mga itinuturing na panggitnang uri o middle class na kalimitang binubuo ng mga negosyante at banker. A. Philosophers B. Aristocrat C. Scholars D. Bourgeoisie 2.Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. A. Free Enterprise B. Bullionism C. Merkantilismo D. Columbian Exchange 3. Kilala si Niccolo Machiavelli bilang diplomatikong manunulat ng Florence, Italy na may akda ng “The Prince”. Anong kaisipan ang napapaloob sa aklat na ito? A. Pagsang- ayon sa paggamit ng anumang paraan para manatili sa kapangyarihan ang isang pinuno. B. Ang pinunong matagumpay ay marunong sumunod sa lahat ng batas. C. Upang magkaroon ng pag-unlad ang isang bansa ang dapat na maupong pinuno ay matalino at hinahangaan. D. Upang maging makapangyarihan dapat kalimutan ng pinuno ang hindi paggawa ng matuwid. 4.Bakit tinutulan ng mga hari, mangangalakal,at iba pang kapangyarihan ang simbahan noon? A. Pakikialam ng Papa sa politika at ekonomiya ng isang bansa. B. Ipinagbabawal ng simbahan ang pangangalakal at binawasan ang kapangyarihan ng hari. C. Pagpigil at pagparusa sa mga tumutuligsa laban sa simbahan. D. Pagpapatalsik sa mga makapangyarihang tao na hindi kumikilala sa kapangyarihan ng Papa. 5. Si Martin Luther ay isa sa mga tumutuligsa sa ilang mali ng simbahang katoliko. Ano ang tawag sa proposisyong ginawa ni Martin Luther na dumedetalye sa kabulukan ng Simbahang katoliko? A. Address to the Christian Nobility B. The Defense of the Holy Sacraments C. 95 Theses D. In Praise of Folly 6.Maraming bourgeoisie ang nagmamayari ng mga pantalan, kumokontrol sa mga pamilihan at mga banker ngunit bakit hindi sila itinuturing na uring maharlika? A. Sila ay hindi ipinanganak na maharlika ngunit yumaman sa pagnenegosyo B. Ayaw nila na ituring ang sariling mayaman sapagkat gusto nilang makihalubilo sa karaniwang tao C. Nanatiling mapagkumbaba at namuhay bilang karaniwang tao. D. Nakikipagkompetisyon sa mga mas nakakahigit sa kanila. 7. Paano naiiba ang mga gawaing sining ng kababaihan sa ilang pintor sa panahon ng Renaissance? A. Ang gawaing sining ng kababaihan ay sumasailalim sa isang babae. B. Kagandahan ng kalikasanang kanilang mga ipinipinta. C. May kinalaman sa relihiyon ang kanilang sining. D. Tungkol sa kultura ng Italya ang paksa ng kanilang ipinipinta. 8. Ang mga sumusunod ay mahahalagang ambag ng panahong Renaissance. Alin sa mga ito ang kabilang sa larangan ng iskultura? A. La Pieta B. Mona Lisa C. Sistine Chapel D. School of Athens 9. Ano ang pinakamagandang nangyari sa paglakas ng Europe? A. Nagkaroon ng maayos na sistema ng transportasyon at komunikasyon. B. Nakatulong sa pagbuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe. C. Mapayapang ugnayan ng pamahalaan at mga negosyante. D. Pagkilala sa karapatan ng mga nasa gitnang uri. 10. Bakit itinuturing na batik ng kasaysayan ng simbahang katoliko ang Inquisition? A. Napigilan nito ang paglaganap ng Repormasyong Protestante. B. Ang kalupitang ginawa nito ay humantong sa maraming kamatayan ng walang sala. C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo. D. Nagkaroon ng maraming kaaway ang simbahang katoliko. 11. Bakit sa Italya unang isinilang ang diwa ng Renaissance. A. Ang Italy ay maunlad na bansa. B. Maraming magagandang pasyalan dito. C. Magandang lokasyon na naging dahilan ng magandang kalakalan. D. Karamihan sa mga lungsod ay malalaki at matitibay ang estruktura. 12. Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng ibat-ibang epekto sa ating daigdig. Batay dito, ano ang pinaka angkop na hinuha ang mabubuo? A. Patuloy ang dibisyong panrelihiyon at hidwaang panrelihiyon. B. Hindi na bukas ang Simbahang Katoliko sa iba pang paniniwalang espiritwal. C. Wala ng pag abot sa tunay na kaganapang pang espiritwal. D. Ipinagpapatuloy ang kanilang paniniwala at wala ng pakialamanan ang bawat isa. 13. Ang panahon kung kailan ang tao ay interesado sa mga istilo, disenyo, pamahalaan, edukasyon at paglinang ng pagkatao ng isang indibidwal. A. Enlightenment B. Exploration C. Renaissance D. Reformation 14. Analohiya: Raphael Santi: Sistine Madonna; Leonardo da Vinci: __________. A. La Pieta B. Sistine Chapel C. Last Supper D. Statue of David 15. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng pamumuhay ng bourgeoisie sa pamumuhay ng mga maharlika? A. May karisma sila kaysa sa mayayaman pagdating sa negosyo. B. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. C. Higit na maimpok ang mga bourgeoisie kaysa mga maharlika. D. Sila ang lumalapit sa mayayaman. 16. Ano ang batayan ng yaman ng isang bansa ayon sa sistemang Merkantilismo? A. Malakas ang produksyon B. Maraming impok sa bangko C. Mataas na halaga ng pananalapi D. Akumulasyon ng dami ng ginto at pilak 17. Lahat ng nasa pahayag ay mga salik sa muling paglakas ng Europe maliban sa anong aytem? A. Paglitaw ng Bourgeoisie B. Pagtatag ng National Monarchy C. Pag-iral ng Merkantilismo D. Pag-usbong ng Pyudalismo 18. Ang impluwensya ng Renaissance ay matatagpuan sa humanistikong pananaw sa daigdig. Ano ang pagkakaparehas ni Desiderius Erasmus at Niccolo Machiavelli? A. Ibinibigay nila ang totong pangyayari na dapat magmulat sa mga tao ng dapat gawin. B. Ipinahahayag ang labis na emosyon ng mga karakter na dapat taglayin ng isang tao. C. May kinalaman sa pag-ibig ang kanilang tema. D. Ipinapakilala nila sa kanilang aklat ang ibat-ibang uri ng pinuno. 19. Tawag sa pagpapalawig, pagpapalakas at pag- impluwensya ng isang makapangyarihang bansa sa ibang lupain upang isulong ang mga pansariling interes nito. A. Imperyalismo B. Kolonyalismo C. Eksplorasyon D. Nasyonalismo 20. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang paggalang sa pananampalataya ng iba? A. Tatahimik at hindi makikialam kung ano ang paniniwala nila. B. Makikipagpalitan ng ideya at aral ng kinabibilangan nila. C. Pagsasabuhay ng mga aral na ng kinabibilangang relihiyon at hindi pagsasalita ng mali sa paniniwala ng iba. D. Pagbabasa ng bibliya at pagpapaliwanag nito batay sa kanyang paniniwala. 21. Ang ekspidisyon ni Magellan ay nagpatunay na maaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa pinanggalingan. Anong aral ang iniwan ni Magellan sa kaniyang ginawang eksplorasyon? A. Maging matalino dahil sa ganitong paraan mapapahanga nya ang mundo. B. Maging mapanuri upang makatuklas ng marami pang bagay. C. Maging mapagtanong dahil daig ng mapagtanong ang marunong. D. Manahimik, baka ito pa ang ikapahamak ng iyong buhay 22. Sa pagtuklas ng mga bagong lupain ay pagsisimula din ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa motibo sa kolonisasyong dulot ng eksplorasyon? A. Paghahanap ng kayamanan B. Pagpapalaganap ng kristiyanismo C. Bagong interpretasyon sa nakagisnang paniniwala. D. Pagpapalawak ng kapangyarihan 23. Kilusang intelektwal na naglalayong gamitin ang agham sa pagsagot sa mga suliraning ekonomikal, politikal at maging kultural. A. Enlightenment B. Eksplorasyon C. Rebolusyong Siyentipiko D. Rebolusyong Industriyal 24. Isa kinikilang pilosopo ng England ay si John Locke. Paano na iiba ang paniniwala niya kay Thomas Hobbes tungkol sa mga tao at sa kanilang pinuno? A.Nagiging masama lang ang tao dahil sa impluwensya ng lipunang kanyang kinabibilangan . B. Ang tao ay maaaring sumira sa kasudunaan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di kayang ibigay ang kanilang karapatan. C.Magkakaraon lamang lng maayos na pamahalaan kung ito ay nalikha ayon sa “pangkalahatang kagustuhan. D. Pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dail ito kailangan ng isang absolutong pinuno 25. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na dhilan ng pagsakop ng Europeo sa Africa? A.Pagpapalaganp ng relihiyon B.Makabagong teknolohiya C.Pambansang ambisyon D.Pangkabuhayang pangangailangan 26. Bilang isang kabatan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pasilang ng Rebolusyong Siyentipiko? A. Bukas na isipan sa mga pagbabagong nagaganap. B. Pagsusuri sa mabilisang desisyon batay sa katotohanan. C.Pakikipanayam sa mga sikat na siyentipiko D.Pagbabasa sa mga ambag ng mga siyentipiko at pilosopo sa sangkatauhan. 27.May mga naliwanagang Europeo ang nagtaguyod ng karapatan para sa kababaihan. Sa akdang Vindication of the Rights of Women ni Mary Wollstonecfraft, alin sa mga pahayag ang naglalarawan dito? A.Pagkakaroon ng pantay na karapatan ng kababaihan sa pamahalaan. B. Pagtuligsa sa hindi pantay na katayuan ng mag-asawang babae at lalake. C.Kailangan ng kababaihan ng edukasyon upang maging mabuti at kapaki-pakinabang. D.Karapatang makipaghiwalay kapag sila ay sinaktan ng kanilang mga asawa. 28. Sa panahon ng imperyalimo iba’t – ibang uri ng kolonya ang naitatag batay sa katayuan ng mamamayan. Ano ang tawag sa isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung san kontrolado ang pamahalaan at pulitika ng isang makapangyarihan bansa. A.Concession B.Mandate C.Protectorate D. Sphere of Influence 29. Ang teorya na naniniwala ang araw ang sentro ng sansinukob at hindi ang daigdig. A. Teoryang Geocentric B. Teoryang Heli C. Teoryang Heliocentric D.Heavenly Bodies 30. Sa ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin, ginamit ng dahilan ng mga Europeo ang “Manifest Destiny” upang bigyan g katwiran ang kanilang pananakop. Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag sa doktrinang ito. A.May karapatang ibinigay ang Diyos sa United states ng angkinin ang Hilagang Amerika. B.Kontrolado ng pamahalaan at pulitika ang isang makapangyarihang bansa. C.Tungkulin ng mga Europeo ng paunlarin ang kabihasnan ng mga katutubo na kanilang sinakop. D. Pagbibigay ng proteksyon sa mga kolonya laban sa ibang bansa. 31. Isang sistema ng pagsakay sa barko ng mga alipin ng kung saan binibigyan lamang sila ng maliit na espasyo tulad ng isang fetus. A.Flatbread packing B. Bartolina C. Sandwich Wrappedd D. Tight Packing 32. Isa sa hindi magandang epekto ng imperyalismong kanluranin ay ang hidwaan ay ang hidwaan sa teritoryo na namamayani pa rin ilang bahagi ng Africa at Asia. Bakit ito patuloy na nagaganap? A. Walang natural na hangganan ang mga bansa. B.Panghihimasok ng mga kanluranin sa mga isyung kinasasangkutan ng mga bansa. C.Patuloy na pag –angkin ng mga kanluranin sa mga teritoryo. D.Hindi makatwirang pagtatakda ng mga hangganan ng mga kanluranin. 33. Alin ang hindi kabilang sa ideya ng Deklarasyong ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan ng France? A. Kaliwanagan B.Kalayaan C. Pagkakapantay-pantay D.Kapatiran 34. Sinong Papa ang nag labas ng Papal bull ng naghahati sa lupaing maaring tuklasin ng dalawang nangunang bansa sa eksplorasyon? A. Pope Urban ll B. Pope Julius C.Pope Alexander Vl D.Pope Gregory Vll 35. Kung hindi tumulong ang mga Pranses sa mga Amerikano noong panahon ni George Washington, ano amg maaring kahihinatnan ng rebolusyong Amerikano? A. Tagumpay, dahil marami din namang kaalyadong bansa ang U.S. upang siya ay tulungan. B. Tagumpay, dahil angThirteen Colonies ay may marubdob na pagnanasa na makalaya. C. Bigo, di sapat ang kanilang kakayahan para mapagtagumpayan ang rebolusyon. D. Bigo, dahil walang pinansiyal na kakayahan ang hukbo. 36. Alin sa mga salik na ito ang nagbigay daan sa Rebolusyong Amerikano? A. Paglusob ng mga Ingles sa Canada. B. Walang hanggang kapangyarihan ng pinuno. C. Labis na buwis na ipinapataw ng Parliamentong Ingles. D. Ang edukasyon ay para lamang sa mayayaman. 37. Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin Amerika at ang lipunan sa mga kolonya ay binubuo ng apat na uri ng mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang mga ito? A. Pariah, Brahmin, Vaishya, at Sundra B. Citizen, Resident Foreigner, Helot at Slaves C. Patrician, Plebeian, Gladiator at Slaves D. Peninsulares, Creoles, Mestizo, at American Indian. 38. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa? A. Oo, dahil nagkaisa ang damdaming makabayan ng mga Aprikano. B. Oo, tumulong ang America at Great Britain upang lumaya ang bansa sa Africa. C. Hindi, kulang ang pagkakaisa dahil sa pagkakaiba ng lahi at kultura. D. Hindi, mas pinili ng iba na mapailalim sa mga kanluranin. 39. Bilang isang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong sariling bansa? A. Pagtangkilik sa sariling produkto B. Pagrespeto sa mga matatanda C. Pagkakaroon ng positibong pananaw kahit maraming problema. D. Patatrabaho sa malalaking kumpanya dito sa Pilipinas ng pag-aari ng mga dayuhan.