Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paggamit ng Dyornal

Ang dyornal ang isa sa mga sangguniang pinakapalasak na gamitin sa


mga pag-aaral o pananaliksik dahil madali itong matagpuan sa mga silid
aklatan at sa internet. Mataas ang kalidad nito bilang saggunian ng isang
pag-aaral. Dahil ditto, mahalaga na maging pamilyar ang mga mag-aaral sa
mga importanteng puntos ng dyornal bilang sanggunian ng isang pag-aaral
katulad ng mga sumusunod:
1. Petsa ng paglathala o publikasyon
2. Pinagkakadalubhasaan ng isang dyornal
3. Isaalang-alang kung ito ba ay lumalabas sa mga elektronikong
sanggunian
4. Saang dyornal matatagpuan ang mahahalagang impormasyon na may
kaugnayan sa iyong pag-aaral
5. Abstrak ng isang pag aaral
Pag-aayos ng File para sa mga Impormasyon

Ang pagiging organisado ay mahalagang katangian na dapat


taglayin ng isang mag-aaral sa kanyang pananaliksik. Nararapat ng
magkaroon ng Sistema kung paano aayusin ang mga datos na tiyak na
magagamit sa pag-aaral at maging sa mga datos na posibleng
mapagkunan ng impormasyon kung sakali man na hindi pa alam ang
katiyakan kung saan ito gagamitin. Maaaring gamitin ang mga
sumusunod na pamamaraan sa pag-fa-file ng mga dokumento na
mapagkukunan ng impormasyo:
 Tingnan paminsan-minsan ang iyong mga file at tanggalin na ang
mga impormasyon na hindi mo na kailangan. Ihiwalay ang mga ito
sa iyong ibang file.
 Lagyan ng marka ang bawat file na iyong itinago para sa mga
susunod pa na paggagamitan.
Mga Estratehiya upang Matandaan ang Impormasyon

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang paraan upang matandaan


ang mahahalagang impormasyon na kanyang pinag-aaralan. May
ilan na higit na natatandaan ang mga impormasyon kung gagamit
ng kombinasyon ng mahihirap na stratehiya sa pag-aaral. May ilan
rin na mas nauunawaan ang mga pinag-aaralan kung
mapapakinggan nila nang malakas ang impormasyon o di kaya ay
babasahin ito ng malakas buhat sa mga sanggunian. Ang mga
sumusunod ay ilan lamang mungkahi sa makakatulong sa mga
mag-aaral upang kanilang matandaan ang mahahalagang
impormasyon sa mga binabasa nilan teksto:
Maaaring idaan sa pagkanta o di kaya ay gumagamit ng mga patterns
upang maging gabay sa pagtanda sa mahahalagang impormasyon ng
pag-aaral
Ang paggamit ng highlighter o pangkulay sa mga mga mahahalagang
impormasyon sa teksto ay makakatulong din upang matandaan ang
mga mahahalagang impormasyon sa teksto
Ang aktibong Gawain katulad ng paglalakad-lakad ay maaari ring
makatulong
Maaari rin naming iugnay ng mga mag-aaral ang mga impormasyon sa
teksto sa mga mahahalagang personal na bagay sa mga mag-aaral o
mananaliksik
Makakatulong din sa pagtanda ng mga impormasyon ang paglalagay
ng mga ilustrasyon at ibang marka habang nagbabasa
Konsepto ng Pagbubuod
Sa website na http://www.cws.Illinois.edu/workshop/writers/tips/summary
ay binigyan ng depinisyon ang pagbubuod bilang pamamaraan ng pag-
uulit ng salita ng iba sa kanilang mga akda gamit ang sariling
pananalita ng pagsasagawa ng pagbubuod.
Ang konsepto ng pagbubuod ay mahalagang matutununan ng mga
mag-aaral o mananaliksik kaugnay parin ng kanilang tungkulin na
mangalap ng mga lehitimo at may kredibilidad na impormasyon na
makakatulong sa pagpapatatag ng kanilang mga pag-aaral o proyekto.
Ang iba’t ibang anyo ng pagbubuod ay nakabatay sa antas ng
kakayahan ng isang indibidwal na magbigay ng interpretasyon o
pagsusuri sa sanggunian, maaaring napakahaba o ang ilan naman ay
ilang pahina lamang. Ang bawat pagbubuod ay may kaakibat na
tungkulin na paggamit sa sariling wika ng pagbubuod subalit may
pagsasaalang-alang sa konsepto ng teksto na ibinubuod.
Ang mga sumusunod ay maaaring makatulong sa pagbubuod:

1. Pagsasaalang-alang sa kapakinabangan na maaaring maidulot sa


kapwa, kamag-aral at iba pa.
2. Ang buod ay higit na maiksi kaysa orihinal na teksto
3. Ang isang maayos na buod ay nagtataglay ng kakayahang
manghikayat sa mga mananaliksik at magbabasa na higit na mainam
na basahin ang pinaiksing bersyon kayasa napakahabang orihinal.
Nararapat na mapagtagumpayan ng nagbubuod na mabigyan sapat na
ideya sa orihinal na bersyon ang mga sasangguni rito
4. Ang pagbubuod ay isang gawaing naglalarawan ng mataas na antas
ng pag unawa sa binasang teksto.

You might also like