Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 64

Francisco Balagtas

Baltazar
Prinsipe ng Makatang Tagalog
Francisco Balagtas
Baltazar
Francisco Balagtas Baltazar

• Kilala sa palayaw na “KIKO”


• Isinilang noong ika-2 ng Abril, 1788.
• Naging guro niya sa pagsulat ng tula si
Huseng Sisiw o sa tunay na buhay ay si
Jose de la Cruz.
• “Ama ng Panulaang Filipino”
• Pinakasikat na akdang ginawa ay ang
“Florante at Laura.”
Francisco Balagtas Baltazar
• Isinilang sa nayon ng Panginay, bayan ng
Bigaa (kilala sa kasalukuyan na Balagtas),
lalawigan ng Bulacan.
• Si Juan Balagtas ang kaniyang ama na isang
panday at si Juana de la Cruz naman ang
kaniyang ina.
• Sa usapin ng pag-ibig, una niyang minahal ni
Lusena, isang taganayon ng Gagalangin,
Tondo.
Francisco Balagtas Baltazar

Lusena / Magdalena
Ana Ramos
Maria Asuncion Rivera
M.A.R.
Francisco Balagtas Baltazar

Juana Tiembeng
B A L A G TA S V S . B A LTA Z A R

• May mga nagsasabing ang Baltazar ay


sagisag-panulat o pen name ni Kiko.
• Subalit ito ay pinabubulaanan ng mga
dokumentong nasusulat sa kasaysayan.
• Ang apelyido ng mga magulang ni Francisco
ay Balagtas.
B A L A G TA S V S . B A LTA Z A R
Kaya lamang laging may kataliwasan sa mga
tuntunin o kung sa Ingles ay “exception to the
rule.”
Sa hindi na matiyak na dahilan, noong nag-aral
diumano si Francisco sa Maynila (Colegio San
Juan de Letran at Colegio de San Jose) at
namasukang katulong sa isang mariwasang
pamilya Trinidad sa Tondo, doon nagsimulang
palitan ng Baltazar ang apelyidong Balagtas.
B A L A G TA S V S . B A LTA Z A R
Kaya lamang laging may kataliwasan sa mga
tuntunin o kung sa Ingles ay “exception to the
rule.”
Sinasabi naman ng ilang kritiko at historyan na
malamang naabutan ni Kiko ang isang
kautusan sa panahon ng mga Espanyol noong
1849 sa utos ng Gobernador-Heneral na si
Narciso Claveria y Zaldua ang sapilitang
pagpapalit ng mga apelyido ng mga katutubong
Filipino o mas kilala sa tawag na indio.
B A L A G TA S V S . B A LTA Z A R
• Maaaring isa nga itong matatag na argumento
ng pagpapalit ng apelyido ng dakilang makata
na kilala rin sa taguring “Sisne ng Panginay.”
• Kung sa pagsilang ay Balagtas ang kaniyang
ginamit na apelyido, sa huling hantungan
naman ay nakasulat sa kaniyang lapida ang
apelyidong Baltazar.
B A L A G TA S V S . B A LTA Z A R

• Bago namatay si Francisco Balagtas Baltazar,


mahigpit niyang itinagubilin o ipinagbilin sa
asawa (Juana Tiambeng) na huwag na huwag
magsusulat ng anumang tula ang kaniyang mga
anak (marahil nadala si Kiko ng kaniyang mga
mapait na karanasan bilang manunulat).
• Namatay ang dakilang makata (dahil sa
pulmonya at katandaan) noong ika-20 ng
Pebrero 1862 (sa edad na 74) sa Orion, Bataan
makalipas ang isang taong ipinanganak si Jose
Rizal.
• Ano’t ano pa man ang apelyido ni Kiko, hindi
maitatatwa na dakilang pamana siya sa lahing
Filipino.
• Siya ang nagbasag sa mga haka-hakang walang b
matinong panitikan ang mga Filipino sa panahon ng
mga Espanyol.
• Isang malaking sampal, suntok at dagok sa mga
dayuhan na naihanay ang Florante at Laura bilang
katangi-tanging panitikang kayang maipagmalaki sa
saan mang dako ng mundo.
• At ang katotohanang ang kumatha nito ay isang
Filipino sa katauhan ni Francisco.
• Unang nalimbag ang edisyon
nito noong 1838.
• Itinuturing itong isang obra
maestra sapagkat sa taglay
nitong pambihirang estruktura
at nilalaman.
• Kung tutuosin, pinaikli na
lamang ang pamagat na
Florante at Laura.
• Ang orihinal na bersiyon ng
pamagat nito ay
“Pinagdaanang búhay ni
Florante at ni Laura sa
kahariáng Albanya.”
• Isang awit ang Florante at Laura.
• ang awit ay may 12 pantig sa bawat taludtod nito.
• Nasusulat din ito sa paraang saknungan.
• At ang bawat saknong nito ay may apat na taludtod o linya.
• Mas kapani-paniwala rin ang mga pangyayari sa isang awit dahil
maaaring maganap ito sa tunay na buhay.
• Ibig sabihin, hindi ito tiwalag sa realidad.
• Sa isang korido, maraming kababalaghan at supernatural na bagay ang
nagaganap na maaaring mangyari lamang sa mundo ng imahinasyon,
pantasya at/o panaginip.
• Ang mga lugar sa awit ay maaaring makita at matagpuan sa
heograpiya at kasaysayan gaya ng Albanya, Atenas, Persiya at iba pa.
• Samantalang sa isang korido, ang mga kaharian
at lugar na binanggit ay di-kapani-paniwala gaya
ng Bundok Tabor, Berbanya, Armenya,
mahiwagang balon at Reyno de los Cristales.
Kinakanta ang awit sa paraang malumanay,
madamdamin at/o mabagal o kilala rin bilang
andante.
• Kaiba sa korido, higit na buhay at masigla ang
himig na namamayani sa isang awit.
• Sa kabila ng mga pagkakaibang ito,
may pagkakatulad din ang awit at
korido.
• Ang awit at korido ay parehong
nagsisimula sa paghahandog, pag-
aalay o panalangin na maaaring sa
isang musa, sa Diyos o sa Mahal na
Birhen.
• Pareho rin itong kongkretong
halimbawa ng tulang nagsasalaysay.
Dahil kapuwa tula ang kalikasan nito,
nagtataglay ito ng sukat, tugma,
larawang-diwa at talinghaga.
• Isang korido ang tekstong Ibong Adarna.
• Napakapopular na akda ito sa panahon ng
mga Espanyol.
• Ang korido ay mga tulang pasalaysay na
may direktahang kaugnayan at
impluwensiya mula sa Europa.
• Ang mga paksa sa mga korido ay hango
sa mga alamat at kasaysayang punong-
puno ng kababalaghan.
• Ang bawat saknong sa korido ay may apat
na taludtod o linya. Sa bilang ng pantig,
ang korido ay may walong sukat sa bawat
taludtod nito. Binabasa at/o inaawit ang
korido nang mabilis sa kumpas na allegro.
• Hango ang korido sa salitang Espanyol na
ocurrido na nangangahulugang
kasalukuyang mga balita (Abueg at Sayas:
2).
SINO NGA
BA ANG
NAGSULAT
NG IBONG
ADARNA?
• Sa ating bansa, masasabing pinakasikat na halimbawa ng
korido ang Ibong Adarna.
• Sa kabuoan, masasabing halaw o adaptasyon ang kuwento ng
Ibong Adarna.
• Ibig sabihin, maraming naratibo sa iba’t ibang dako ng mundo
na may pagkakatulad sa kuwento ng Ibong Adarna.
• Ito ang magpapaliwanag kung bakit walang iisang pangalan ang
lumitaw kung sino o kanino talaga nagmula ang kuwento ng
Ibong Adarna.
• Mahihinuha rin na sa panahon ng mga Espanyol ang kahigpitan
sa sensura kung kaya’t napilitan ang maraming manunulat na
itago ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pen name o
sagisag-panulat o tuluyang hindi lagyan ng pangalan ang
kaniyang akda upang makaiwas, makailag at makatakas sa
anumang parusa kapag nasaling ang mga Espanyol.
Gayunpaman, may ilang kritiko sa bansa
gaya nina
• Patrocinio V. Villafuerte,
• Rogelio G. Mangahas,
• Mike L. Bigornia,
• Felicidad Q.Cuaño,
• Ponciano B.P. Pineda,
• Lakandupil C. Garcia,
• Vasil A. Victoria
na hayagang tinukoy ang pangalan ni
JOSE DE LA CRUZ
• Sinasabi sa mga seminar-worksyap nina Prof.
Villafuerte at Dr. Garcia na si Jose de la Cruz ang
maykatha ng koridong ito.
• Sa mga aklat naman na Ibong Adarna nina
Mangahas at Bigornia (2002), Cuaño (2012) at
Pineda (1979), hayagan at lantarang mababasa ang
pangalan ni Jose de la Cruz bilang manunulat ng
Ibong Adarna.
• Sa pinakabagong pananaliksik ni Victoria (2015),
kaniyang naalisa na tunay nga at sadyang kapani-
paniwala na si Jose de le Cruz ang may-akda ng
obra maestrang gaya ng Ibong Adarna.
• Pinapatunayan ito ng tinatawag na interteksto.
Kung sa kasaysayan ay naging guro ni
Francisco “Balagtas” Baltazar si Jose de la
Cruz, malamang na may naging malaking
impluwensiya talaga ang guro sa kaniyang
naging estudyante.
• Kung babasahin ang interteksto ng Florante at
Laura at ng Ibong Adarna, kitang-kita na may
malaking pagkakahawig ang dalawang akdang
ito na pinapatunayan sa ilang piling saknong.
Ang tanong, alin ba ang nauna?
Hindi ba’t ang Ibong Adarna?
Iilan pa lamang sa mga
bagong pananaliksik ang
lumalabas sa ugnayang ito ng
dalawang obra maestra.
Pangunahing nakasipat ng
interksto nito si Victoria.
INTERTEKSTUWALISASYON
NG IB AT FL
• Kung tutuosin, malaking debate pa rin sa ilang eksperto at
kritiko kung sino talaga ang orihinal na awtor ng Ibong Adarna.
• Wala pa mang sapat na ebidensiya o patunay na
makapagpapatotoo kung sino talaga ang awtor ng Ibong
Adarna, mahalagang idiin na ang kuwentong ito ay hindi
maaaring angkinin ng iisang tao sapagkat ang kuwento ng
Ibong Adarna ay kuwentong nagpasalin-salin sa iba’t ibang
henerasyon at may pagkakahawig sa iba’t ibang kuwento sa
iba’t ibang panig ng daigdig.
• Ang tawag sa ganitong uri ng pagsasalikop ng mga kuwento ay
intertekstuwalidad.
• Ibig sabihin, mahirap nang halukayin ang orihinal na
pinagbukalan ng kuwento subalit matatayang may tiyak na
pinagmulang batis o reprensiya ang mga ito.
Kalahagahan ng Pagbasa,
Pagsusuri at Pag-aaral sa Florante
at Laura
Pagkalipas ng maraming taon buhat nang
mailuwal sa kasaysayan ang obra
maestrang gaya ng Florante at Laura,
mayroon ba itong halaga sa
kontemporaneong danas ng ating
panahon?
Sabi nga ni E. San Juan, Jr na:

Tiyak na sa harap ng ‘di halos mabilang na nakalathalang pag-aaral at


pananaliksik tungkol sa obra maestra ni Balagtas, hindi lang ito hinirang na
kanonikal na asignaturang dapat basahin kundi sakramentong pamana ng
lahi, wala nang bagong matutuklasan tungkol sa halaga at katuturan ng
akda. Mali ang akalang ito sapagkat ang panahon ay nagbabago. At sa
bawat pagsulong ng kasaysayan ng ating lipunan at kaalinsabay na
pagbabago, sa gitna ng mabilis na pag-inog ng relasyong internasyonal ng
mga bansa, nag-iiba ang pananaw ng bumabasa, pati na ang milyong
kinalalagyan ng likhang-sining. Bagama’t may pagbabago, mayroon ding
nananatili–hindi maihihiwalay ang diyalektikal na ugnayang ito. Lilitaw ang
masalimuot na paglalangkap ng luma at bago, tradisyon at modernidad, sa
takbo ng pagtalakay ko sa makabagong pagkilatis at pagkaunawa ng
Florante sa paraang pagsasalin dito sa isang diskursong konseptuwal o dili
kaya’y post-konseptuwal.
• Una, ang awit na Florante at Laura ay isang
malinaw na metapora ng kalagayan ng ating
bansa sa panahon ng mga Espanyol.
• Malinaw na naisiwalat ni Francisco “Balagtas”
Baltazar ang abang kalagayan ng ating kapuluan
sa kamay ng mga mananakop sa tulong ng mga
alegorya, alusyon, simbolismo at iba pang
sangkap-pampanitikan.
• Sadyang isang henyo si Kiko na nakalusot sa
napakahigpit na sensura ng mga Espanyol sa
pamamagitan ng paggamit ng mga senyas at
signos.
• Inakala ng mga dayuhan na pabor para sa
kanilang interes at kapakanan ang buong
nilalaman ng awit subalit isang parikala, ironiya o
katumbalikan ang naganap.
• Mababasa lamang ng isang matalinong kritiko na
ang nilalaman ng awit na Florante at Laura ay
pagtuligsa sa maraming kabulukan at maruming
sistemang pinairal ng mga Espanyol sa mga
Filipino.
• Simbolismo ng sawing bayan ang kaharian ng
Albanya na pinamumunuan ng “lilo’t kasakiman.”
• Pangalawa, maraming linya sa Florante
at Laura na lantarang kinopya o sinipi ng
mga dakilang bayani ng bansa.

• Pinapatunayan mismo ito ng


pambansang bayani na si Gat Jose P.
Rizal sa kaniyang nobelang Noli Me
Tangere. Maraming pangyayari sa
dakilang nobelang ito ni Rizal na
mababasa ang ilang linya o taludtod
mula sa Florante at Laura.
• Ang mga siniping kaisipang ito ay
nagtataglay ng mga idyoma, talinghaga,
prinsipyo, ideolohiya lalo na sa usapin
ng pag-ibig sa bayan, paano kikilalanin
at huhubaran ang mga pagkukunwari,
ang wasto at matinong pagpapalaki sa
anak, pagtangkilik sa sariling wika at iba
pang halagahang pantao at panlipunan.
• Kung ang isang henyo ngang gaya ni
Rizal ay humanga at dumakila sa tula ni
Kiko, tayo pa kaya?
• Pangatlo, hindi lamang si Rizal ang
nagmapuri sa dakilang panitikang
nasulat ng isang kapuwa Filipino.
• Maging ang dakilang lumpo, si
Apolinario Mabini ay tumangkilik sa awit
na Florante at Laura ni Kiko.
• Kung tutuosin, isang pambihirang talino
at talento ang ipinamalas ni Mabini nang
kaniyang mamemorya ang buong piyesa
ng Florante at Laura.
• Nang hinamon diumano si Mabini ng
isang Amerikano na makapagpakita ng
pruweba o patunay na may dakilang
panitikan ang lahing Filipino, naisulat
niya nang buo ang Florante at Laura
gamit ang talas ng memorya.

• Kung naisaulo nga ito ng “Utak ng


Himagsikan,” ano’t hindi ito babasahin,
susuriin at aaralin ng kasalukuyang
henerasyon ng kabataan?
• Pang-apat, malaki ang naging impluwensiya ng awit na
Florante at Laura sa maraming pang henerasyon ng
mga manunulat na Filipino.
• Muli itong mababakas sa tula ng dakilang katipunero na
si Andres Bonifacio sa kaniyang tulang “Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa.”
• Hindi ba’t ang tulang ito ng “Ama ng Demokrasyang
Filipino” ay tungkol sa marubdob na pagmamahal sa
Inang-bayan at kung susuriin ang elemento nito bilang
tula ay kopyang-kopya sa awit na Florante at Laura na
may ganap na tugmaan, nasusulat sa saknungan, may
apat na linya ang bawat saknong at 12 ang sukat sa
bawat taludtod nito?
• Maraming intertekstuwalidad ang nailuwal
kaugnay sa awit na Florante at Laura.
• Maraming akdang pampanitikan ang direktahang
matutukoy na imitasyon sa obra ni Kiko o kung
hindi man ay pumili ng ilang pangyayari at/o
linyang tumutukoy sa pinagbubukalang akda na
walang iba kundi ang Florante at Laura.
• Nangangahulugan lamang na ang pag-ibig sa
bayan ay naipunla, tumubo at lumago sa isipan
ng maraming makabayang Filipino sa tulong at sa
pamamagitan ng pagbabasa ng Florante at
Laura.
• Sa pinakahuling tala sa kasaysayan,
ginamit bilang pamagat ng isang libro ni
Tolentino (2001) ang linya sa Florante at
Laura gaya ng “Sa Loob at Labas ng
Mall Kong Sawi/Kaliluha’y Siyang
Nangyayaring Hari.”
• Panlima, ang anyo at nilalaman mismo ng
Florante at Laura.
• Tunay na kahanga-hanga at dapat lamang pag-
aralan ang isang akdang nagkaroon ng hininga
sa panahong ginigiyayis ng mga pangamba, pag-
aalipusta at pagdurusa ang ating mga ninuno sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
• Sa halip na sila ay maglupasay at mawalan ng
pag-asa, sinikap ng isang Francisco Baltazar na
makapag-ambag ng isang hindi matatawarang
pamana sa larang ng panitikan na hindi lulumain
ng kasaysayan.
• Binubuo ng 399 saknong ang Florante at Laura
na halos perpekto sa sukat at tugma samahan pa
ng mga larawang-diwang inukit sa gunita at
haraya ng sinumang babasa nito.
• Idagdag pa ang sandamakmak na talinghaga sa
anyo ng mga tayutay at idyoma na nakatulong
upang magkaroon ng imortal na espiritu ang
taglay na bisa o kintal nito hanggang sa
kasalukuyan.
• Tunay ngang pambihira ang ganitong uri ng tula
gayundin ang manlilikha nitong makata.
Kalagayan ng Lipunang
Filipino sa Panahong
Naisulat ang Florante at
Laura
• Malinaw na panahon ng Espanyol isinilang si
Francisco Balagtas Baltazar.
• Lumaki siya sa kalagayan na ang lipunang Filipino ay
nasa ilalim ng pamamahala o pamamalakad ng mga
tiwali at mapang-abusong Espanyol.
• Matagal-tagal na ring nananahan sa ating bansa ang
mga dayuhang ito sa panahong isinilang, nagkamulat,
gumulang, tumanda at namahinga si Kiko.
• Malinaw na nakita ni Francisco ang malaganap na
kolonyalismong ipinapataw ng mga Espanyol.
• Kasama na rito ang kanilang kalupitan, pang-aabuso,
panloloko, pang-aalispusta at iba pang uri ng pag-aba
o paghamak sa mga Filipino noon.
• Sinasabi mang nailuwal ang akdang
Florante at Laura dahil sa kabiguan
sa pag-ibig ni Kiko sa kaniyang
“Selya,” hindi mapapasubaliang may
misteryo sa likod ng pagkakaakda
nito.
Sa kritika nga ni San Juan, Jr., kaniyang sinabing:

Kinakitaan ng maraming pag-aalsa sa panahon bago


sumilang si Balagtas noong 1788. Pinakatanyag at
pinakamatibay ang rebelyon ni Dagohoy sa Bohol (1744-
1829) na kinasapian ng mahigit 20,000 alagad (Agoncillo
1967). Sumunod ang himagsik nina Diego Silang at Gabriela
Silang (1762-1763) kaalinsabay nang pagkasakop ng
Inglatera sa Maynila. Tutol ang mga kampon ni Silang sa
tributo, sapilitang abuloy ng serbisyo at pang-aabuso ng mga
alcaldes mayores sa indulto de comercio. Sa Pangasinan
naman, ipinagpatuloy ni Juan de la Cruz Palaris ang mga
pakikibaka ng mga taumbayan sa Pampanga (Andres
Malong) at sa Ilokos (Pedro Almazan) nang pinamunuan niya
ang masa sa Binalatongan, Dagupan atbp. Napatay si Palaris
noong Marso 1764.
Ngunit hindi tumigil ang reklamo’t paghihimutok,
pagbalak at pagkilos, ng taumbayang inaapi. Nang pumutok
ang gulo sa Piddig at Sarrat, Ilokos noong 1807, labinsiyam
na taon si Balagtas sa Tondo, nag-aaral ng Pilosopiya,
Teolohiya, Latin at mga Batas sa Colegio de San Juan de
Letran. Tatlumpu’t limang taon si Balagtas, hinog na gulang
na siya, nang umalsa si Kapitan Andres Novales, isang
creole, na tumutol sa pribilehyo ng mga peninsulares sa
hukbong sandatahan noong 1823. Nang sumikdo ang kilusan
ni Hermano Pule sa Tayabas noong 1839-1841, matipunong
51-53 taon na si Balagtas, nakatira na sa Balanga, Bataan,
empleado sa hukumang nagsanay sa kaniya para sa mga
hinaharap na katungkulang teniente mayor at juez mayor de
sementera (Cruz 1988; De los Santos 1988).
Produkto ng panahon ang kamalayan ng makata.
Walang pasubali na nang nag-aaral siya’t nagsasanay sa
pagsulat noong unang bahagi ng ika-19 dantaon, nahubog
ang diwa’t hinagap, budhi at pagkatao, ni Balagtas ng alitan
ng mga maralitang pesante’t manggagawa laban sa
prinsipalya’t kolonyalistang poder. Laganap noon ang
huntahan at bulong-bulongan tungkol sa mga ligalig at
gulong nagaganap sa Ilokos, Bohol, mga lalawigang
kanugnog ng Maynila at mga kampanyang inilunsad ng mga
Kastila laban sa Moro buhat pa noong magapi si Sulayman
sa Maynila. Nabuksan ang Maynila sa mga dayuhang
negosyante simula noong 1834. At noong nasa Pandakan
si Balagtas, ang mobilisasyon ng Cofradia de San Jose ni
Apolinario de la Cruz ay sumaklaw na sa lalawigang
Tayabas, Batangas at Laguna. Wala nang hinahon at
ginhawa bagkus puno ng hilahil at linggatong ang
mamamayan sa kaharian ng “Albanya.”
• Hindi ito “nabasa” ng mga Espanyol. Pero
alam na alam ito ni Kiko na dapat may
matalinong pagbasang dapat mangyari at
manaig sa kaniyang isinulat na awit.
• Maliban kay Kiko, marami pang bagong datal
ng sumunod na henerasyon ang “nabasa”
ang kahalagahan, kabuluhan at katuturan ng
pagkakaakda ng obra maestrang Florante at
Laura.
• Kaya’t sa “pagbasa” ni Lope K. Santos
(1988), malinaw na nakita niyang may apat
na himagsik na nakatago sa awit.
Ang Apat na Himagsik ni Kiko ay ang sumusunod:

• Himagsik Laban sa Masamang Pamahalaan


• Mababasa sa maraming saknong sa awit na Florante
at Laura kung paanong ang isang lugar ay
pinaghaharian ng mga paglililo’t kasamaan. Kinatawan
ito ni Adolfo nang agawin niya ang kahariang Albanya
sa kamay ng matinong pamumuno ni Haring Linseo.
Inilarawan din sa awit na ito ang kalagayan ng bansa
bilang “mapanglaw na gubat.” Isinalaysay ang
kahindik-hindik at kasindak-sindak na anyo nito na
walang ibang tinutukoy kundi ang buong kapuluan
mulang Luzon, Visayas at ilang bahagi ng Mindanao
sa kamay ng pananakop ng mga Espanyol.
Ang Apat na Himagsik ni Kiko ay ang sumusunod:

• Himagsik Laban sa Hidwaang Pananamplataya


• Malinaw na may hidwaang panrelihiyon sa panahon ng mga Espanyol.
Anumang relihiyong hindi Kristiyanismo ay itinuturing na kampo ng demonyo o
kasamaan. Mababa ang pagtingin sa mga Muslim. Itinuring pa silang “Moro” na
kung sa panahon ngayon ay maituturing na mga taong-labas o rebelde. Ang
paggamit ng pang-uring Moro para sa mga Muslim ay may kakambal na diwa
ng pagduhagi at himig ng kaalipustaan. Kasingkahulugan ito ng taksil, palamara
at sukab (Santos:72). Makikitang ang totoong relihiyon lamang sa panahon ng
mga Espanyol ay ang Katolisismo. Kung hindi man, madalas na itiwalag ang
mga taong may ibang pananampalataya. Sa Florante at Laura, malinaw na
pinagtiyap sina Aladin at Florante na may magkaibang relihiyon. Na maaari
palang magsama sa kabila ng mga pagkakaiba. Na hindi kailangang mag-away
ang dalawang taong may magkaibang Diyos na sinasamba’t pinapaniwalaan.
Na kahit pala Moro ang isang tao ay may kabutihan din ito sa kaniyang
pagkatao (sina Aladin at Flerida) katumbalikan na kahit pala Kristiyano (si
Adolfo) ay maaari din palang maglilo.
Ang Apat na Himagsik ni Kiko ay ang sumusunod:

• Himagsik Laban sa Mababang Uri ng Panitikan


• Isang pag-aba sa panitikang Filipino ang sabihing walang matinong
panitikan ang mga Filipino bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Lahat ng panitikang hindi tungkol sa Kristiyanismo ay itinuring na pagano
at dapat lamang tupukin sapagkat gawa ng demonyo. Sa pagdating ng
mga Espanyol, nabahiran ng mga paniniwala at pananampalatayang
Kristiyanismo ang mga akdang pampanitikan sa tulong ng mga pasyon,
orasyon, kanta sa misa, nobena, panalangin at iba pa. Sa pagkakaakda
ni Francisco Balagtas Baltazar ng kaniyang obra maestrang gaya ng awit
na Florante at Laura, nanaluktok sa iba’t ibang panig ng daigdig ang
husay, talino at talento ng mga Filipino. Maihahanay sa mga dakila at
klasikong akda ang Florante at Laura na gawa ng isang Filipino. Tunay
na hindi matatawaran ang halagang mayroon ang awit na Florante at
Laura sa estruktura’t nilalamang tinataglay nito. Hinangaan ito ng mga
dakilang bayani ng ating bansa maging ng mga kilalang personalidad sa
internasyonal na arena.
Ang Apat na Himagsik ni Kiko ay ang sumusunod:

• Himagsik Laban sa Masamang Asal


• Maraming pagbubunyag at pagsisiwalat ang awit na Florante
at Laura tungkol sa masasamang asal na hindi dapat maghari
o manaig sa isang tao. Ipinakita ito sa pagtataksil ni Adolfo.
Na ang inggit ay hindi kailanman magtatagumpay kapag ito ay
pinairal sa buhay. Gayundin ang masamang pagpapalaki sa
mga anak. Sinasabi sa awit na Florante at Laura na walang
magandang bunga o kahihinatnan kung papalakihin sa layaw
ang isang bata. Itinuturo sa sinumang magulang na palakihin
sa tama ang mga bata upang magkaroon ito ng matatag na
pundasyong harapin ang samot-saring pagsubok na ibibigay
ng buhay. Idagdag pa ang pagwawalang-bahala o hindi
pagsasagawa ng tungkulin sa tamang oras nito.
Kantahin natin ang
introduksiyon ng awit
ng Florante at Laura
(sa saliw ng Leron,
Leron Sinta).
Kay Selya

1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip


ang nangakaraang araw ng pag-ibig
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

2 Yaong Selyang laging pinanganganiban,


baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

3 Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin?
Kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
4 Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

6 Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,


kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at ‘di mananakaw magpahanggang libing.
7 Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa lansanga't nayong iyong niyapakan;
sa ilog Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.

8 ‘Di mamakailang mupo ang panimdim


sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta'y aking inaaliw.

9 Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik


sa buntonghininga nang ikaw'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring langit,
paraiso naman ang may-tulong silid.
10Nililigawan ko ang iyong larawan
sa Makatang Ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do'ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

11 Nagbabalik mandi't parang hinahanap


dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

12 Parang naririnig ang lagi mong wika


"Tatlong araw na ‘di nagtatanaw-tama,"
at sinasagot ko ng sabing may tuwa
"Sa isa katao'y marami ang handa."
13 Ano pa nga't walang ‘di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong "O nasawing palad!"

14 Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib


ang suyuan nami'y bakit ‘di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?

15 Bakit baga noong kami'y maghiwalay


ay ‘di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Selya'y ‘di ka mapaparam.
16 Itong ‘di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

17 Selya'y talastas ko't malabis na umid


mangmang ang Musa ko't malumbay ang tinig;
‘di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ang tainga't isip.

18 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad


na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
19 Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop
tubo ko'y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

20Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,


Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

21 Ahon sa dalata't pampang na nagligid,


tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
22 Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo'y ang M. A. R.
sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B.

You might also like