PAGBABAGONG PANLIPUNAN by Sir

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

PAGBABAGO

NG
PANLIPUNAN
PREPARED BY:
MA’AM CRISSE
SAN ISIDRO E/S
(Batayang Aklat sa AP5-Pilipinas Bilang
Isang Bansa page: 196)
Sa ilalim ng pamahalaang kolonyal, nahati sa
tatlong antas ang lipunang kolonyal sa
Pilipinas.
Sa lipunang kolonyal, ang mga Espanyol ang
may pinakamataas na katayuan. Nauri sa
dalawang pangkat ang mga Espanyol sa
Pilipinas—ang Peninsulares o mga Espanyol
na isinilang sa Spain at Insulares o Creole na
mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas.
Hawak nila ang kapangyarihang
pampolitika, pang-ekonomiya , at
panrelihiyon, na dati ay naa kamay ng
mga Filipino.
Ang mga Filipino, sa kabilang banda,
ay nauri sa pangkat ng principalia,
inquilino, at karaniwang tao.
Kabilang sa pangkat ng
principalia ang mga inapo ng mga
datu at maharlika, mayayamang
hacendero o may-ari ng lupa, at
mga pinuno at dating pinuno ng
pamahalaang lokal.
Pinagkalooban ang pangkat na
ito ng mga karapatang
panlipunan at pampolitika
kabilang ang mga karapatang
bumoto sa halalan, humawak ng
tungkulin sa pamahalaang local
at malibre sa polo y servicio.
Ang pangkat ng Inquilino ay binuo
ng mga tagapangasiwa ng lupa ng
mga panginoong maylupa. Ang
pangkat ng karaniwang tao naman
ay kinabilangan ng mga
manggagawa at magbubukid.
Pagbabago sa
Katayuan ng
Kababaihan
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa
katayuan ng kababaihan noong
panahon ng kolonyalismo. Mapupuna
ito sa kanyang gampanin sa tahanan at
pamayanan, gayundin sa aspekto ng
pamamahala at pagmamay-ari– ang
tradisyunal at di-tradisyunal niyang
papel sa Lipunan.
- Sa sinaunang panahon, ang ina ang
sentro ng pamilya.
- Sa pagdating ng mga Espanyol at sa
impluwensiya ng Kristyanismo, nalihis
ito sa ama na itinuring na haligi ng
tahanan.
- Sa sinaunang panahon ay nagsilbing
pinunong espirituwal ang kababaihan
sa katauhan ng ng mga katalonan o
babaylan.
- Sa panahon ng mga Espanyol ay
pinawalang bias ito at itinuring itong
makasalanan at muola sa mga
demonyo.
-Dahil sa Kristyanismo, bumaba
ang antas ng kababaihan mula
sa pagiging pinuno ay naging
tagalingkod sa mga parokya,
pasyon, at iba pang katekismo.
-Ang nagging pangunahing
gampanin nila ay ang pagiging ina
sa kanilang anak at kabiyak sa
asawa.
◦Sa kabila ng mga ito, nabigyan
naman ang kababaihan ng
karapatan sa edukasyon.
Education Decree of 1863
-Ipinag-utos ni Reyna Isabel II
ang pagtatayo ng dalawang
paaralan– isang panlalaki at
isang pambabae – sa bawat
munisipalidad ng Pilipinas.
-Maaari din silang mag-aral sa
kolehiyo kung saan ay tinuruan
sila ng kabutihang asal, wastong
pagkilos, at iba pang gawain
tulad ng pagluluto, pananahi, at
musika, sa ilalim ng mga madre.
PAGBABAGO
NG
KULTURAL
PREPARED BY:
MA’AM CRISSE
SAN ISIDRO E/S
(Batayang Aklat sa AP5-Pilipinas Bilang
Isang Bansa page: 198)
PANANAMIT AT PALAMUTI
PANANAMIT AT PALAMUTI
Lalaki:
-Camisa Chino
-Pantalon
-Sombrero
-Tsinelas
-Ropilla
-Sapatos
PANANAMIT AT PALAMUTI
Babae:
-Kimona
-Mantilla o itim na balabal
-Panuelo O malaking panyo na ipinatong sa
balikat
-Peineta o pangganyak na suklay sa buhok
-Iba’t-ibang hugis at laki ng hikaw
PAGPAPANGALAN
CLAVERIA DECREE OF 1849
-Batay sa kautusan ni Gobernador-
Heneral Narciso Claveria Bautista –
binigyan ng aplyidong Espanyol ang
mga Filipino tulad ng Cruz, del Rosario,
de los Santos, at Santiago. Nakatala ang
mga ito at mahigit 61,000
mapagpipiliang apelyido sa Catalogo
alfabeto de apellidos.
MUSIKA, SAYAW, AT MGA
PAGDIRIWANG
Mga Relihiyosong Tradisyon:
1. Pabasa- pagbasa o pag-awit ng pasyon
2. Flores de Mayo- prusisyon para kay
Birheng Maria
3. Santacruzan- prusisyon na
nagsasadula sa pagkakatuklas ni Reyna
Helena sa tunay na krus ni Hesus
MUSIKA, SAYAW, AT MGA
PAGDIRIWANG

4. Panunuluyan- pagsasadula sa
pagsilang kay Hesukristo
5. Salubong- pagsasadula sa
pagkikitang muli ng nabuhay na si
Kristo at ni Birheng Maria
MUSIKA, SAYAW, AT MGA
PAGDIRIWANG
6. Harana- Isaitong kundiman o awit ng
pagsinta na inaawit sa harap ng
tahanan ng dalagang nililigawan.
MUSIKA, SAYAW, AT MGA
PAGDIRIWANG
7. Mga sayaw:
- La Jota at Polka
- Fandango (pandanggo sa ilaw
-Waltz
- Rigodon
-Pasakat, lanceros, mazurka at surtido
LUTUIN

-Mga lutuing ipinakilala ng mga


Espanyol:
-menudo, afritada, relleno, mechado,
paella, pochero, caldereta, callos at
leche flan.
PANITIKAN
-Noong 1593, nalimbag ang DOCTRINA
CHRISTIANA, ang unang aklat sa
Pilipinas na naglalaman ng mga dasal.
-Ipinakilala rin ang mga dasal, nobena,
talambuhay ng mga santo/santa, mga
awit, korido, tula, kuwento at
sarswela.
SINING
-Kalimitang ipininta at inukit ang
wangis ng mga santo, Birheng Maria,
Banal na Santatlo, at ilang
mahahalagang tagpo sa Bibliya.
-Isang halimbawa ng retablo o altar ng
simbahan ay matatagpuan sa San
Agustin na inukit ni Juan de los Santos
noong 1617.
ARKITEKTURA
-Ang mga estrukturang tulad ng
simbahan, gusaling pampubliko, at
bahay na bato noong panahon ng
kolonyalismo ay ipinatayo batay sa
estilong ANTILLEAN. Ang estilong ito
ay buhat sa Antiles, sa Central America
at hindi mula sa Spain. Pinagsama nito
ang impluwensyang arkitekturang
Byzantine, Baroque, Gothic, at Moro.
WIKA AT SISTEMA NG PAGSULAT
-Gaspar Aquino de Belen
◦Manunulat ng Mahal na Pasion ni Hesu
Kristo, isang patulang salaysay sa
pasyon, kamatayan, at muling
pagkabuhay ni Hesus.
◦-Naging pormal na naging bahagi ng mga
asignatura at kurso sa mga paaralan ang
pagtuturo ng Spanish.
SISTEMANG PANG-EDUKASYON
-Ang mga pari ang nangasiwa sa
Sistema ng edukasyong pinairal ng mga
Espanyol sa Pilipinas.
-Paaralang pamparokya ang unang
itinayong paaralan kung saan itinuro
ang mga asignaturang tulad ng
Relihiyon, Spanish, pagsulat, pagbasa,
aritmetika, musika, sining, at mga
kasanayang pangkabuhayan.
SISTEMANG PANG-EDUKASYON
-Sunod na itinayo ang mga kolehiyo
para sa kalalakihan. Dito itinuro ang
mga wikang Spanish, Greek, at Latin,
pilosopiya, matematika, agham at
sining.
-Nagtayo rin ng kolehiyo para sa
kababaihan. Layunin nito na ihanda ang
kababaihan sa pag-aasawa o pagpasok
sa kumbento.
SISTEMANG PANG-EDUKASYON

-May mga paaralan ding itinayo upang


magturo ng edukasyong bokasyonal
gaya ng agrikultura, pag-iimprenta,
pagkakarpintero, at pagkukulay ng
tela.
 Ipasagot ang nasa pahina 204 at 205
sa batayang aklat.

You might also like