Professional Documents
Culture Documents
Kasaysayan NG Pag Unlad NG Wikang Pambansa Sa Pilipinas
Kasaysayan NG Pag Unlad NG Wikang Pambansa Sa Pilipinas
Kasaysayan NG Pag Unlad NG Wikang Pambansa Sa Pilipinas
59.6% - Kapampangan
48.2% - Cebuano
46.6% - Hiligaynon
39.5% - Bikol
31.3% - Ilokano
Pinalabas ng Kalihim na si Jose E. Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na
kailan ma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.
Ano ba ang pormal na deskripsyon ng FILIPINO bilang wikang
pambansa?
Sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ganito ang
batayang deskripsyon ng FILIPINO:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa
buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di katutubong
wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t
ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at
iskolarling pagpapahayag.
Pinagtibay ng Batasang
Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na lumilikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa at
itinatakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin niyon.
Nilagdaan ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos ang
kautusang Tagapagpaganap Blg.
304 na nagpapanauli sa Surian ng
Wikang Pambansa at nililiwanag
ang kanyang mga kapangyarihan
at tungkulin.
Sa Artikulo XIV, Sek. 9 ng Konstitusyong 1987 ay
ganito ang isinasaad:
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon
ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.
Ang komisyong ito ay tinatawag ngayong
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO.
Pinagtibay ang Batas
Komonwelt Blg. 570, na
nagtatadhana, bukod sa iba
pa, na ang Pambansang Wika
ay magiging isa na sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas
simula sa Hulyo 4, 1940.
Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
187 ay nilagdaan ng Pangulo na nag-
aatas sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan na gamitin ang
wikang PILIPINO hanggat maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at
pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na
komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
Sa Artikulo XIV, Sek. 7 ng Konstitusyong
1987 ay ganito ang isinasaad:
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay FILIPINO at hanggat
walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.
Nilagdaan ng Pangulong Corazon C.
Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng
departamento, kawanihan, tanggapan,
ahensya at kaparaanan ng pamahalaan
na gumawa ng mga kinakailangang
hakbang para sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga opisyal na transaksyon,
komunikasyon at korespondensya.
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R.
Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas
sa lahat ng opisyal ng DECS na
isakatuparan ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-
uutos na gamitin ang FILIPINO sa
lahat ng komunikasyon at transaksyon
ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang
pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang
Gramatika ng Wikang Pambansa, at itinakdang
mula sa Hunyo 19,1940 ay pasisimulan nang ituro
ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng
paaralang-bayan at pribado sa buong bansa.
Inatasan din ang Kalihim ng Pagtuturong
Pambayan na maglagda, kalakip ang
pagpapatibay ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga
kinakailangang tuntunin at patakaran sa
pagpapaunlad ng kautusang ito.
Pinalabas ni Kalihim Jorge Bacobo ng
Pagtuturong Pambayan ang isang
Kautusang Pangkagawaran: ito’y
sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye
ng 1940) ng Patnugot ng Edukasyon
Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng
wikang pambansa ay sinimulan muna
sa mataas at paaralang normal.
Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng
Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 25 na
nagtatadhana ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng patakarang
edukasyong bilinggwal sa mga paaralan
na magsisimula sa taong-aralan 1974-
1975. Ang kautusang ito ay alinsunod sa
mga tadhana ng Saligang Batas ng 1972.
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at
Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama
ang PILIPINO sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasaang antas. Magsisimula ang
unang semestre ng taong aralan 1979-1980, ang
lahat ng pangmataas na edukasyong
institusyon ay magbubukas ng anim na yunit
sa PILIPINO sa kanilang mga palatuntunang
aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga
kursong pagtuturo sa 12 yumit.
Pinalabas ng Kalihim Lourdes R.
Quisumbing ng Departamento ng
Edukasyon Kultura at Palakasan ang
Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa
paggamit ng FILIPINO bilang wikang
panturo sa lahat ng antas ng paaralan
kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakarang edukasyong bilinggwal.
Pinalabas ng Commission on Higher
Education ang CHED Memorandum Blg.
59 na nagtatadhana ng siyam na yunit
na pangangailangan sa FILIPINO sa
pangkalahatang edukasyon at
nagbabago sa deskripsyon at nilalaman
ng ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan, Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat sa Ibang
Disiplina) at Filipino 3 (Retorika)
Sa rekomendasyon ng SWP (KWF),
nilagdaan ni Kalihim Lourdes
Quisumbing ng DECS ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81
na nagtatakda ng bagong
alpabeto at patnubay sa
pagbabaybay ng Wikang Filipino
Ipinalabas ng KWF ang
2001 Revisyon ng
Ortografiyang Filipino at
Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino
Ipinagbigay-alam ng Komisyon sa Wikang
Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon
ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Gilipino at samantalang
nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-
aaral, konsultasyon at hanggat walang
nababalangkas na mga bagong tuntunin sa
pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng
taong 1987
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay
ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa
Proklama Blg. 12, serye ng 1954, na sa
pamamagitan nito’y inilipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa
taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19
ng Agosto. Nakapaloob sa panahong saklaw
ang pagdiriwang ng kaarawan ni Quezon.
(Agosto 19)
Araw ni Balagtas
Memorandum Sirkular Blg. 488 na
humihiling sa lahat ng tanggapan
ng pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa,
Agosto 13-19.
Nilagdaan ni Pangulong Corazon C.
Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na
kumikilala sa Wikang Pambansa na
gumawa ng napakahalagang papel sa
himagsikang pinasiklab ng
Kapangyarihang Bayan na nagbunsod
sa bagong pamahalaan
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong
Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041
na nagtatkda na ang buwan ng
Agosto taun-taon ay magiging Buwan
ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa
iba’t ibang sangay / tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na
magsasagawa ng mga gawain
kaugnay sa taunang pagdiriwang.