Tekstong Argumentatibo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

“KAPAG NASA

KATUWIRAN,
IPAGLABAN MO!”
TEKSTONG
A R GUMENTATIBO
KAHULUGAN
• Isang uri ng akdang naglalayong
mapatunayan ang katotohanan ng
ipinahahayag at ipatanggap sa
bumabasa ang katotohanang iyon.
•Naglalahad ng mga posisyong
umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangan ng
pagtalunan o pagpapaliwanagan.
LAYUNIN
•Hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang kawastuhan ng
kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag.
MGA BAHAGI NG
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
1. PANIMULA
•Ipinapakita ang mismong dahilan kung
bakit sinusulat at binabasa ang isang
teksto.
•Layunin nito na ihanda ang mga
mambabasa at makuha ang atensyon at
damdamin nila.
2. KATAWAN
• Magsisilbing dahilan ng mga mambabasa
upang manatiling tapat sila matapos ang
isang mabisang simula at kung papalarin
ay nakatutok pa rin sa bawat mensaheng
pinararating hanggang sa mabisang
pagwawakas.
• Kinakailangang maayos na maihanay at
maipaliwanag ang mga argumento at
katwiran.
• Ang bawat katuwiran ay kailangang
masuportahan ng mga ebidensiya, datos o
istatiska, pahayag ng mga awtoridad o di
kaya’y kolaboratib na pahayag mula sa aklat
sa mga magazine, diyaryo at iba pang
mapagkakatiwalaang reperensya.
3. WAKAS/KONKLUSYON
• Kailangang maging tuwiran, payak, mariin,
malinaw at mabisa.
• Kailangang tinitiyak sa pagwawakas na ang
sinumang maaaring may taliwas na opinyon
ay makukumbinsi ng manunulat.
MGA URI NG
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
PUNA
•Kung ito ay nag-uugnay ng mga
pangyayari, bagay at mga ideya sa
pansariling pag-iisip, paniniwala,
tradisyon at pagpapahalaga.
SAYANTIFIC
•Kung ito ay nag-uugnay sa mga
konsepto sa isang tiyak na sistemang
karunungan at pag-iisip upang ang
kinalabasang proposisyon ay mahinuha
o mapatunayan.
MGA E LE M E NTO
NG
PA NGANGATUWI
RAN
PROPOSISYON

•Ang pahayag na inilalahad upang


pagtalunan o pag-usapan.
ARGUMENTO
• Ito ang paglalatag ng mga dahilan at
ebidensya upang maging makatuworan ang
isang panig. Kinakailangan ang malalim na
pananaliksik at talas ng pagsusuri sa
proposisyon upang makapagbigay ng
mahusay na argumento.
IBA’T IBANG PARAAN SA
PAGHAHANDA NG
PANGANGATWIRAN

• Analisis
• Sanhi at Bunga
• Pangangatwirang Pabuod
• Pangangatwirang Pasaklaw
KATANGIAN AT NILALAMAN NG
MAHUSAY NA TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
• Mahalaga at napapanahong paksa.
• Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa
tesis sa unang talata ng teksto.
• Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga
bahagi ng teksto.
• Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensya ng argumento.
• May matibay na ebidensya para sa argumento.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
MEMBERS
Rose-Ann S. Accad
Aisa Marie Pascual
Elmae Joy Caranguin
Rholdan Gaspar
Rochell Bermejo

You might also like