Rogelio Lunasco Ordonez , kilala bilang "ka Roger"-
ipinanganak noong September 24, 1940 sa Imus , Cavite.
-Nag tapos sa kursong MA in Mass communication
at BS in Civil Engineering sa Manuel Quezon University. -Kilala siya bilang Makata ng Bayan -Alagad ni Balagtas
Multi awarded author
Miyembro ng Philippine Writer's Academy , Pambansang Unyon ng Manunulat at Pambansang Linangan at Ugnayan ng mga Manunulat (PLUMA) Kabilang sa kanyang mga Akda ay: Apoy sa Madaling Araw (1964), Tenggara (1995), Mga Agos sa Disyerto( 1964), Limang Suwail ( 1963) Kape Ko'y Walang Krema Ni Asukal kape ko’y walang krema ni asukal maitim tulad ng gabing humahalik makapal na ulap sa mata ng gaplatong buwan mapait tulad ng lugaming buhay ng mga nilikhang namahay namuhay sa ilalim ng tulay yumakap-nangarap sa mabahong tiyan at balikat ng gumagapang na tripa de gallina ng nakalupasay na canal de la reina at naglilingkisang mga eskinita. maitim ang gabi tulad ng aking kape sa mga kalyehon ng kalunsuran sa mga kariton at barungbarong sa tabi ng mga basurahan sa mga parkeng himlayan ng mga pagal na katawan maitim ang gabi sa gilid-gilid ng dalampasigan habang binabayo ng mga alon pusod ng lungsod ng karalitaan. mapait ang buhay tulad ng kape kong walang asukal sa labi ng batang mapintog ang tiyan kahit hangin lang ang laman sa susong natigang-naluoy ng inang laging nagdarasal sa bibig na puno ng ngitngit ng amang laman ay nilamon ng grasa’t makina sa mga pabrika at dugo’y nilagok ng lupang di kanya upang maging ginto mga kabukiran at maging asukal ang laksang tubuhan. mapait ang buhay tulad ng kape kong walang asukal sa labi ng batang mapintog ang tiyan kahit hangin lang ang laman sa susong natigang-naluoy ng inang laging nagdarasal sa bibig na puno ng ngitngit ng amang laman ay nilamon ng grasa’t makina sa mga pabrika at dugo’y nilagok ng lupang di kanya upang maging ginto mga kabukiran at maging asukal ang laksang tubuhan. kailan tatamis itong aking kape? kailan pupusyaw ang itim na kulay? kailan magtatalik ang krema at tubig? oo, kape ko’y walang krema ni asukal simpait ng buhay ng mga nilikhang ibinayubay sa krus ng luha ng dalita’t lumbay oo, kape ko’y dinikdik na apdo ang pait tamis ay sinaid ng mga gahaman krema’y sinuso ng mga dayuhan ngunit huwag magulumihanan kailan tatamis itong aking kape? kailan pupusyaw ang itim na kulay? kailan magtatalik ang krema at tubig? oo, kape ko’y walang krema ni asukal simpait ng buhay ng mga nilikhang ibinayubay sa krus ng luha ng dalita’t lumbay oo, kape ko’y dinikdik na apdo ang pait tamis ay sinaid ng mga gahaman krema’y sinuso ng mga dayuhan ngunit huwag magulumihanan Tema at Kaugnayang Panlipunan
Matutunghayan ang kanyang akdang Kape Koy
Walang Krema ni Asukal ang talim sa pagsusuri sa lipunang Pilipino. Maihahanay bilang panitikang mapanghimagsik ang bawat salita sa kanyang tula na nag lalarawan ng masalimuot na kalagayan nd sambayanan sa ilalim ng mga nasa poder ng kapangyarihan. Implikasyon
-Ang buhay ay isang kape na kapag walang krema ay
mapait. Kapag walang pagtiyatiyaga at pag susumikap wala tayong patutunguhan kaya kailangan natin na mangarap at lagyan ng kulay at tamis ang ating mga pangarap para magkaroon ng matamis na timpla kailangan na maging positibo at determinado upang makamtn ang tagumpay.