagsisimula sa dulo papuntang
unahan ng kuwento, kung minsan naman ay mula sa
gitna.
• Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng
pagkakaayos, tiyakin lamang na sistematiko at lohikal
ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari upang
madaling maunawaan ang narasyon.
3) ORYENTASYON
• Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga
tauhan, lunan o setting, at oras o panahon
kung kailan nangyari ang kwento.
• Malinaw dapat na nailalatag ang mga ito sa
pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang
tanong na sino, saan, at kailan.
• Ang mahusay na deskripsiyon sa mga detalyeng
ito ang magtatakda kung gaano kahusay na
nasapul ng manunulat ang realidad sa kanyang
akda.
4) PAMAMARAAN NG NARASYON
1) Diyalogo
– sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit
ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang
nangyari.
2) Foreshadowing
– nagbibigay ng pahiwatig o hints hinggil sa kung
ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kwento.
3) Plot Twist
– tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang
kalalabasan ng isang kuwento.
4) Ellipsis
– omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng
kwento kung saan hinahayaan ang mambabasa na
magpuno sa naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg
Theory o Theory of Omission ni Ernest Hemingway.
5) Comic Book Death
– isang teknik kung saan pinapatay ang
mahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang
lilitaw upang magbigay-linaw sa kwento.
6) Reverse Chronology – nagsisimula sa dulo ang
salaysay patungong simula.
7) In medias res
– nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng
kuwento. Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter,
lunan, at tension sa pamamagitan ng mga flashback.

8) Deus ex machine (God from the machine)


–plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kanyang
“Arts Poetica” kung saan nabibigyang-resolusyon
ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong
interbensyon ng isang absolutong kamay.
5) KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN
• Nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa
posisyon at disposisyon ng mga tauhan.

• Nagtatakda rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng


kwento.

6) RESOLUSYON
• Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o
tunggalian.

• Maaaring ito ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran


ng pangunahing tauhan.

You might also like