Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia.
Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar.
Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni Tenyong, na
nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde. Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene II)
Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang
bumisita at magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo.
Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan Luis Marcelo na paluin
at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw- buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong. Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III )
Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si Kapitan Inggo sa
kanyang asawa. Sinabi rin niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan na ang iba pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating doon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino.
Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga
kaibigan bago siya mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na maghiganti! Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene IV)
Pinili ni Tenyong na sumali sa mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia
na tigilan ito. Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat. Nagsumpaan muli sila na mamahalin ang isa’t-isa habang-buhay. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene I )
Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang
illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa kabilang banda, nagsimulang magkarelasyon ang mga alalay nina Julia at Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene II/III )
Sumunod na linggo, dumating sina Miguel, ang kanyang ama, at
isang pari sa bahay nina Julia upang ayusin ang pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama ang kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng kasalan nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema tungkol sa mga Pilipinong hindi na nagsisimba. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene III )
Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na
may bitbit na sulat para kay Tenyong na galing kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at ikakasal na si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong sa kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula ang labanan. Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I)
Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay
Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan. Nagkunwari si Julia na masakit ang ulo upang iwasan si Miguel. Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II / III)
Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si
Julia na pumayag, sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang sugat! Walang sugat!”. Ano ang teoryang pampanitikan na pinaka-angkop sa akda? Historikal. “Nakabatay ang pagsusuri ng teksto sa impluwensya na nagpapalutang sa isang akda: talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal na nakapaloob sa akda, ang tradisyon at kombenasyong nagpapalutang sa akda. Mahalagang matuklasan sa teoryang ito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na may malaking impluwensya sa buhay ng manunulat. “