Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Review:

• Katangian ng Akademikong
Pagsulat
• Layunin ng Akademikong Pagsulat
• Tungkulin o Gamit ng Akademikong
Pagsulat
• Mga Anyo ng Akademikong
Pagsulat
Naalala mo pa ba ang ilan sa mga akdang ito?
BUOD
BUOD
Tatalakayin ang sumusunod:
• Kahulugan at kahingian ng
buod
• Katangian ng mahusay na
buod
• Mga hakbang sa pagbubuod
Kahulugan ng Buod
• Tala ng isang indibidwal, sa
sarili niyang pananalita, ukol sa
kanyang mga narinig o
nabasang artikulo balita, aklat,
panayam, isyu, usap-usapan at
iba pa.
• Naisasagawa ito maaaring pagsulat
o oral na pagpapahayag.
Liksyong
Kwentong pinakinggan Pelikulang
binasa pinanood
Mga Karaniwang
Ginagawan ng
Pagbubuod
Balitang Palabas na
napakinggan
sinubaybayan

Isyung Pananaliksik sa
tinutukan pinag-aralan
Samantala nagagamit din ang
pagbubuod sa mga propesyonal gaya ng:

Pag-uulat
sa trabaho dokume
ntasyon

Liham
pangnegosyo
(Sweles at Feat;1994): Tatlong Pangangailangan
sa Pagsulat ng isang buod/summary:
Kailangan ang isang buod ay
tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na
teksto.
Kailangang nailahad ang sulatin sa
pamamaraang nyutral o walang
kinikilingan.
Kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng
orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng
gumawa.
Kailangan ang isang buod ay tumatalakay
sa kabuuan ng orihinal na teksto.
Mahalagang masigurong maihayag ng
buod ang orihinal na teksto.
 Kailangang ang kabuuang mensaheng
makukuha sa pagbasa o pakikinig ng
buong teksto ay siya ring mensaheng
makukuha kapag nabasa o napakinggan
ang buod nito.
Kailangang nailahad ang sulatin sa
pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
- Nangangahulugang ang sulating buod ay dapat
hindi maglaman ng pananaw ng sumusulat
nito.
- Hindi rin ito gumagawa ng argumentasyon o ano
mang uri ng pag-aanalisa sa mga detalyeng
ibinigay ng orihinal na teksto.
- Tanging paglalahad lamang na hindi hinahaluan
ng personal na pagtaya, pananaw o pagsusuri
ang kailangang makita sa nabuong buod.
Kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at
naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.

Gamitin ang sariling pananalita (maaari rin


gamitin ang mga salita ng awtor)
 Mas mahusay ring gamitin ang sariling
pagpapahayag sa mga detalyeng isasama sa
buod.
 Tiyaking ang kahulugan ay pareho rin sa
ipinabatid ng orihinal.
 Pinaiksi ngunit naglalaman ng kabuuang
mensahe ng orihinal.
Mga Katangian ng Mahusay na Buod
Nagtataglay ng obhetibong
balangkas ng orihinal na teksto

Hindi nagbibigay ng sariling


ideya at kritisismo
Hindi nagsasama ng mga halimbawa,
detalye, o impormasyong wala sa
orihinal na teksto

Gumagamit ng mga
susing salita.
Gumagamit ng sariling pananalita
ngunit napanatili ang orihinal na
mensahe
Mga hakbangin sa Pagbubuod
Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang
mga mahahalagang punto at detalye
Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, at ang
pangunahing paliwanag sa bawat ideya.
Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-
sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
Kung gumamit ng unang panauhan (hal. Ako), ang awtor, palitan
ito ng kanyang apelyido, ng Ang Manunulat, o siya.

Isulat ang buod


Gawain: (Basahin at Unawain)
Sa India, naniniwala ang mga tao na may isang diyosang
pumapatnubay sa mga batang nagnanais matuto. Ang diyosang ito
ay tinatawag nilang Saraswati. Isang gabi, habang nakaupo sa
kanyang bulaklak ng lotus at nag-iisip kung bakit tila hindi
interesado ang mga tao sa lupa na tumuklas ng karunungan,
naulinigan ni Saraswati ang ganitong pag-uusap.
“Prem, anak, madilim pa bukas ay kailangang gumising ka na. Hindi
biro ang lalakbayin mong sampung kilometro patungo sa
eskuwelahan at sampung kilometro pabalik.”
“Huwag kayong mabahala, Ina,” sagot ng batang lalaki. “Mag-iingat
po ako sa daan.”
“Ang kinatatakutan ko’y ang mga hayop sa gubat na daraanan moa
raw-araw. Baka bigla ka na lang sagpangin ng tigre. Kung buhay
lamang ang ama mo’y meron sana tayong sapat na pambayad sa
boarding house. Pero pangmatrikula mo lamang ay kaytagal na
nating pinag-ipunan.”
“Ina, alam ko pong papatnubayan ako ni Saraswati.”
Napangiti si Saraswati sa narinig. “Matutupad,” ang bulong sa
sarili.
Naniwala ang mga taga-India na may
diyosa ng karunungan, si Saraswati, na
pumapatnubay sa mga batang ibig matuto.
Isang gabi, napakinggan ni Saraswati ang pag-
uusap ng batang si Prem, na ulila na sa ama, at
ng kanyang ina. Papasok si Prem sa paaralan
kinabukasan at nag-aalala ang kanyang ina sa
tigre at iba pang hayop sa gubat na daraanan
ni Prem patungo sa paaralan. Ngunit sinabi ng
bata na papatnubayan siya ni Saraswati, na
bumulong sa sariling matutupad ang sinabi ni
Prem.

You might also like