Ano Ang VAWC

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

ANO ANG VAWC?

V- Violence
A- Against
W- Women
C- Children
ANG VAWC AY:

• Isang diskriminasyon, ipinahihiwatig na ang babae


ay mababang uri lamang ng tao.
• Tumutugon sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan
at mga anak ng kanilang dati o kasalukuyang asawa
o ka-live-in partner o ka-relasyon
MGA URI NG KARAHASAN

- Pisikal
- Emosyonal o Sikilohokal
- Sekswal
- Ekonomik o Pinansiyal
PISIKAL NA PANG-AABUSO

Halimbawa:
Pambubugbog, pananakit, pananampal, panununtok,
pang-gugulpi, paninipa, pag-untog
EMOSYONAL O SIKILOHIKAL NA PANG-AABUSO
Halimbawa:
• Pananakot ng pagpapakamatay, Pinapahiya, Sobrang pang-iinsulto, Madalas na
pagmumura, Stalking, Paninigaw
At iba pang mapang-abusong pananalita.
Kasama din ang:
• Paninira ng gamit
• Panunutok ng baril
• Pagkukulong sa bahay
• Pagbabanta o aktwal ng pagkakait sa babae ng kanyang anak o pagbabanta na
sasaktan ang mga anak o magulang
• Pananakot
SEKSWAL NA PANG-AABUSO

Halimbawa:
• Pamimilit gumawa ng mga sekswal na bagay
• Pamboboso
• Pambabastos
• Panghahalay
• Pamimilit manood ng mga x-rated na pelikula
• Pambubugaw sa asawa.
EKONOMIK O PINANSYAL NA PANG-AABUSO

Halimbawa:
• Hinde pinapayagang magtrabaho ang babae ng walang sapat na
dahilan.
• Hinde sinusuportahan ang babae at mga anak.
SINO ANG BIKTIMA SA ILALIM NG RA 9262?

• Babae na maaaring:
- Asawa (kasal man o hinde)
- Dating asawa
- Karelasyon/boyfriend
- Dating karelasyon/ex –boyfriend
- May anak sa biktima
• Babae na karelasyon o dating karelasyon ng biktima
SINO ANG DAPAT MAGREKLAMO

• Ang VAWC ay isang “public crime” kaya’t hinde lamang ang biktima ang pwedeng
magsampa ng kaso.
• Ang Social Worker, Pulis, Barangay Kagawad, Abogado, Kamag-anak, Kaibigan, Kapit-
bahay, o sino mang may kaalaman sa krimen.
ANO ANG MGA AKTO NA PINARURUSAHAN
NG RA9262
• Pananakit sa biktimang babae o anak.
• Pagbabanta na saktan ang biktima.
• Pagtatangka na saktan ang biktima.
• Paglalagay sa takot na saktan o gawan ng pisikal na pananakit ang
biktima.
• Pagpwersa o tangkang pwersahin ang biktima na gawin ang isang bagay
na labag sa kalooban.
• Paglimita o pagtangkang limitahan ang galaw biktima.
• Pananakit sa sarili o banta na sasaktan ang sarili upang kontrolin ang kilos o
desisyon ng biktima (emotional blackmail)
• Pagpwersa o pagtangka na pwersahin ang biktima na gumawa ng sekswal na
akto (na hinde papasok sa depinisyon ng rape)
• Pagsasagawa ng anumang sadya o walang taros na kilos (reckless) na
nagdulot ng alarma o matinding emosyonal o sikolohikal na pagkabahala sa
biktima
• Pagdulot ng mental o emosyonal nahinagpis o pananakit o pagpahiya sa
biktima.
ANO ANG MGA HAKBANG ANG MAARING
GAWIN?
Isa munang paglilinaw……….
Ang Judiciary ay hiwalay sa Executive at legislative Branch ng pamahalaan.
Ang mga hukuman o korte ay nasa ilalim ng judiciary/Supreme Court.
Ang Prosecutor o Fiscal na nasa ilalim ng DOJ (executive).
Ang Public Attorney’s Office nasa ilalim ng DOJ.
ANO ANG PROTECTION ORDER?
• Ang Protection Order ay ibinibigay para maiwasan ang ano pa mang
karahasan sa babae o bata na nakaranas nito. Ito ay nakatala sa Seksyon 7
ng Implementing Rules and Regulations na sumasagot sa iba pang
pangangailangan ng mga biktima.
• Isang kautusan na galing sa Punong Barangay (o Kagawad kung may
atestasyon na wala ang Punong Barangay) na nagsasaad ng mga
sumusunod:
- Bawal ituloy ang pisikal na pananakit sa biktima.
- Bawal ituloy ang pananakot sa biktima ng pisikal na kapahamakan.
- Bawal makipag-ugnayan sa biktima
SINO ANG MAARING KUMUHA NG PROTECTION
ORDER SA BARANGAY O HUKUMAN?

• Biktima
• Magulang o kamag-anak
• Social workers
• Kagawad ng barangay na may kinalaman sa karahasan.
ANO ANG MGA PANGKARANIWANG AKSYON
SA DOMESTIC VIOLENCE?
• Barangay Protection Order (BPO)
• Temporary Protection Order (TPO)
• Permanent Protection Order (PPO)
GAANO KATAGAL ANG BISA NG BPO?

• Ang bias ng BPO ay 15 araw.

Ano ang gagawin kung tapos na ang bias ng BPO?


• Maaring dumulog sa Hukuman upang mag-apply ng TPO o PPO.
PAANO KUMUHA NG BPO?

• Pumunta sa tanggapan ng Punong Barangay o Kagawad.


• Magdala ng isang sulat at pinanumpaang salaysay ng biktima bilang patunay na
totoo ang reklamo.
• Ibibigay ng Punong Barangay o Kagawad ang BPO sa araw na nagsampa ng reklamo
ang biktima.
KAPARUSAHAN

You might also like