Araling Panlipunan Ekonomiks Aralin 55

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

ARALIN 5:

PATAKARANG PISKAL
• Ano nga ba ang patakarang piskal?

-Ito ay ang pagkontrol ng pamahalaan sa


ekonomiya upang maging matatag ang
pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng
paghahanda ng badyet, pangungulekta ng
buwis, at paggamit ng pondo.
KONSEPTO NG
PATAKARANG
PISKAL
Ang patakarang piskal ay tumutukoy sa Behavior ng
pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng
pamahalaan.Sa madaling salita, ito ay tungkol sa polisiya
sa pagbabadyet.Ito rin ang isinasaad sa aklat nina Balitao
et. al (2014), kung saan ang patakarang ito ay “tumutukoy
sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta
upang mabago ang galaw ng ekonomiya.”
• Ayon kay John Maynard Keynes (1935), ang pamahalaan ay
may malaking papel na ginagampanan upang mapanatili
ang kaayusan ng ekonomiya.Simula pa noong Great
Depression, nabuo ang paniniwalang ang pamahalaan ay
may kakayahan na mapanatiling ligtas ang ekonomiya tulad
ng banta ng kawalan ng trabaho.
• Ang paggasta ng pamahalaan ayon kay John Maynard
Keynes halimbawa, ay makapagpapasigla ng ekonomiya sa
pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources ayon sa
pinakamataas na matatamo mula sa mga ito na
makapagdudulot ng full employment. Sa kabilang banda, ang
pakikialam ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga polisiya
sa paggasta at pagbubuwis ay makapagpapababa o
makapagpapataas naman ng kabuuang output higit sa
panahon ng recession o depression.
DALAWANG PARAAN ANG GINAGAMIT NG PAMAHALAAN
SA ILALIM NG PATAKARANG PISKAL UPANG
MAPANGASIWAAN ANG PAGGAMIT NG PONDO NITO
BILANG PANGANGALAGA SA EKONOMIYA NG BANSA:

1.EXPANSIONARY FISCAL POLICY


2.CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa ng
pamahalaan upang mapasigla ang matamlayna
ekonomiya ng bansa. Ipinapakita sa kondisyong ito na
ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan
dahil hindi nagamit ang lahat ng resources.Karaniwan
ding mababa ang pangkalahatang demand ng
sambahayan at walang insentibo sa mga mamumuhunan
na gumawa o magdagdag pa ng produksyon.
• Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa
mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis lalo
na sa panahong ang pribadong sektor ay mahina o may
bantang hihina ang paggasta. Dahil dito, ang mamamayan ay
nagkaroon ng maraming trabaho at mangangahulugang ng
mas malaking kita. Sa bahagi ng bahay-kalakal lumaki din ang
kanilang kita. Sa pagdadagdag ng kita, nagkakaroon ng
paggastos ang mamamayan at ang bahay-kalakal na
makapagpapasigla sa ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy

• Ang paraang ito naman ay ipinatutupad ng pamahalaan kung


nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa
ekonomiya. Karaniwang nagaganap ito kapag lubhang
masigla ang ekonomiya na maaaring magdulot ng overheated
economy na mayroong mataas na pangkalahatang output at
employment. Sa ganitong pagkakataon, ang pamahalaan
maaaring magbawas ng mga gastusin nito upang mahila
pababa ang kabuuang demand.
• Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng
kanilang gastusin sa pagkonsumo dahil bahagi ng
kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng
pamahalaan na makaaapekto sa kabuuang demand sa
pamilihan. Ito ang dalawang paraan sa ilalim ng
patakarang piskal ng pamahalaan upang maibalik sa
normal na direksyon ang ekonomiya.
KAHALAGAHAN NG PAPEL
NA GINAGAMPANAN NG
PAMAHALAAN KAUGNAY NG
MGA PATAKARANG PISKAL
NA IPINATUTUPAD NITO
• Batay sa paniniwala na ang pamahalaan ay isang mahalagang
kabahagi sa pagsasaayos at pagpapanatili ng katatagan ng
ekonomiya, ang papel ng pamahalaan ay magtakda ng mga
patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad at
matiwasay na ekonomiya. Karaniwang nagsasagawa at
nagpapatupad ng ilang paraan ang pamahalaan kung may
pangangailangan na maiayos ang pamamalakad sa ilang
problemang pang ekonomiya.
• Ang mataas na paggastos ng pamahalaan ay
nakapagpapasigla sa matamlay na ekonomiya. Magdudulot ito
ng pagtaas sa pangkalahatang demand sa pamilihan para sa
mga produkto at serbisyo. Ang pagpapababa sa buwis na
ipinapataw sa mga mamamayan ay nangangahulugan naman
ng mas maraming maiuuwing kita ng mga nagtratrabaho.
Kapag naabot ng ekonomiya ang pinakamataas na antas ng
empleyo(overheated economy), karaniwang ipinatutupad ng
pamahalaan ang mababang paggasta upang bumagal ang
ekonomiya.
PAMBANSANG BADYET
AT PAGGASTA NG
PAMAHALAAN
• Ang pambansang badyet ay ang kabuuang planong maaaring
pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang taon. Ito rin
ang nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng
pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya. Kung ang
revenue o kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito sa
isang taon, masasabing balanse ang badyet. Ibig sabihin, ang
salaping pumapasok sa kaban ng bayan ay kaparehong
halaga ng ginastos ng pamahalaan.
• Kung mas maliit naman ang paggasta kaysa sa pondo ng
pamahalaan, nagkakaroon ng surplus sa badyet (budget
surplus). Nangangahulugan ito na mas malaking halaga ng
salapi ang pumapasok sa kaban ng bayan kaysa sa
lumalabas.
• ANG BADYET NG PAMAHALAAN
Ang badyet ng bansa ay inihahanda ayon sa mga prayoridad ng
pamahalaan. Ang pagbabadyet ay maaaring ayon sa sumusund:

- badyet ayon sa sektor


- badyet ayon sa expense class
- badyet ayon sa mga rehiyon
- badyet ayon sa iba't ibang kagawaran ng pamahalaan at
special purpose fund

You might also like