Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

WIKA

Webster

■Ang wika ay isang sistema ng


komunikasyon sa pagitan ng mga tao
sa pamamagitan ng pasulat o
pasalitang simbolo
Sapiro

■Ang wika ay isang likas at makataong


pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin, at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang
kusang-loob na kaparaanan na
lumikha ng tunog
Archibald A. Hill

■Ang wika ang pangunahing anyo ng


simbolikong gawaing pantao.
Henry Gleason

Ang wika ay masistemang balangkas


ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura.
Kahalagahan ng Wika
1. Nagbubuklod at kumakatawan sa isang lahi o
bansa
2. Nagsisilbing instrumento ng komunikasyon
3. Nagpapalaganap ng kaalaman at iba’t ibang
impormasyon sa bawat panahon
4. Nagkakaroon ng magandang ugnayan ang
bawat isa
5. Naglilinang ng malikhain at mapanuring pag-
iisip
TEORYA NG WIKA
1. Teoryang Pooh – Pooh
- ito ay ang hindi sinasadyang pagbulalas ng
masidhing damdamin ng tao tulad ng saya, galit,
gulat, pagkamangha, sakit, sarap at iba pa na
binigyan ng kahulugan.
2. Teoryang Yum – Yum
- Nagsasaad na taglay ng tao ang mekanismo
upang makagawa ng mga tunog na ginagamit sa
wika. Tumutugon ang tao sa pamamagitan ng
pagkumpas ng alinmang bagay na
nangangailangan ng aksyon.
3. Teoryang Dingdong – Ito ay tunog na likha ng
mga bagay-bagay sa paligid at ginawang batayan
sa paglikha ng tunog at paglikha ng mga salita.
4. Teoryang Bow-wow – Ito ay nagmula sa mga
tunog na likha ng mga hayop at kalikasan na
binigyang kahulugan.
5. Teoryang Yo-he-ho – sinasabing ang tao ay
natutong magsalita bunga ng kanyang pwersang
pisikal. Tayo’y nakakalikha ng tunog kapag
pwersahang ginagawa ang isang bagay o
nagdadagdag sa anumang lakas sa isang
partikular na gawain.
6. Teoryang Tata – ito ay batay sa
paniniwalang ang kumpas o galaw ng kamay
ng tao na kanyang ginagawa sa iba’t ibang
okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng mga tao upang lumikha ng mga
tunog.
7. Teoryang Tararaboom-de-ay – ito ay mga
nilikhang tunog mula sa mga ritwal ng mga
sinaunang tao tulad ng mga pangingisda,
pagtatanim, panggagamot, pag-aani,
pagpapakasal atbp.
Tungkulin ng Wika
Tungkulin Kahulugan Halimbawa Halimbawa
(Pasalita) (Pasulat)
Interaksyunal Nakapagpapanatili Pormularyong Liham
at nagpapatatag panlipunan, pangkaibigan
ng relasyong kamustahan,
sosyal palitan ng biro

Instrumental Tumutugon sa mga Pakikiusap, Liham


pangangailangan pag-uutos pangangalak
al
Tungkulin ng Wika
Tungkulin Kahulugan Halimbawa Halimbawa
(Pasalita) (Pasulat)
Regulatori Kumokontrol at Pagbibigay panuto
gumagabay sa direksyon,
kilos / asal ng iba paalala o
babala

Personal Nakapagpapahaya Pormal at di- Liham


g ng sariling pormal na patnugot
damdamin at talakayan
opinyon
Tungkulin ng Wika
Imahinatibo Nakapagpapahaya Pagsasalaysay, Akdang
g ng imahinasyon paglalarawan, pampanitika
sa malikhaing Masining na n
paraan pagpapahayag
Heuristik Naghahanap ng Pagtatanong, Sarbey,
mga datos / pakikipanayam pananaliksi
impormasyon k

Impormatib Nagbibigay ng mga Pag-uulat, Ulat,


datos / pagtuturo pamanahon
impormasyon g papel
Unibersal na Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas
- Ang wika ay may 2 masistemang balangkas
A. Balangkas ng mga tunog – ponema ang tawag sa
makabuluhang tunog ng isang wika samantalang
ponolohiya naman ang tawag sa maka-agham na pag-
aaral ng mga ito.
B. Balangkas ng mga kahulugan – kapag ang mga
ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng
maliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema.
Samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-
ugnay, maaari tayong makabuo ng mga pangungusap
(sintaksis), at kapag nagkaroon na ng makahulugang
palitan ng mga pangungusap ang 2 o higit pang tao
ito ay tinatawag na diskurso.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog – hindi lahat
ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng
tunog ay may kahulugan.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos – sa lahat
ng pagkakataon ay pinipili natin ang wikang
ating gagamitin.
4. Ang wika ay arbitraryo – ito ay
nangangahulugan na ang bawat wika ay may
kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal, at
gramatikal na istruktura na ikinaiba niya sa
ibang wika.
5. Ang wika ay ginagamit – ito ay kasangkapan
sa komunikasyon. Ito ay behikulo ng
talastasan o komunikasyon ng 2 o higit pang
taong nag-uusap.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura – Paano
nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig?
- May mga kaisipan sa isang wika ang walang
katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa
kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng
isang wika.
7. Ang wika ay nagbabago

8. Ang wika ay pantao

9. Ang wika ay buhay at dinamiko


Antas ng Wika
Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang
mahalagang katangian nito. Tulad ng tao, ang
wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya
ayon sa kaantasan nito. Mahahati ang antas
ng wika kategoryang Pormal at Impormal. Sa
bawat kategorya, napapaloob ang mga antas
ng wika.
A. Pormal – ito ang mga salitang istandard dahil
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
1. Pambansa – ito ang mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga aklat pangwika at
pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin
ang wikang kadalasang ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
2. Pampanitikan o panretorika – ito naman ang
salitang gamitin ng mga manunulat sa
kanilang akdang pampanitikan.
B. Impormal – ito ang mga salitang karaniwan,
palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin
sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga
kakilala at kaibigan.
1. Lalawiganin – ito ang mga bokabularyong dayalektal.
Ginagamit ang mga ito sa mga partikular na pook o
lalawigan lamang.
2. Kolokyal – ito ay mga pang-araw-araw na salita na
ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring
may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito
ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita. Nasa antas din na ito ang
pagpapaikli sa mga salita sa mga pasalitang
komunikasyon.
3. Balbal – ito ang tawag sa ingles na slang.
Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga
ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng
sariling codes.
Varayti ng Wika
1. Dayalekto – ang varayti ng wikang nalilikha
ng dimensyong heograpiko. Ito wikang
ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Halimbawa: Tagalog
Maynila: Aba, ang ganda!
Batangas: Aba, ang ganda eh!
Bataan: Ka ganda ah!
2. Sosyolek – ito naman ang tawag sa
varayting nabubuo batay sa dimensyong
sosyal.
Halimbawa:
Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
Kosa, pupuga tayo mamaya
Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling
muna tayo ngayon.
3. Idyolek – ito kakaibang paggamit ng isang
indibidwal sa wika. May kakaibang estilo o
pamamaraang personal, kasama rito ang
kalidad ng boses, pisikal na katangian at estilo
ng pagsasalita.
Halimbawa:
Boses nina Mike Enriquez, Marc Logan, Noli de
Castro, Kris Aquino atbp.

You might also like