Deklamasyon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

DEKLAMASYON

DEKLAMASYON
-nagmula sa salitang Griyego na “melete”;
salitang Romano na “declamatio”
- payak na pagsasanay na may masidhi at
makulay na damdamin
- uri ng pagpapahayag ng damdamin sa
pamamagitan ng pagsasalita base sa
emosyon na hinihingo ng linya.
LAYUNIN NG DEKLAMASYON
1. Layunin ng deklamasyon na humikayat,
tumugon, mangatwiran o maglahad ng
isang paniniwala.
2. Dapat magpakita ng pananabik na
magsalita ang bumibigkas
3. Kailangan kumilos ng tama ngunit
mahinahon. Ang tinig ay dapat lumikha ng
kawilihan
LAYUNIN NG DEKLAMASYON
4. Simulan sa kawi-wiling tinig ang
pagsasalita upang makaakit ng tagapakinig
5.  Ipadama sa mga tagapakinig na sila ay
kasama o kabahagi sa pagsasalita o pagtitipon
6. Huwag tumingin sa isang dako lamang,
pagalain ang mga paningin
LAYUNIN NG DEKLAMASYON
7. Umisip ng mga salita na makapagbibigay
ningning sa deklamasyon
8. Maging maingat sa pagsasalita. Dapat
tumpak ang mga pananalita at ayon sa
tuntuning pambalarila
9. Huminto sandali sa wakas ng deklamasyon
bago bumalik sa upuan subalit taglay ang
katauhang binibigyang buhay
ANG TAMANG PAGDEKLAMASYON
a. Unawain at isaulo ang piyesa.
b. Pag-aralan ang kultura ng mga taong
manonood, ang okasyon at lunan ng
patimpalak.
c. Magsimula at magtapos nang maayos
d.  Huwag isakripisyo ang tamang pagbigkas
ng mga salita para sa pag-arte
ANG TAMANG PAGDEKLAMASYON
e. Bumigkas nang maayos at malinaw.
f. Huwag sumigaw sa lahat ng pagkakataon.
g. Maging makatotohanan sa gagawing
interpretasyon.
h. Ang pagtingin sa madla (eye contact),
ekspresyon ng mukha, kumpas at galaw ay
kinakailangang magkakaugnay sa isa’t – isa.
ANG TAMANG PAGDEKLAMASYON
i. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa
isasabuhay na katauhan.

j. Iwasan ang kalabisan sa pag – arte,


magkaroon ng kontrol sa iyong imahinasyon.
PAMANTAYAN SA GAGAWING
DEKLAMASYON
I. Paghahatid ng Pananalita – 25%
II. Lakas at kalidad ng boses – 25%
III. Tindig at ayos – 20%
IV. Pagkabisa sa piyesa – 10%
V. Kasuotan – 10%
VI. Hikayat sa madla - 10%
Kabuuan - 100%

You might also like