Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ANG MGA HINAGPIS

NI FLORANTE
 MGA LARAWAN
 TALASALITAAN
1. Mapangalaw = Malungkot
2. Pebo = Araw
3. Nakalulunos = Nakaaawa
4. Bulo = Manipis na balahibo ng halaman
5. Kulay – Luksa= Kulay itim
6. Basilisko = Halimaw na mukhang Butiki
7. Burok = Malarosas
8. Balantok = Hugis Arko
9. Uyamin = maliitin, Kutyain
10.Kaliluha’y = Kataksilan
MGA TAUHAN AT TAGPUAN
 AngMatikas, Magiting, at Matapang
na Heneral ng Albanya na si
FLORANTE.

Gitna ng isang Madilim, at


Mapanglaw na gubat.
 BUOD NG MGA SAKNONG
 Sa araling ito’y ipakikita kung paano nagsimula ang awit sa pamamagitan
ng pagpapakilala sa isa sa mga pangunahing tauhang si FLORANTE. Si
Florante ay matikas, magiting, at matapang na heneral ng Albanya.
Subalit sa mababasa mong mga saknong ay ipakikita siya sa isang kalunos-
lunos na kalagayan: Talunan at nakagapos sa isamg punong higera sa gitna
ng isang madilim at mapanglaw na gubat. Maririnig mula sa binate ang
mga hinagpis at pagtangis dahil sa pagkagaping nangyari sa kanya at ang
paghihirap ng kanyang minamahal sa kahariang Albanya dahil sa
pananakop ng taksil at masamang si KONDE ADOLFO. Nawawalan na siya
ng pag-asa at maging sa Diyos ay nakapagpahayag siya ng hinanakit sa
pag- aakalang siya’y pinabayaan na. Subalit sa huli’y napagisip- isip
niyang idaan sa panalangin ang kaawa- awa niyang kalagayan.
 MGA SAKNONG 1- 25
1
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw
Dawag na matinik ay walang pagitan;
Halos naghihirap ang kay pebong silang,
Dumalaw sa loob na lubhang masukal.
2
Malalaking kahoy, ang inihahandog,
Pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
Huni ng ibon ay nakalulunos
3 Sa lalong matimpi’t masasayang loob.
Tanang mga baging na namimilipit,
Sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
May bulo ang bunga’t nagbibigay- sakit
Sa kangino pa mang sumagi’t malapit
4
Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
Pinakamaputing nag-uunos sa dahoon;
Pawang kulay- luksa at nakikiayon
Sa nakaliliyong masangsang na amoy.
5
Karamiha’y sipres at higerang kutad
Na ang lihim niyon ay nakasisindak;
Ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
Na nakadidilim sa loob ng gubat.
6
Ang mga hayop pang dito’y gumagala,
Karamiha’y syerpe’t basiliskong madla;
Hyena’t tigreng ganid na nagsisisila
Ng buhay ng tao’t daiging kapuwa.
7
Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit
Sa Abernong Reyno ni Plutong masungit;
Ang nasasakupang lupa’y dinidilig
Ng ilog kositong kamandag ang tubig.
8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
May punong higerang daho’y kulay pupas,
Dito nakagapos ang kahabag-habag,
Isang pinag- usig ng masamamang palad.
9
Bagong- taong basal ang anyo at tindig,
Kahit nakatali kamay, paa’t leeg,
Kung di si Narciso’y tunay na Adonis
Mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit.
10
Makinis ang balat at aniki’y burok,
Pilik- mata’t kilay mistulang balantok;
Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
Sangkap ng katawa’y pawing magkaayos.
11
Dangan doo’y walang oreadas nimpas,
Gubat na palasyo ng masidhing harpias;
Nangaawa disi’t naakay lumiyag
Sa himalang tipon ng karikta’t hirap.
12
Ang abang uyamin ng dalita’t sakit
Ang dalawang mata’y bukal ang kaparis;
Sa luhang nanatak at tinatangis-tangis
Ganito’y damdamin ng may awang dibdib.
13
“ Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan?
Ngayo’y naniniig sa pagkagulaygay
Bago’y ang bandila ng lalong kasam’an
sa Reynong Albanya’y iwinawagayway.
14
“ Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
15
“ Ang magandang asal ay ipinupukol
Sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong;
Balang magagaling ay ibinabaon
At inililibing na walang kabaong.
16
“ Ngunit ay ang lilo’t masasamang loob,
Sa trono ng puri ay iniluluklok;
At sa balang sukab na may asal- hayop
Mabangong insenso ang isinusuob.
17
“ Kaliluha’t sama ang ulo’ nagtayo
At ang kabaita’y kimi’t nakayuko;
Santong katuwira’y lugami at hapo
At luha na lamang ang pinatutulo.
18
“ At ang balang bibig na binubukalan
Ng sabing magaling at katotohanan,
Agad binibiyak at sinisikangan
Ng kalis ng lalong dustang kamatayan.
19
“ O taksil na pita sa yama’t mataas!
O hangad sa puring hanging lumilipas
Ikaw ang dahilan ng kasam- ang lahat
At niring nasapit na kahabag- habag.
20
“ Sa korona dahil ng Haring Linceo
At sa kayamanan ng dukeng ama ko
Ang ipinangahas ng Konde Adolfo
Sabugan ng sama ang Albanyang Reyno.
21
“ Ang lahat ng ito, maawaing langit
Iyong tinutunghaya’y ano’t natitiis?
Mula ka ng buong katuwira’t bait,
Pinapayagan mong ilubog ng lupit.
22
“ Makapangyarihang kanan ko’y ikilos,
Papamilansikin ang kalis ng poot;
Sa Reynong Albanya’y kusang ibulusok
Ang iyong higanti sa masamang loob.
23
“ Bakit kalangita’y bingi ka sa akin,
Ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
Diyata’t sa isang alipusta’t iring
Sampung tainga mo’y ipinangunguling?
24
“ Datapuwat sino ang tatarok kaya
sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?
Walang mangyayari sa balat ng lupa,
Di may kagalingang Iyong ninanasa.
25
“ Ay saan ngayon ako mangangapit?
Saan ipupukol ang tinangis- tangis,
Kung ayaw na ngayong dinggin ng langit,
Ang sigaw ng aking malumbay na boses!
 ARAL NA MAPUPULOT:
 Hindi dapat tayo magtiwala sa isang tao dahil lang sa kanyang
panlabas na anyo, dahil hindi mo alam ang kanyang totoong hangarin
at baka iyan ang dahilan ng pagbagsak mo at ng iyong kaharian.

 Hindi dapat tayo magkaroon ng “Crab Mentality” dahil lang


gusto mo mahigitan ang isang tao, dahil habang ginagawa mo
ang proseso nayan, marami ang madadamay, mawawasak, at
masasaktan.

 Huwag dapat tayong maging makasarili upang makuha mo lamang


ang iyong kagustuhan. Dahil dapat din nating isipin ang iba sa mga
masamang bagay na iyobg gagawin dahil baka madamay ang mga
inosenting tao.

You might also like