Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

May Akda: Rogelio R.

Sikat

 Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio
Sícat) (26 Hunyo 1940-1997) ay isang
Pilipinong piksyunista,
Mandudula, Tagasalinwika, at tagapagturo.
Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta
Rodriguez. Ipinanganak siya noong 26
Hunyo 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva, Ecija
Pilippines. Siya ang pang-anim sa walong
magkakapatid. Nagtapos si Rogelio Sikat na
may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag
mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang
MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas
 Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng
maraming pampanitikang premyo. Siya ay
tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang
dula na nagwagi ng gantimpalang Palanca
noong 1962 sa Filipino
II. Uri ng Panitikan

 Maikling Kwento
III. Anyo ng Panitikan

 Tuluyan o Prosa
IV. Nilalaman

A.Tauhan: (Pangunahing Tauhan) Tata Selo
Kabesang Tamo- mayamang may-ari ng Sakahan at Sinanlaan ni
Tata Selo sa Sakahang dati niyang pag-mamay-ari
Saling- anak ni Tata Selo
Alkalde,Pulis, Mga ilang magsasaka at mamamayan, isang bata
IV. Nilalaman
B. Tagpuan

San Roque, Poblacion,
Sakahan, Tanggapan ng Alkalde, Tanggapan ng Pulis(Istaked)
Banghay

 A. PANIMULA- Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung
saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa
kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-
ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay
pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
 B-SAGLIT NA KAKINTALAN-Mag-aalas-onse na nang araw
ding iyon na dumating ang alkalde mayor kasama ang mga
hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng Kabesa. Abut-abot ang
busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi
ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Itinaas ng may-
katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang
pagkakaingay. Nanulak naman ang malaking hepe

 C. PAPATAAS NA AKSYON- Si Tata selo naman ay
kinompronta ng mayaman na binata na anak propitaryo sa
San Roque na isang magilas na punong bayan, ito ay mataas,
maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang
naninigarilyo, at sinabing din a dapat ginawa ang ganung
karumal dumal na gawain at paliwanag naman ni tata selo na
binabawi ang kanyang saka at wala silang ibang matitirhan
kapag siya’y pinaalis ngunit sumagot ang binata na hindi
katwiran iyon upang patayin ang kabesa dahil sa kabesang
iyon ang lupain at mayroon siyang karapatan na paalisin na
kung sinoman sa kanyang lupain, giniit naman ni tata selo na
dating kanyang pagmamay ari ang lupain na iyon naisangla
lamang dahil nagkasakit ang

 D. KASUKDULAN-Sunod naman ay tinanong siya nang isang batang
magbubukid at napangiti nang Makita ito dahil isa itong anak
magbubukid na naniniwala sa kanya, tinanong siya ng batang
magbubukid at sinabi niya sa bata kung ano ang sinabi niya sa
mayamang binata at pahabol na tanong ng batang magbubukid ay
pano na ang kanyang anak na si Silang na maglalabimpitong anak ni
tata selo na naninilbihan sa kabesang napatay ni Tata Selo. Pagtapos
ng iyon ay dumating ang alkalde kasama ang dalawang hepe at
pinadala sa kanyang tanggapan at pinaliwanag na siya’y
mabibilanggo sa kanyang ginawa anang alakalde at siya din ay
kinompronta na galit na alkalde at nagpaliwanag din si Tata selo
gaya nang pagpapaliwanag niya sa mayamang binata at sa batang
magbubukid at kanya ring tinanong ang anak ni Tata selo na
naninilbihan sa kabesang namatay, sinabing nakauwi na daw ang
kanyang anak sapagkat ito ay may sakit at pagsapit ng alas dose ay
tumugtog ang kampana at don umalis na ang alkalde upang
mananghalian

 E. PABABANG AKSYON- Ang hepe naman ang sunod na nakipagusap
kay Tata Selo at ganun pa din ang kanyang paliwanag sa hepe sabay na
kinadyot ng hepe sa sikmura at ito’y napaluhod sa sahig habang
nakahawak sa uniporme ng hepe, kinabukasan naman ay nagkausap uli
ang alkalde at si Tata Selo at sinabing maaaring sa kabisera siya ikukulong
at baka patawan siya nang habambuhay na pagkakakulong dagdag pa nito
at sagot naman ni Tata Selo na patayin nlng din siya pagkat napatay niya
ang kabesa. Ilang sandal ay dumating na ang anak ni Tata Selo sa si Saling
at ito’y pinadala nang alkalde sa kanyang tanggapan at sinunod naman si
Tata Selo nang dalawang pulis at nang magkita ang magama ay giniit ni
Tata Selo na hindi na sana siya pumunta dahil siya ay may sakit at
pagtapos noon ay pinabalik na siya sa istaked at pagbalik ay pinanood
naman siya ng mga tao at habang nakahiga si Tata Selo sa sahig ay may
gumising sa kanyang boses at ito ay ang batang dumalaw sa kanya
kahapon at inutusan na ayain umuwi si Saling at habang nakakapit sa rehas
ay nakatingin sa labas at sinasabing lahat ay kinuha na sa kanila.

 F. WAKAS- Napag tanto ni Tata Selo na ang kanyang buhay ay
walang nang sibil, Lahat ng kanyang hinagpis at galit ay
madaling napalitan ng lungkot at pag ka dismaya sa kanyang
sinabi sa hulian na “Lahat ay kinuha sa Kanaya” ay
representasyon ng patong patong na problema sa kanyang
buhay, una’y hindi na niya pag mamay aria ng nasabing lupain
dahil ito’y isinanla niya at naembargo, pangalawa ay ang
pagsalang niya kay Kabesang Tano na nakuha ang kanyang
kalayaan dahil siya ay gumawa ng matinding krimen, at huli
ang kanyang anak na si Saling na hindi sumunod sa kanyang
payo at diyan nawalan siya ng taong magmamahal sa kanya
Tunggalian

 Tao laban sa Tao
Taglay na Bisa

 BISA NG ISIP- Hindi lamang sa kwento nangyayari ang
pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan. Maraming uri ng
pagmamalupit o human rights violations. Isa na rito ay ang
kawalan hustisya, pagsikil sa karapatang pantao ng mga
mahihirap at pagkawala ng due process sa pagpatupad ng
batas
 BISA NG DAMDAMIN-Lubhang nakakaawa ang hirap dahil
sa pagmamalupit na dinanas ng mag-amang Tata Selo mula sa
kabesa, sa hepe at maging sa alkalde. Halos na hubaran na sila
ng anumang dignidad ng pagiging tao. Ganun ka lupit kung
sila’y tinatrato ng mga nasa kapangyarihan sa bayan ng San
Roque.
Kamalayang Panlipunan

 Ang kwento na ito ay napapanahon parin. Napakaraming
nilalang sa mundo ang hindi nabiyayaan ng materyal na
bagay na nagiging sanhi kung bakit sila ay laging inaapi,
ninanakawan ng karapatang mabubuhay nang matahimik at
mapayapaa
Teorya/Pagdulog

 - Ang akdang ito ay nilapatan ng teoryang Dekonstruksyon
dahil kung saan ang karaniwang istraktura ng kwento ay
hindi sinusunod. Natural nitong pinadadaloy ang kamalayan
at kaisipan ng isang tao at gayon din ang mga pangyayaring
hindi karaniwang pinag- uusapan. Lumilikha ito ng serye ng
mga pangyayaring magkakaugnay subalit winawakasan
naman ng mga hindi sukat akalaing pangyayari

You might also like