Professional Documents
Culture Documents
L8 Pokus NG Pandiwa
L8 Pokus NG Pandiwa
umaga!
POKUS NG
PANDIWA
Nagpapakita ng relasyong
pansemantika ng pandiwa sa
simuno o paksa ng pangungusap.
Sa pagtukoy ng pokus sa isang
pangungusap ay mabutig hanapin
muna kung ano ang paksa o simuno.
Pagkatapos ay hanapin ang pandiwa at
tukuyin kung ano ang ugnayan nito sa
paksa upang malaman kung ano ang
pokus ng pandiwang ito.
1. Pokus sa Tagaganap o
Aktor- ang simuno o paksa ang
gumaganap ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Mga halimbawa:
1. Ang mga guro ay nagtuturo ng
mga aralin sa mga mag-aaral.
2. Ang mga mag-aaral ay
matiyagang nakikinig sa mga
adbokasiya ng mga kabataan.
2. Pokus sa Tagatanggap- ang
simuno o paksa sa pangungusap
ay ang tagatanggap o
pinaglalaanan ng kilos na
ipinahihiwatig ng pandiwa.
Mga halimbawa:
1. Ibibili ko ng mga bagong
cellphone ang aking tatay.
2. Ipagluluto ko ng masarap na
ulam ang aking mga magulang
at kapatid.
3. Pokus sa Ganapan- ang
simuno o paksang binibigyang-
diin ay ang lugar o ganapan ng
kilos.
Mga halimbawa:
1. Namasyal si Emylie sa
Enchanted Kingdom.
2. Si Danica ay magtatanim ng
gulay sa bakanteng lote.
4. Pokus sa Layon- ang layon o
binibigyang-diin sa pangungusap
ay ang paksa.
Mga halimbawa:
1. Ang adobong manok ay niluto
ni Ate Flor.
2. Pakinggan mong mabuti ang
kwento.
5. Pokus Direksyunal- kung ang
paksa ay nagsasaad ng direksyon
ng kilos ng pandiwa.
Mga halimbawa:
1. Namahinga kami sa ilalim ng
puno ng Akasya.
2. Naglakbay ang mga kabataan
sa gawing timog.
5. Pokus sa
Sanhi/Kawsatibong Pokus- ang
dahilan o sanhi ang paksa sa
pangungusap.
Mga halimbawa:
1. Ikinamatay ni Ally ang kanser
sa baga.
2. Binangungot si Ethan sa labis
niyang pagkain ng hapunan.
6. Pokus Instrumental- ang
instrumento o gamit ang paksa
ng pangungusap.
Mga halimbawa:
1. Ipampunas mo ang basahang
bagong laba.
2. Gumuhit siya sa pamamagitan
ng lapis.
7. Benepaktibong pokus-
ang pinaglalaanan ng kilos ay
ang paksa.
Mga halimbawa:
1. Pinagmalasakitan ng mga
taong bayan ang mga
nasunugan.
2. Ipinasyal ni Jenny ang kanyang
anak sa Disney Land.