Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

KATITIKAN

NG PULONG
KATITIKAN NG PULONG

- Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang


Pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay
sa pagpupulong ng bahagi ng adyenda.
- Nakasulat din kung sino-sino ang dumalo, anong
oras nag simula at nag wakas ang pagpupulong
gayundin ang lugar na pinagganapan nito.
ito ang nag sisilbing tala ng isang malaking
organisasyon upang maging batayan at
sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.
Mga kasamang nakagugulo sa Pulong ni Ali S. Anso

1. MR. HULI - papaano hindi tawaging huli eh, Parating Huli


nahihinto ang takbo ng pag-uusap dahil kailangang ipaliwanag
at ulitin para sa dumating kung anong nangyari o napag-usapan.

2. MR. SIRA - Sirang Plaka paulit ulit ang sinasabi dahil maaring
hindi nakikinig o talagang may kakulitan o gumagawa ng sariling
papel o gustong palaging bida.

3. MR. ILING - Laging umiiling-iling parang laging hindi tanggap


ang sinasabi ng mga kasama.

4. MR. WHISPHER - Bulungero-nakakainis at nakakailang dahil


nagsasalita ang mga kasama ng grupo, bulong siya ng bulong.
5. MR UMALI – si Maagang Umaalis, agad kahit di pa tapos ang
pulong.

6. MR. APENG DALDAL – Daldalero halos buong pulong, siya na


lamang ang nagsasalita.

7. MR. DUDA – Parating nagdududa anumang tinatalakay sa


pulong ay laging pinagsusupetsahan.

8. MR. HENYO – Masyadong Marunong ayaw magpatalo kahit


kanino.
9. MISS TSISMOSA – nagdadala ng kung anu-anong balita,
tsismis at intriga na walang katuturan sa pulong.

10. MISS GANA – Walang gana bagama’t pisikal na nasa sa pulong,


hikab ng hikab, natutulog habang nagpupulong.
APAT NA ELEMENTO SA PAG - OORGANISA NG PULONG

1. PAGPAPLANO (PLANNING)
• Pagpaplano para sa organisasyon
• Pagbibigay impormasyon
• Konsultation
• Paglutas ng Problema
• Pagtatasa

2. PAGHAHANDA (ARRANGING)
Sa imbitasyon, kailangang ipaalam sa mga taong dapat
dumalo sa pulong. Kailan, Petsa, Oras, at Lugar kung saan idadaos
ang pulong.
 Tagapangulo (Chairman/Presiding Officer) – kailangan alam niya
ang agenda kung paano patatakbuhin ang pulong, kung papaano
hahawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.
 Kalihim (Secretary) kailangan niyang ihanda ang katitikan o
talaan noong nakaraang pulong at iba pang ulat at kasulatan ng
organisasiyon.
 Mga Kasapi sa pulong (Members) – Kailangang pag-aralan nila
ang agenda o mga bagay na pag-uusapan para maging aktibo ang
kanilang pakikilahok.

MGA USAPIN NG PULONG (AGENDA OF THE MEETING)


 Pagubukas ng Pulong
 Pagbasa at Pagsang-ayon
 Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman sa nakaraang pulong
 Pinakamahalagang Pag-uusapan
 Ibang Paksa
 Pagtapos ng Pulong
MGA DAPAT IHANDA SA PAGPUPULONG

• Ihanda ang lugar at mga kagamitan gaya ng mesa, mga upuan,


sound system, pagkain kung kinakailangan, palikuran at ang
seguridad at iba pa.
• Pag-aralan ang mga paksa na tatalakayin at kung kinakailangan
magtalaga ng taong mas higit na nakakaalam sa usapan.

3. PAGPROSESO (PROCESSING)
Ang pulong ay dapat may “rules, procedures or standing
orders“ kung paano ito patatakbuhin.

 Quorum – Ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na


dapat dumalo para maging opisyal ang pulong.
 Consensus – Isang proseso ng pagdedesisyon kung saan kinukuha
ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng kasapi sa pulong.
Simpleng Mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon kung saan
kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng kasapi sa pulong.
2/3 majority – isang proseso ng pagdidisisyon na kung saan
kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pag sang-ayon o di-pagsang-ayon
na dumalo sa isang pulong.

4. PAGTATALA (RECORDING)
Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes). Mahalaga
ito dahil ito ang opisyal na record ng mga desisyon at pinag-uusapan
sa pulong.

MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG

1. Tagapangulo (chairperson) Sinisiguro niya na maayos ang takbo


ng pag-uusap at pagdedesisyon.
MGA PARTIKULAR NA GAWAIN NG CHAIRPERSON

1. Nangunguna at nag-aambag sa usapan.


2. Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga bagay
na pinag-uusapan.
3. Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at
nagpapatawa sa upuan.
4. Nag-aayos ng sistema sa pulong.
5. Namamagitan sa alitan o hindi pagkakaunawaan ng mga
kasama sa pulong.

2. Kalihim – Tungkulin nya na ipaalala kung ano ang dapat pag-usapan


upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at upang magig tuloy-tuloy
ang pag-uusap.
3. Mga kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) Responsibilidad nilang
ipaalala sa “Chairperson at Secretary” ang kanilang mga gawain.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG
1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang layunin sa
pulong at iba’t-ibang paksang pinag-uusapan at walang direksyon at
ito ay nakakawalang gana sa mga kasapi.
2. Bara-barang pulong – walang sistema ang pulong.
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging
epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan.
4. Pag-atake sa indibidwal - may mga kasama sa pulong na
mahilig umatake o mamuna sa pagkatao ng isang indibidwal.

5. Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas


ng mga kasama ang problema ng organisasyon.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG

6. Kawalan ng tiwala sa isa’t-isa – walang ibubunga ang mga


pulong na walng pagtitiwala at pagbubukas sa isa’t-isa.

7. Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong maingay o


magulo ang lugar ng pinagpulungan kaya hindi magkarinigan.

8. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi


natatapat sa alanganing oras tulad halimbawa ng tanghaling tapat,
sobrang gabi o sa oras ng trabaho.

You might also like