ibang Sitwasyon Awitin at Isakilos Ako (2x) Ako’y isang pamayanan Ako (2x) Ako’y isang pamayanan Ako (2x) Ako’y isang pamayanan Ako’y isang pamayanan Lalala Sumayaw sayaw ka’t Umindak indak Sumayaw sayaw ka katulad ng dagat Sumayaw sayaw ka katulad ng dagat (Palitan ang ako ng ikaw, tayo) • Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? Alamin Mo Ang sumusunod ang uri ng panghalip: 1. Panghalip Panao – Panghalip na gingaamit sa panghalili sa ngalan ng tao Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, atin, inyo, kata, mo, siya, kanila, kaniya 2. Panghalip Pamatlig- Panghalip na ginagamit upang ipanghalili sa mga itinuturong tao o bagay Malapit sa nagsasalita: ito, iri, ire, niri/nire, nito, ganito, ganiri Malapit sa kinakausap: iyan, niya, diyan Malayo sa nag-uusap: iyon, yaon, niyon, noon, doon 3. Panghalip na Pananong- Mga salitang ginagamit na pantanong sa tao, hayop, lugar at pangyayari at sa mga pangungusap na nangangailangan ng sagot. Halimbawa: ano, ano-ano, sino-sino, alin, alin-alin 4. Panghalip na Panaklaw- Ginagamit na pansaklaw sa bilang, dami, kaisahan at kalahatan ng pangngalan. Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinma,a numan, pawang 5. Panghalip na Pamanggit- Ito ang mga salita o parirala na ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang pananalita, kaisipan o ideya. Halimbawa: raw, daw, diumano, sa ganang akin Gawin Ninyo Balikan ang kuwentong “Ang Tambakan.” Ilista ang mga panghalip na ginamit sa kuwento at tukuyin ang uri nito. Gamitin ang mga ito sa isang usapan. Isaisip Mo • Isipin na haharap ka ngayon sa kapitan ng inyong barangay at ilalahad ang mga saloobin ng iyong mga kabarangay batay sa inyong nakaraang usapan. • Sa iyong palagay ano ang posibleng tanong ni Kapitan at ano ang possible mong sagot? Isapuso Mo • Mahalaga ang gamit ng talastasan dahil pinag- uugnay nito ang mga magkakaibang lahi. Pagtataya Punan ang patlang nang wastong uri ng panghalip upang mabuo ang diwa ng diyalogo. John : Nabasa __mo__ ba ang poster sa kanto na inilathala ng tanggapan ni Mayor? Luis : Tungkol saan __iyon___? John : Ayon sa ___kanya____ magkakaroon raw ng paligsahan sa pinakamaganda at pinakamalinis na barangay. May puntos rin ang barangay na gagamit ng mga materyales na mula sa basura bilang dekorasyon. Siyempre mahala rin ang pagtutulungan ng mga tao sa inyong barangay. Luis : Naku! Kailangan na palang pulungin ang aming kabarangay para makapagplano na. John : Oo tama! Sabihin na natin _kena__ kapitan ang programang __iyon__. Isulat Mo • Bago ka humarap sa kapitan ng barangay mahalagang nakahanda ka sa iyong mga sasabihin. Tulad ng iyong paghahanda noong nakaraan, bumuo ng iskrip upang ihanda ka sa usapang ito. Isulat rin dito ang nakuhang saloobin ng inyong kabarangay.