Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Mga Layunin

-Nauunawaan ang kahulugan at paraan ng


paggawa/pagsulat ng iskrip o dayalogo.

-Nakasusulat ng sariling iskrip o dayalogo.


Bakit mahalaga ang mga iskrip o dayalogo sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay?
Pagsulat ng Iskrip
o Dayalogo
Ang Iskrip at Diyalogo
Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang
maisasadula kung wala ang iskrip. Matatawag
lamang na dula ang isang katha kung ito’y
itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung
may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan
upang magsadula. Taglay ng iskrip ang mga
diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang
tagpo at maging ng buong dula.
Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng
aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng dula.
Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang
itatanghal sapagkat lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa
iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang
mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang
diyalogo ng mga tauhan Ang diyalogo ang
sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng
mga mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa
anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan pang
mga tauhan sa loob ng isang dula.
Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat
ng iskrip
1.Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla
ng kanyang mga sinusulat.
Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa
katha.
2.Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang
masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa
diyalogo.
3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o
paksa.
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang
isang kuwento. Ito ang mensahe ng
kuwento,anyo
(form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang
kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok
ang estilo.
5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang
pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula,
sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang
makatotohanan at epektibong banghay (plot) ,
karakter (character) , tagpuan (location) , paningin
( p o i n t o f v i e w ) , at iba pang sangkap sa
pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nararapat na
lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong
gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng
isang dula
(Pangkatang Gawain) FA
Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting
gabay ang sumusunod na pamantayan sa
pagsasagawa nito.
Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may
kinalaman sa estado ng ating pamayanan tungkol sa
kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang NCCA kasama
ang Lokal na Pamahalaang Panturismo, DSWD ay
maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang
pantanghalan na magtatampok sa mga pamilya na
hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga
kultura, gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay
naglalayon na mahikayat ang bawat pamilya na
magsilbing inspirasyon sa komunidad
Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK)
ang napiling mamahala ng inyong punong bayan sa
patimpalak na ito. Upang mangalap ng mga pamilya na
naangkop sa aganitong kategorya. Ang magwawaging
lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at
mailalathala sa lokal na pahayagan sa bayan. Inaasahan
na ang dula ay dapat na makatotohanan, may angkop
na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop na
tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at
sumasalamin sa kultura at paniniwala ng pamilyang
Pilipino.
Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtamang Hindi Nangangailangan pa Kabuuan
5 4 Husay Gaanong ng Pagpapahusay
3 Mahusay 1
2
a. Pagkamalikhain

b. Makatotohanan
at kapani-paniwala
ang pagkakasulat
at pagsunod ng
iskrip

c. Orihinal
d. Sumasalamin sa
kulturang Pilipino
at naaangkop sa
kasalukuyan
e. Wasto ang
pagkakagamit ng
wika
Interpretasyon
21- 25 -Napakahusay

16- 20 -Mahusay

11-15 -Katamtamang Husay

6-10 -Hindi Mahusay

1-5 -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay

You might also like