Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAYTING!!

• Ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na


nangangahulugan sa Ingles na put together o combine. Ito ay
pinagsama-samang mga ideya mula sa ibat ibang pinagkunang
impormasyon upang makabuo ng sariling pagpapahayag ukol
sa isang paksa.

• Ito ay isang anyo ng pagbubuod o paglalagom ng binasang


akda. Mag aanyo ito ng pinaikling bersyon ng isang orihinal
na teksto.
1. Magbasa at sanaying magbasa. Paunlarin ang sariling kakayahang
uunawa, magkaroon ng perspektibo at interpretasyon sa mga
binabasa.

2. Kung magtatangka nang magsulat ng isang sintesis ukol sa isang


partikular na paksa, basahin ang buong teksto upang maunawaang
lubos ang nilalaman nito. Dapat na maunawaang lubos sapagkat
kinakailangang mag-iwan ito sa isipan ng mga mahahalagang detalye
upang makabuo ito ng sintesis.

3. Alamin ang pinakakaisipan ng teksto. Buksan ang isipan, damdamin


o pandama upang magkaroon ng ugnayan sa may akda at makamit
ang layuning malaman ang ideya o diwa ng teksto.
4. Sa pag-uumpisa ng pagsulat ng sintesis isaalang-alang ang mga
bahagi ng teksto. Magkaroon ng kamalayan sa nilalaman ng panimula,
gitna at wakas.

5. Isaalang-alang din ang tatlong uri ng pagkakasunod-sunod ng mga


detalye (Garcia, 2016).

Sekwensyal
Kronolohikal
Prosidyural
6. Maging mapanuri sa nilalaman sapagkat kailangang wasto ang
nilalaman ng bawat bahagi ng teksto upang hindi maligaw ang
mambabasa.

7. Isa-isip na kailangang mas maging simple, maikli at hindi nawawala


ang diwa ng teksto sa pagbabagong anyo nito.

8. Basahing muli upang makita ang ilang pagkakamali o pagbabagong


nais gawin sa ginawang sintesis.

You might also like