ihiwalay sa tao ang kanyang mga karapatan. Karapatang Sibil Karapatang Politikal Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan Karapatang Panlipunan Karapatang Kultural Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa. Halimbawa: Kalayaan sa paninirahan, pananalita, pananampalataya, karapatan laban sa sapilitang paglilingkod, at karapatan sa pagkakabilanggo dahil sa hindi pagbabayad ng utang. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng tao na makibahagi sa mga prosesong political at pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito, panunungkulan sa pamahalaan, at pagkamamamayan. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ukol sa pagsusulong at pagtataguyod ng kabuhayan at disenteng pamumuhay. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan upang makapamuhay nang matiwasay at maisulong ang kapakanan ng tao sa lipunang kanyang kinabibilangan. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ng tao na lumahok sa mga gawaing kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan. Indibidwal na Karapatan Kolektibong Karapatan Ito ay ang mga karapatan sa pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ito ang mga karapatan ng tao ng bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pang-ekonomiya, at pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran. Likas na Karapatan Legal na Karapatan Mga karapatang hindi itinadhana ng saligang batas. Mga karapatang ipinagkaloob ng saligang batas at particular na batas. Immediate rights Incremental rights Dagliang maipapatupad Graduwal na pagpapatupad Derogable or relative rights Non-derogable or absolute rights Mga karapatang maaaring suspindihin o alisin depende sa sitwasyon. Mga karapatang hindi maaaring suspindihin o alisin kahit na anong panahon tulad ng karapatan sa buhay, karapatan ng nasasakdal, karapatan laban sa tortyur at di makatong parusa, karapatan laban sa pang-aalipin, karapatan laban sa panghahabla ng kaso sa isang pagkakasala na krimen sa panahong ito ay naganap, karapatan sa malayang pag-iisip at relihiyon.