Ang nobelang El Filibusterismo ( literal na “ Ang Pilibusterismo”) o Ang Paghahari ng Kasakiman Ang pangalawang nobelang isinulat ni Rizal na buong pusong inialay sa tatlong paring martir na kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sikwel sa Noli Me Tangere Tulad ng Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang isinusulat ito at tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Oktubre 1887 sinimulan niya ang pagsulat habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manukristo habang naninirahan sa Paris,Madrid at Brussel. Marso 29, 1891 nakompleto niya ito sa Biarritz. Pinalimbag ni Rizal ito kaso kinulang sa pera kaya’t binawasan ang mga kabanata mula sa 44 naging 38 na lamang. Ipinalimbag niya ito sa F. Meyer Van Loo Press at naging hulugan ang bayad. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Ika – 6 ng Agosto, 1891 Tinigilan ang pagpapalimbag; inisip ni Rizal na sunugin nalang ang libro subalit dumating ang tulong no Valentin Ventura.
Ika – 22 ng Setyembre, 1891 natapos ang
pagpapalimbag Ika – ng Setyembre din natapos ang paglalathala. Ipinamumod sa Hongkong, London, at Europa. MGA TAONG TUMULONG KAY RIZAL