Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Tayutay

•Ito’y anyo ng paglalarawang-


diwa na ang kahulugan ay
nasa ilalim ng mga salita
Aliterasyon
Pag-uulit ito ng mga tunog-katinig sa inisyal
na bahagi ng salita.

Hal:
Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan
ang marubdob niyang pagtanggi sa mahal niyang bayan.
Asonans
Pag-uulit naman ito ng mga tunog-
patinig sa alinmang bahagi ng
salita.

Hal: Nasisiyahan ka palang


manghiram ng ligayang may
hatid na kamandag at lason.
Konsonans
Katulad ng aliterasyon, pag-
uulit ito ng mga katinig, ngunit
sa bahaging pinal.

Hal:Ang halimuyak ng mga


bulaklak ay mabuting gamot sa
isang pusong wasak.
Onomatopiya o paghihimig
Sa pamamagitan ng tunog o himig ng
salita ay nagagawang maihatid ang
kahulugan nito.

Hal: Langitngit ng kawayan, lagaslas ng


tubig, dagundong ng kulog
Anapora
Pag-uulit ito sa unang bahagi ng
pahayag o ng isang aludtod.

Hal: Kabataan amg sinasabing pag-asa ng


ating bayan. Kabataan ang sanhi ng
pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit
kabataan din ba ang sisira sa kanyang
sariling kinabukasan? At kabataan din ba
ang wawasak sa pangarap ng kanyang
kapwa?
Epipora
Pag-uulit na nasa huling bahagi ng
pahayag o taludtod.

Hal: Ang konstitusyon o saligang batas ay


para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at
mula sa mamamayan.
Anadiplosis
Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay
nasa una at huli. Magandang
halimbawa nito ang sina tula ni Jose
dela Cruz.

Hal: Matay ko man yatang pigili’t pigilan


pigilin ang sintang sa puso’y tumiim;
tumiim na sinta’y kung aking pawiin
pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.
Pagtutulad o simile
Paghahambing ng dalawang bagay,
tao, pangyayari o kaisipan na
magkaiba nguni nagkakatulad sa
katangian. Gumagamit ng parang,
tulad ng, wangis, kayaga ng atb.

Hal: Ang sistemang pampulitika ay


tulad sa isang sasakyan naghahatid
sa atin ng iba’t ibang destinasyon
Pagwawangis o methapor
Tiyakan ang paghahambing o
pagtutulad na inaalis ang mga
salitang tulad, wari, para, tila.

Hal: Ang karunungang taglay


ninyo ngayon, mga bagong
nagsitapos, ay magiging hagdan
ninyo sa tagumpay
Personipikasyon, Pagbibigay-
katauhan, Pagsasatao
Ito’y pagbibigay-katauhan o pagsalin ng
katangian sa mga bagay-bagay sa paligid
natin

Hal: Tulog pa ang mga bituin nang lisanin


niya ang kanyang dampa.
Pagmamalabis o Eksaherasyon
Lubhang pagpapalabis o
nagpapakita ng kalagayan ng tao,
bagay o pangyayari

Hal: Sa labis na Aanda ng


nanalong Bb. Diwa at Panitik,
halos nalaglag ang kanyang
salawal.
Pagpapalit-tawag, metonomi o
metonomiya
Pagpapalit ng mga katawagan ng mga bagay
na magkakaugnay, hindi sa kahambingan
kundi sa kaugnayan.

Hal: Ang anghel sa kanilang tahanan ay


isang malusog na sanggol.
Pagpapalit-saklaw o sinekdoki
Pagbanggit ng isang bahagi ng
isang bagay para sa kabuan ng
isang tao sa isang pangkat.

Hal: Anim na tainga ang


matamang nakikinig sa
ibinalita ni Isabel.
Paglumanay o eupemismo
Salitang magpapabawas sa tindi ng
kahulugan ng orihinal na salita.

Hal: Magkakaroon din lamang siya ng babae


(kabit) ay bakit sa isang pang mababa ang lipad
(prostityut).
Tanong retorikal,
Pagtatanong (Rhetorical
Question)
Ginagamit ito upang tanggapin o di
tanggapin ang isang bagay. Ang
pagpapahayag na ito’y hindi maghihintay
ng sagot.

Hal: May ina kayang makatitiis na hindi


damayan ang nahihirapang anak?
Pagsusukdol o Klaymaks

Paghahanay ng mga pangyayaring may


papataas na tinig, sitwasyon o antas.

Hal: Mabilis na humupa ang hangin, napawi


ang malakas na ulan, muling sumilay ang
liwanag ng araw na nagbabadya ng
panibagong pag-asa!
Antiklaymaks
Kabaliktaran ng pagsusukdol o klaymaks

Hal: Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng


mga nagkakagulong tagahanga, hanggang
sa unti-unting nababawasan ang mga
nanonood, padalang nang padalang ang
mga pumapalakpak at ngayo’y maging mga
bulong ay waring sigaw sa kanyang
pandinig
Pagtatambis o Oksimoron
(Antithesis)
Ang pagpapahayag na ito’y bumabangit ng
mga bagay na makakasalungat upang
mapabisa ang pangingibabaw ng isang
natatanging kaisipan.

Hal: Siya’y isang babaing napakahirap


pakibagayan. Ayaw ng masalita at walang
kibo. Nayayamot sa maraming mga tao
ngunit ayaw naman ng nag-iisa. Nagagalit sa
mangmang, ayaw rin naming makihalubilo sa
maralita. Kay hirap unawain ang kanyang
ugali.
Pang-uyam o ironiya
Pagkutya sa isang tao o bagay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
papupuri ngunit kung uunawaing mabuti ay
nangungutya o nag-uuyam.

Hal: Kay bait bait mong kaibigan.


Pagkatapos kitang tulungan sa iyong
mga kagipitan ay inagaw mo pa sa akin
ang akng kasintahan.
Pagtawag o apostropi
Ito’y pagpapahayag ng kaisipan o
damdamin na parang tunay na
kaharap ang kinakausap na may
buhay o maaaring mawala.

Hal: Ulan, ulan, bumagsak ka na


at diligin mo ang tuyong bukirin.
Pagtanggi o litotes
Gumagamit ng mga panangging “hindi” upang
magpahiwatig ng lalong makahulugang
pagsang-ayon.

Hal: Ako’y hindi nagpaparatang na magnanakaw si


Leah ngunit siya lamang ang pumasok sa kwarto
kanina nang mawala ang aking pitaka.
Pagdaramdam
(Exclamation)
Isinasaad ng pagpapahayag na ito ang di
pangkaraniwang damdamin.

Hal: Huwag mong akalaing


ipinagpapawalang bahala ko ang iyong
gipit na kalagayan nais kitang tulungan
ngunit ako’y walang salaping
makahahango sa iyong kagipitan
Paralelismo
Sa pamamgitan ng halos iisang
istratura, inilalatag dio ang mga
ideya sa isang pahayag.

Hal: Iyan ang disiplinang militari:


sama-samang lulusob sa mga
kaaway, sama-sama ring kaming
mamamatay o magtatagumpay
Alusyon
Ito ay paggamit ng mga salita sa
pagtukoy sa isang tao, pook o
pangyayari. Karaniwang ginagamit ng
mga taong may pinag-aralan at taong
dalubhasa.
1. Alusyon sa Heograpiya
a. Ang Britania Islands ay ang
Boracay ng CARAGA Region.
b. Ang DELTA ay ang Dahilayan ng
Butuan.
2. Alusyon sa Literatura
a. Nahihiya man akong aminin pero
mithiin kong maging isang Juliet
ng aking kaklase na si Romeo.
b. Si Bonie ang Shakespeare ng
aming unibersidad dahil sa
angking talino sa larangan ng
literatura.
3. Alusyon sa Bibliya
a. Si Pipoy, na palaging maagang
pumapasok sa paaralan, ay
naatasang maging isang San.
Pedro ng aming guro.
Siya ang taga-hawak ng
susi ng aming silid.
b. Lahat ng mga ilaw ng tahanan
ay mga Maria sa kanilang mga
pinakamamahal na anak.
4. Alusyon sa Mitolohiya
a. Kahit ano pang puri ang
ibigay mo sa iyong sarili,
hinding-hindi ka magiging
Eros sa aking paningin.
b. Sa husay ni Kiray sa
pakikipaglaban, siya ang
Athena ng kanilang purok.

You might also like