Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGKAMAMAMAYAN

- ay ang pagiging miyembro o kasapi ng isang bansa ayon sa


itinatakda ng batas nito. Ang paninirahan sa isang bansa ay hindi
basehan ng pagkamamamayan nito. Halimbawa, ang mga dayuhang
naninirahan sa Pilipinas ay hindi basta-basta maituturing na
mamamayang Pilipino dahil lamang sila ay narito. Ang
pagkamamamayan ay mayroong pinagbabasehan o
pinagbabatayan.
ANG DALAWANG URI NG PAGKAMAMAMAYAN SA
PILIPINAS AY ANG MGA SUMUSUNOD:

• 1. Likas o Katutubong Mamamayan

• 2. Naturalisadong Mamamayan
LIKAS O KATUTUBONG MAMAMAYAN

-ang likas na mamamayan ay yaong ipinanganak ng isang Pilipino. Maaaring isa o


pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino.
NATURALISADONG MAMAMAYAN
• Ito naman ay tumutukoy sa mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil
sa proseso ng naturalisasyon. Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan
ang isang dayuhan ay dumadaan sa proseso ng hukuman upang maging mamamayang
Pilipino. Kung sakaling ang dayuhang ito ay magawaran ng batas ng
pagkamamamayang Pilipino, kaakibat nito ang tungkuling sumunod sa mga
alituntunin ng ating bansa, pati na rin ang paggalang sa ating kultura. Lahat din ng
karapatang iginagawad sa isang Pilipino ay maaari niyang matamasa, maliban lamang
sa pagkakahalal sa matataas na posisyon sa ating pamahalaan.
• SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:
• (1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;
• (2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
• (3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Filipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
• (4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
• SEK. 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa sa
pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos
ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon
sa Seksyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.
• SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana
ng batas.
• SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-
asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim
ng batas, na nagtakwil nito.
• SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat
lapatan ng kaukulang batas.
AYON SA SALIGANG BATAS NG PILIPINAS, MAY 7
DAHILAN NG PAGKAKAWALA NG
PAGKAMAMAYANG PILIPINO. ITO AY ANG MGA
SUMUSUNOD:
• Pagsasabi at pagtatakwil ng pagiging Pilipino.
• Pagsabi ng Panunumpa ng Katapatan ng ibang bansa.
• Pagbibigay ng serbisyo sa o paglingkod sa Sandatahang Lakas ng ibang bansa.
• Pagproklama ng gobyerno na ang isang sundalo ng Sandatahang lakas ay tumiwalag o
tumakas sa panahon ng digmaan.
• Paghiling o pag-apply ng pagiging mamamayan ng ibang bansa (pagiging naturalisado
sa ibang bansa).
• Pagkansela ng mga katibayan ng pagiging naturalisadong Pilipino (para sa mga
naturalisadong Pilipino).
• Pagpapakasal ng isang babaeng Pilipino sa dayuhan at pagkuha ng nasyonalidad nito.

You might also like