Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

C.

MGA
IDEYANG
MAITATALA SA
DYORNAL
Sa aklat na The Writer’s Journal nagtala si
Shiela Bender (1997) na dalawampu’t isang
ideya maitatala sa dyornal. Ganito halos ang
mga mungkahing ideya ni Bender na tiyak na
kapaki-pakinabang sa nagsisimula pa lamang
magsulat sa dyornal.
 1. Kapag ika’y naglakbay (kahit habang nakasakay sa jeep papasok sa
eskwela o pauwi ng bahay), itala ang kapaligirang iyong makikita.
Ilarawan ang mga silid, gusali, daan, tanawin, tao o gawaing iyong
namasid. Maari ring isulat ang mga kombersasyong iyong maririnig
habang naglalakbay di kaya’y ilarawan ang iyong sarili, halimbawa,
kung ano ang reaksyon mo sa bagong lugar na iyong nararating.
 2. Isulat ang iyong mga karanasan sa pagsulat ng dyornal mismo.
Nahihirapan kabang mag-isip ng ideya? Isulat mo, kung gayon, kung
ano ang iyong nararamdaman at kung bakit sa palagay mo iyon
naramdaman. Kung naging madali ang pagsulat sa dyornal, maaari
ring ipaliwanag mo kung paano at bakit nangyari iyon.
 3. Kumuha ng mga salita sa aklat, dyaryo, magasin, liham, bilbord o
kung saan-saan. Maaaring itala lamang ang mga salita o kung
magagawa’y magsulat ng tungkol sa isa o ilang saling iyong naitala.
 4. Maaaring magtala sa dyornal ng mga pahayag, paglalarawan o mga
tanong na pumapasok sa isipan.

 5. Kung ika’y nagsusulat ng kwento, sanaysay, dula o ano mang papel


na kailangan sa eskwelahan o trabaho, maaari mong isulat ang iyong
dyornal ang proseso ng iyong pagsusulat. Maaaring ilarawan mo ang
iyong damdamin sa pagsisimula, pagsasaayos, pagrerebays at pagsulat
ng pinal na kopya.

 6. Maaaring ng mga entri sa dyornal na patula. Hindi kailangang


maging malikhain o kahanga-hanga ang tula. Maaari ngang mga
litanya lamang ang itala, basta may mga taludturan at tugmaan
 7. Magsulat ng mga liham, ipadala mo man kalaunan o hindi.
Maaaring isulat din sa dyornal ang mga bagay na walang buhay, isang
lugar, isang pet, yumao ng tao, isang taong kilala sa lipunan. Sa
madaling salita, kahit na sino, kahit na ano.

 8. Isulat sa dyornal ang hinggil sa mga taong importante sa iyo noong


bata ka pa.

 9. Isulat sa iyong dyornal ang iyong mga alalahanin o problema,


maging personal man o maykinalaman sa iyong pag-aaral o trabaho.
 10. Maaaring mamili ka ng naisulat mo na sa iyong dyornal upang
irebays. Maaaring pagtuunan ng pansin ang gramar, mga bantas o
mekaniks. Maaaring bawasan o dagdagan iyon. Maaaring may tanggalin
o palitan. Gawin ang sa palagay mo’y makakapagpabutisa una mo ng
naisulat.

 11. Magsulat ng tungkol sa tao o mga taong nakikilala mo na may


interes o hilig na katulad ng sa iyo.

 12. Maging sensitibo sa panahon o weather. Subukang isulat sa dyornal


ang lagay ng panahon. Ilarawan ang iyong mga namamasid sa
kapaligiran at ang iyong nararamdaman.
 13. Maglarawan ng mga bagay-bagay mula sa iyong kinalalagyan o kinauupuan. Kahit na nasa
isang lugar ka lamang nagsusulat, ang isang bagay ay maaaring magkaroon ng ibang paglalarawan
depende sa iyong mood sa isang partikular na araw.
 14. Gumawa ng listahan ng mga pahayag na may patlang at maaaring magsimula sa pamamagitan
ng pagsusuply ng iba’t ibang salita sa bawat patlang. Maghanda ng mga sampung ganitong pahayag
o maaaring magpagawa ka sa iyong kaibigan upang may magamit sa pagsisimula ng pagsulat sa
dyornal. Pansinin ang mga kasunod na halimbawa.
 a. Kung hindi ako _________________, malamang ako’y ______________.

b. Kung makakausap ko si ___________, sasabihin ko sa kanyang ________.

c. Kung mararating ko ang ___________, dadalhin ko ang aking _________.

d. Paborito ko ang __________________, sapagkat ___________________.

e. Gusto ko ng _____________________, ngunit _____________________.

f. Si ____________ang pinaka ______________ sa lahat ng ____________.

g. Masaya/Malungkot ako ngayon dahil ______________________________.

h. Kapag nanalo ako sa lotto, mag _____________________________ ako.


 15. Gamitin mo ang alpabeto. Hamunin mo ang iyong sarili na
magsimula sa pamamagitan ng paggamit ng salitang nagsisimula sa mga
titik sa alpabeto ng sunod-sunod, mula A hanggang Z.

 16. Magsuri ng mga aklat na iyong nabasa.

 17. Magpunta sa aklatan at tingnan ang mga kard katalog. Maglista sa


dyornal ng mga aklat na gusto mong basahin kapag nagkapanahon ka.

 18. Magsulat tungkol sa inyong klase katulad ng mga kaklase, mga


gawain sa klase o mga pangyayari sa klase.
 19.Makinig ng radyong ilang minuto. Isulat sa dyornal ang
iyong mga narinig.

 20.Mag-imbento ng mga karakter. Ilarawan ang kanilang


anyo at kilos.

 21. Mag-imbento ng isang imadyinaring empleyado na ang


trabaho ay magsulat sa iyong dyornal. Hayaan mo siyang
magtrabaho para sa iyo.

THANK YOU

JOHN LLOYD S. BARBACENA
RLBSIT-ELECTRICAL-BLOCK 1D

You might also like