Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 57

Pagsulat sa Filipino

sa Piling Larangan
(Akademik)
PFLN12S
Bb. Claudy-lette A. Real
Ang pagsulat ay isa sa pangunahing kasanayan na
natutuhan at pinauunlad sa loob ng paaralan. Hindi
maihihiwalay ang bisa ng pagsulat bilang sandata sa
buhay ng isang indibidwal.
ARALIN 1
Akademikong
Pagsulat, Dapat
Sapat at Lapat
Isaisip at Isapuso: Husay
sa Pagsulat, tagumpay
ang katapat.
AKADEMIKONG
SULATIN

Hindi maaaring paghiwalayin ang pagsulat at kognisyon. Ang isip


ang pinagmumulan ng proseso ng kognisyon. Samakatuwid,
magkatambal ang pagsulat at pag-iisip.

Isang uri ng pagsulat ang akademikong sulatin. Ito ay makikilala


sa layunin, gamit, katangian, at anyo nito. Taglay nito ang
mataas na gamit ng isip upang maipahayag ang ideya bilang
batayan ng karunungan.
Akademikong

malaman at mapaunlad
Iba pang

-kasanayang dapat
PAGSULAT
Sulatin Sulatin
-kaugnay ng akademikong disiplina -personal
-isinusulat sa iskolarling paraan -malikhain
Katangian at
Paraan ng
Pagbuo ng
Akademikong
Sulatin
1. Komprehensibong Paksa

Madalas na nakabatay ang paksa sa isyung


napapanahon na may kaugnayang panlipunan batay
sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika,
pangkultura at iba pa. Dito mag-uumpisa ang
pagpaplano upang maisakatuparan ang
makabuluhang akademikong sulatin.
2. Angkop na Layunin

Ito ang magtatakda ng dahilan kung bakit bubuo ng


akademikong sulatin. Nakapaloob sa layunin ang
mithiin ng manunulat kung paano nais maipahayag
ang iba’t ibang impormasyon.
3. Gabay na Balangkas

Organisasyon ng ideya. Kadalasang balangkas ang


nagiging burador ng anumang sulatin. Ito ang
nagiging batayan sa pagrerebisa.
4. Halaga ng Datos

Maituturing na pinakamahalagang yunit ng


pananaliksik ang datos ng anumang akda. Kung wala
ito, walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin.
DALAWANG URI NG PINAGKUKUNANG
DATOS
Primaryang Sanggunian Sekondaryang
• Talaarawan Sanggunian
• Pakikipanayam
• Liham • Aklat
• Orihinal na gawang sining • Palabas
• Orihinal na larawan
• Manuskrito
• Orihinal na pananaliksik
• Mga isinulat na panitikan • Pahayag ng isang tao
5. Epektibong Pagsusuri

Lagpasan ang opinyon at palutangin ang


katotohanan. Ibatay ito sa ugat o sanhi ng suliranin
at ipakita ang angkop na bunga kaugnay ng
implikasyon nito sa iniikutang paksa.
6. Tugon sa Konklusyon

Ito ang pangkalahatang paliwanag, kasagutan sa


mga itinampok na katanungan. Ito ay kadalasang
nasa anyong pabuod.
Paalaala sa Pagsulat ng Konklusyon:
1. Huwag magpasok ng bagong materyal.
2. Huwag pahinain ang iyong paninidigan sa
paghingi ng tawad sa mga bagay na
naipaliwanag mo na.
3. Huwag magtapos sa “cliff hanger”, na iniiwang
bitin ang mga mambabasa.
KAPANGYARIHAN

GAWAIN Blg. 1: Bumuo ng isang post tungkol sa


mahalagang natutunan sa aralin. Tiyaking ang laman ng
mensahe ay kaugnay sa kahalagahan ng akademikong
sulatin. Siguraduhing angkop ang gamit ng mga salita.
Pagkasyahin lamang sa 150 titik ang mensahe.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Laragan PFLN12S
Claudy-lette A. Real
G12- Zuckerberg

Paliwanag tungkol sa tweet o post: 50-


80 salita lamang. Ilalagay sa “short
bond paper”, TNR 12, Justified at
ipapasa sa susunod na pagkikita.
ARALIN 2
Anyo ng
Akademikong
Sulatin, Halina’t
Saliksikin
Isaisip at Isapuso: Anumang anyo
ng sulatin ay may taglay na anyo,
layunin, gamit at katangian na
dapat alamin at tandaan.
May malinaw na
paglalahad ng
katotohanan at
opinyon

May tuon batay sa Batayang May pantay na


matibay na Katangian ng paglalahad ng
patunay Akademikong ideya
Sulatin

May katangiang
May paggalang sa
organisado at
ibang pananaw
sistematiko
KAHULUGAN
3K KALIKASAN
KATANGIAN
Para saan ang akademikong
sulatin?
Ano ang kahulugan, kalikasan,

3K
at katangian ng akademikong
sulatin?
Paano nagiging magkaugnay
ang kahulugan, kalikasan, at
katangian bilang batayang
konsepto ng anyo ang
akademikong sulatin?
KAHULUGAN

Akademiko ang isang sulatin kung ito ay


nakabatay sa isang tiyak na disiplina o
larangan na maaaring interdisiplinari o
multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko,
pilosopikal, agham, humanistiko, at iba pa.
INTERDISIPLINARI - Ginagawa ito kung ang manunulat
ay may kaligiran sa dalawa o higit pang larangan.
Hal. Ang mga Makabayang Awitin (pag-aaralan ng may
kaligiran sa Edukasyon at Musika.

MULTIDISIPLINARI – Higit sa isang manunulat ang


kabilang at sila ay nagmula sa iba’t ibang larangan na
ang pag-aaralan ay isang paksa lamang.
Hal. Ang pamumuno ni Pangulong Duterte (mula sa
pananaw ng ekonomista, edukador, soyologo at
sikologo)
KALIKASAN

Batayan o kalikasan ng akademikong sulatin ang paraan


upang ito ay maisulat. Ang paraan ng pagsulat ay
umiikot sa batayang diskurso na maaaring
magsalaysay, maglarawan, maglahad, at mangatuwiran.
Magiging matibay itong gabay upang ipahayag ang
kaalamang nais iparating.
Narito ang ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na
paraan ng akademikong pagsulat.
• Pagpapaliwanag o depinisyon
• Pagtatala o enumerasyon
• Pagsusunod-sunod
• Paghahambing at pagkokontrast
• Sanhi at bunga
• Suliranin at solusyon
• Pag-uuri-uri o kategorisasyon
• Pagpapahayag ng saloobin, opinion, at suhestiyon
• Paghihinuha
• Pagbuo ng lagom, konklusiyon, at rekomendasyon
Dapat tandaan ng isang manunulat na ang pag-unawa ay hindi
simpleng pagtugon sa mga katanungang naghahanap ng
kasagutan. Marapat na ang kasagutan ay nagmumula sa:

ASPETO NG PAG-UNAWA
KATANGIAN

Makatao
Makabayan
Demokratiko
KATANGIAN

Makatao - Naglalaman ito ng


makabuluhang impormasyon na dapat
mabatid para sa kapakinabangan ng
mamamayan.
KATANGIAN

Makabayan - Ang kapakinabangan hatid ng


akademikong sulatin ay magtutulay sa
kaunlaran ng mamamayan upang maging
produktibong kasapi ng pamayanan at
bansa.
KATANGIAN

Demokratiko - Ang akademikong sulatin


ay walang kinikilingan o kinatatakutan dahil
ang hangarin ay magpahayag ng
katotohanan.
Mga Dapat Isaalang-alang:
• May malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinion sa mga
sulatin
• Pantay ang paglalahad ng mga ideya
• May paggalang sa magkakaibang pananaw
• Organisado
• May mahigpit na pokus
• Gumagamit ng sapat na katibayan
GAWAIN Blg 2.
BALITAKTAKAN: Magkakaroon ng tig-tatlong kasapi ang bawat
pangkat upang suriin ang sitwasyon o pahayag sa bawat bilang.
Ang bawat kasapi ay kumakatawan sa Makatao, Makabayan at
Demokratikong katangian ng Akademikong Sulatin.

MAKATAO MAKABAYAN

DEMOKRATIKO
Gawain Blg. 2
MAKATAO – pahayag na magiging kapaki-pakinabang sa tao.

MAKABAYAN – humanap ng kaugnay na artikulo at talakayin ito.

DEMOKRATIKO – pahayag na patas at walang kinikilingan.


Pumili lamang ng isang sitwasyon
1. Ipinagbabawal ng pamahalaang pambansa ang pamumutol sa
mga puno lalo na sa mga iniingatang lugar gaya ng
kabundukan at kagubatan. Usap-usapan sa pamayanan ang
patagong pamumutol ng mga puno ng mga dayo mula sa ibang
lalawigan.
2. Madalas mapabilang ang Pilipinas sa nangunguna bilang
tagapagtangkilik ng makabagong teknolohiya tulad ng
cellphone at internet. Sa katunayan naitala ang bansa bilang
“Text Capital” ng mundo noong nakaraang dekada. Tong 2013
nang ideklara ang lungsod ng Makati, premyadong siyudad sa
bansa, bilang “ Selfie Capital ng Bansa”.
Takdang-Aralin:
Magdala ng “colored paper”
ang bawat mag-aaral sa
susunod na pagkikita.
ARALIN 3 Alalahanin at
Gawin, Hakbang sa
Pagsulat ng
Akademikong
Sulatin
Isaisip at Isapuso: Tamang
hakbang sa pagsulat na dinaanan,
tiyak na epektibong akademikong
sulatin ang patutunguhan
YUGTO SA PAGBUO NG AKADEMIKONG
SULATIN

Bago sumulat
Pagbuo ng unang burador (draft)
Pag-e-edit at pagrerebisa
Huli o pinal na burador (draft)
Paglalathala o paglilimbag
BAGO SUMULAT

Sandigan bago sumulat


ang dating kaalaman at
karanasan ng isang
indibidwal na bubuo ng
akademikong sulatin.
PAGBUO NG UNANG BURADOR

Sa yugtong ito,
matiyagang iniisa-isa
ang mga konsepto na
lalamanin ng
akademikong sulatin.
PAG-EEDIT at PAGREREBISA
Iwinawasto ang mga kamalian
tulad ng baybay, bantas at
mismong ang nilalaman ng
akademikong sulatin upang
ituwid ang nakitang mali.
Mula sa nakitang
pagkakamali, ilalapat ang
pagrerebisa upang ayusin,
ituwid at baguhin ang
akademikong sulatin.
HULI o PINAL NA BURADOR

Kitang-kita ang
kalinisan at kaayusan
ng akademikong
sulatin.
PAGLALATHALA/PAGLILIMBAG

Ang mataas na uri ng


akademikong sulatin
ay dapat mailathala o
maipalimbag.
TATLONG BAHAGI NG
AKADEMIKONG
SULATIN
1.Paksa at Tesis Bilang
Panimula
2.Nilalaman Bilang
Katawan
3.Lagom at Konklusyon
Bilang Wakas
PAKSA AT TESIS BILANG PANIMULA
Dito iikot ang proposisyon, katuwiran o ideya batay sa
diskursong nais ihatid kung ito man ay pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad, o pangangatuwiran. Gawing
gabay ang sumusunod:
Matalinong magtanong, sasagot na marunong
Magpahayag ng katotohanan na dapat paghandaaan
Maglahad ng angkop na paglalarawan
Magsalaysay nang may saysay
NILALAMAN BILANG KATAWAN

Ang epektibong katawan ng isang sulatin ay nakabatay


sa maigting na ugnayan ng estruktura at impormasyon
na nakahanay sa lohikal na paraan.
LAGOM AT KONKLUSYON BILANG WAKAS
Hamon sa pangwakas na maipahayag ang pinakanais na
mensaheng iparating taglay ang impluwensiyang nais
maipanatili. Dito mababasa ang lagom o buod ng buong sulatin
na inilahad sa pinakamaikling paraan. Ang konklusyon ay
tumutukoy sa mga kasagutan sa katanungan mula sa
pagsusuri ng mga nakalap na datos.

Iiwanang mapanghamong katanungan


Paglalahad ng matalinong paghula
Pagwawakas mula sa isang siniping pahayag
Pagmumungkahi
ARALIN 4
Pagsasalaysay
Saysay ng Pagsasalaysay
at Paglalarawan Bilang
at
Hulwaran sa
Paglalarawan
Akademikong Larangan

Isaisip at Isapuso: “Bisa at


kahalagahan ng pagsasalaysay at
paglalarawan, hindi
mapasusubalian”
PAGSASALAYSAY
Likas na hilig ng tao ang magkuwento at makinig sa mga kuwento. Noon pa mang
panahon ng ating mga ninuno, mayroon na tayong mga salaysay tulad ng kuwentong-
bayan, alamat, pabula, at parabula na nagpalipat-lipat sa bibig ng mga tao.
SUKATIN ANG GALING SA
PAGSASALAYSAY!
SAYSAY SA PAGSASALAYSAY
ang pagsasalaysay ay diskurso na naglalahad ng mga pangyayari
na madalas ay tapos na. masasabi natin na ang pagsasalaysay ang
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat ditto nagsimula
ang alamat, epiko, at mga kuwentong-bayan.
KATANGIAN
1. Ang pagsasalaysay ay may maayos na pagkakasunod-sunod.
2. Ginagawa ang pagsasalaysay nang malinaw at may tiyak na kaayusan.
3. Ang binibigyang pansin lamang ay ang mga pangayayaring totoong mahalaga.
4. Gumagamit ng punto de vista sa pagsasalaysay.
5. Naghahatid ng mahalagang mensahe.
6. Nangangailangan ng mahusay na paggamit ng wika.
Kahalagahan (Pagsasalaysay)
Nagagawa ng pagsasalaysay na maibahagi, maihatid, at
mapahalagahan ang impormasyon nang may maayos na
pagkakasunod-sunod. Dagdag pa rito, nakakagamit ito ng
mabisa masining, at angkop na wika na makatutulong sa
akademikong sulatin.
PAGLALARAWAN
Ang paglalarawang diskurso ay pagbibigay hugis, anyo,
kulay, katangian sa mga tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Layunin nitong makpagbigay ng pangkaisipang imahen.
KATANGIAN

1. Nakatuon sa pangunahing katangian ng isang bagay


2. Gumagamit ng mga salitang makahulugan at matalinghaga
3. Nasasangkot sa iba’t ibang pandama
Paglalarawan (kahalagahan)

Nagagawa ng paglalarawan na maipakita ang


kagandahan ng daigdig sa pamamagitan ng paningin at
pandama. Gayundin nagagawang maging konkreto ang
mga abstrakto.
Akademikong sulating maiuugnay sa pagsasalaysay at
paglalarawan:

• Dyornal
• Talaarawan
• Talambuhay
• Repleksyon
• Blog/e-mail
• Personal na sanaysay
• Sanaysay sa paglalakbay
KATANGIAN

DISKURSO PAGSASALAYSAY
Naglalahad ng pangyayari
KAHALAGAHAN

KAHULUGAN

KATANGIAN
PAGLALARAWAN
Nagbibigay hugis, anyo, kulay,
katangian
KAHALAGAHAN

You might also like