(AKADEMIK) Nina Dr. Pamela Constantino Dr. Galileo Zafra Aralin 10
Pag-unawa sa Paksa at Pagtitipon at
Pag-oorganisa ng Datos: Pagsulat ng Ulat Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mag-aaral ang sumusunod: 1. Mapaliwanag ang kabuluhan ng ulat sa lipunan; 2. Matukoy ang iba’t ibang uri ng ulat; at 3. Maipaliwanag ang mga gabay sa pagbuo ng isang nakasulat na ulat pangklase. Report
Ang report o ulat ay anumang anyo ng pagpapahayag,
maaaring pasulat o pabigkas, na ang pangunahing layunin ay magpaabot ng makabuluhang impormasyon sa isang indibidwal o isang grupo ng mambabasa, manonood, o tagapakinig. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report
Maituturing na malaman ang ulat kung
nagtataglay ito ng makabuluhan, sapat, at mapagkakatiwalaang datos para matalakay nito ang isang paksa o matugunan nito ang inaasahang layunin. Maituturing naman na maayos ito kung malinaw ang pagkakahanay ng datos at napapatingkad ang mahahalagang kaalaman o ideya na nais maipaabot sa mambabasa o tagapakinig. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report
Ilan sa mga pamilyar na halimbawa nito ay ang:
1. Mapagsiyasat na ulat (investigative report) – Ulat na
nag-iimbestiga tungkol sa isang napapanahong isyung pampolitika o panlipunan. 2. Taunang ulat (annual report) – Ulat tungkol sa mga nagawa o sa estado sa nagdaang taon ng isang pampubliko o pribadong organisasyon. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report
3. Ulat Panahon (weather report) – Ulat tungkol sa
kalagayan ng panahon. 4. Ulat ng Pulis (police report) – Ulat tungkol sa nangyaring aksidente, krimen, at iba pang kaugnay sa isang tiyak na lugar o pamayanan. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report
5. Siyentipikong Ulat (scientific report) – Ulat tungkol sa
resulta ng isang saliksik o eksperimento na karaniwang inilalathala sa siyentipikong journal o ipinepresenta sa isang kumperensiya. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report
Sa konteksto ng paaralan o unibersidad,
karaniwang nahihilingang mag-ulat sa klase ang mga estudyante. Ang ulat ay madalas na nakasentro sa isang paksa at may layuning magbigay ng makabuluhan, kapaki-pakinabang, napapanahon, at mapagkakatiwalaang impormasyon sa kanilang mga kaklase. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report Maaaring isa-isahin ang mga nabanggit na pamantayan: • Makabuluhan – Ang mga datos o impormasyon ay may kaugnayan sa paksa. • Kapaki-pakinabang – Ang mga datos ay may kinalaman sa buhay ng mga babasa o makikinig. • Napapanahon – Ang mga datos ay bago, o kung luma man, makatwiran ang paggamit ng gayong datos. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report
• Mapagkakatiwalaan – Ang mga datos ay nagmula sa
mga pangunahing sanggunian (hindi iyong galing sa Internet, pagbubuod, o sangguniang hindi kinikilala ang sumulat), sa mga sangguniang maaaring balikan para mapatunayan ang mga datos, sa mga sangguniang isinulat ng mga kinikilala sa larang na sumasaklaw sa paksa o inilathala ng mga iginagalang na tagapaglimbag. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report Narito ang ilang gabay para makabuo ang estudyante ng isang malinaw at maayos na ulat.
1. Unawain mabuti ang paksa
2. Tiyakin ang parametro o mga hangganan ng ulat. 3. Kumuha lamang ng impormasyong may kinalaman sa paksa. Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report 4. Umisip ng pinakapayak ngunit pinakamabisang paraan ng presentasyon ng ulat. Ilan sa karaniwang disenyo ng presentasyon ang sumusunod: a. Konsepto-halimbawa b. Sanhi-bunga c. Sitwasyon-dahilan d. Problema-solusyon e. Produkto-proseso f. Paglalahad ng kasaysayan ayon sa takbo ng panahon g. Introduksyon-metodo-resulta-pagtalakay Paksa, Datos, Pananaw, Idea sa Pagsulat ng Report
5. Tiyakin na may maibabahaging bagong
impormasyon. 6. Gumamit ng mga pantulong na materyal. 7.Gumamit ng angkop na sistema ng dokumentasyon.