Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Sa pangunguna ng Local Government

Units (LGU’s) at pakikipagtulungan ng


Department of Environment and Natural
Resources na pinamumunuan ni Kalihim
Ramon J.P. Paje ay inilunsad and
Ecological Waste Management Act o
Republic Act 9003.
Bahagi ng programang ito ang
pagtuturo sa mga mamamayan kung
paano maisasagawa ang maayos na
paglikom at pagtatapon ng mga
basura, kung paano magsagawa ng
compost pit, gayundin kung paano
mapakikinabangan ang mga bagay na
patapon na sa pamamagitan ng pagre-
recycle.
Ang programang ito ay higit na
magtatagumpay sa pamamagitan ng
mahigpit na pagpapatupad sa mga
pamahalaang lokal partikular sa
bawat barangay. Hinihikayat ang lahat,
nanay o tatay, matanda o bata na
maging responsable sa sariling
basura. Wika nga ng isang akronim na
KKLB ay “kanya-kanyang ligpit ng
basura.”
•Kalihim Ramon J.P Paje
•Mga mamamayan
•Basura
•Nanay
•Tatay
•Matanda
•Bata
Panlalaki
Pambabae
Di tiyak
Walang Kasarian
Ang kasariang ito ay tumutukoy
sa ngalan ng lalaki.
halimbawa:
ama, tiyuhin, lolo, buriko,
tandang
Ang kasariang ito ay tumutukoy
naman sa ngalan ng babae.
halimbawa:
nanay, tiyahin, lola, dalaga,
inahin
Di tiyak ang kasariang
maaaring tumutukoy sa ngalan
ng isang lalaki o babae.
halimbawa:
mamamayan, kabataan,
mag-aaral
Ito ang mga ngalang
tumutukoy sa mga bagay na
walang kasarian.
halimbawa:
basura, pera, bayan,
pagkain
Isahan
Dalawahan
Maramihan
Isahan
si, ang, kay

Maramihan
sina, ang mga, ng mga, kina
Isahan
mabuting kaibigan, malinis na
puso
Maramihan
mabubuting kaibigan, malilinis na
puso
Isahan
isang kaibigan
Dalawahan
dalawang kaibigan
Maramihan
maraming kaibigan
Bumuo ng mga pangungusap
gamit ang kasarian at kailanan
ng pangngalan tungkol sa
maayos at responsableng
pagtatapon ng basura.
“Bakit mahalagang magamit
nang wasto ang kasarian at
kailanan ng pangngalan sa
pakikipagtalastasan?
Ano kaya ang maaaring
mangyari kung mali ang
paggamit ng kasarian at
kailanan ng pangngalan?

You might also like