Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

GUNITA NI LAURA

SAKNONG 38-54
SAKNONG 38
Halos buong gubat ay nasasabugan
Ng dinaing-daing na lubahang malumbay,
Na inuulit pa at sinisigaw,
Sagot sa malayo niyang alingawngaw
TALASALITAAN
Malumbay-Malungkot
Alingawngaw-eko
SAKNONG 39
“Ay Laurang poo’y bakit isinuyo
Sa iba ang sinisirang sa aki’y pangako
At pinagliluhan ang tapat na puso,
Pinanggugulan mo ng luhang tumulo?
TALASALITAAN
Pinagliluhan-Mapanlinlang,Lokohin
SAKNONG 40
Di sinumpaan mo sa harap ng langit
Na di maglililo sa aking pag-ibig?
Ipinalagay ko naman yaring dibdib,
Wala sa gunita itong masasapit!
TALASALITAAN
Maglililo-Manlilinlang
SAKNONG 41
“Katiwala’t ako’t ang iyong kariktan,
Kapilas ng angit anaki’y magtibay,
Tapat ang puso mo’t di nanggugunamgunam
Na ang paglilo’y nasa kagandahan.
TALASALITAAN
Kariktan-Kagandahan
SAKNONG 42
Di akalaing iyong sasayangin
Maraming luha mong ginugol sa akin,
Taguring madalas na ako ang giliw,
Mukha ko ang lunas sa madlang hilahil
TALASALITAAN
Hilahil-mabigat,masakit,masaklap
SAKNONG 43
Di king poo’y utusang mangubat
Ng hari mong ama sa aliang siyudad
Kung ginagawa mo ang aking asagisag.
Dalawa mong mata’y nanalo mong perlas?
SAKNONG 44
“Ang aking plumahe kung itinatahi na
Parang kolares ng iyong daliri,
Buntinghininga mong nakikiugali
Sa kilos ng gintong ipinanahi.
TALASALITAAN
Plumahe-balahibo
SAKNONG 45
“Makailan,Laurang a aki’y labot ,
Basa pa ng luha sa bandang isusuot,
Ibinigay mo ay naghihimutok,
Takot masugatan sa pakikihamok!
TALASALITAAN
Pakikihamok-Digmaan
SAKNONG 46
Baluti’t koleto’y di mo papayagang madampi’t
malapat sa aking katawan
Kung tingin muna’t baka maykalawang
Ay nanganganib kang damit ko’y marumihan
SAKNONG 47
“Sinisiyasat mo ang tibay at kintab,
Na kung sayaran man ng taga’y dumulas,
Ay kung malayo na’y iyong minamalas,
Sa gitna ng hukbo, y makikilala agad
TALASALITAAN
Sinisiyasat-Sinusuri,Inuusisa
SAKNONG 48
Pahiyasan mo ang aking turbante
Ng perlas,topasyo’t maningning na rubi,
Buod ang mamanglaw na batong d’yamante
Puno ng ngalan mong isang letrang L
TALASALITAAN
Turbante-Kasuotan ng mandirigma
SAKNONG 49
“Hanggat ako’y wala’t nakikipaghamok,
nag-aapuhap ka ng aliw loob,
Manalo man ako’y bagong nanasok;
Nakikita mo na’y madala pang takot.
TALASALITAAN
Nag-aapuhap-Naghahagilap
SAKNONG 50
“Buong panganib mo’y baka magkasugat.
Di maniniwala kung di masiyasat,
At kung magkagurlis ng munti sa balat,
Hinuhugasan mo luhang nanatak
TALASALITAAN
Magkagurlis-magkagalos
SAKNONG 51
“Kung ako’y mayroong hahapisang munti,
Tatnungin mo kung ano ang sanhi,
Hanggat di malining ay idarampi
Sa mga mukha ko ang rubi mong labi.
TALASALITAAN
Malining-mabatid
SAKNONG 52
Hinfi ka tutugot kundi matalastas,
Kakapitan mo nang mabigayan ng lunas,
Dadalhin sa hardi’t doon ihahanap
Ng ikaaliw sa mga bulaklak
TALASALITAAN
Matalastas-Maunawaan
lunas-gamot
SAKNONG 53
Iyong pipitasin ang lalong marikit,
Dini sa liig ko’y kusang isasabit,
Tuhog na bulaklak na sadyang salitsalit,
Pag-uupadin mong lumbay ko’ mapaknit
TALASALITAAN
Mapaknit-Matanggal
SAKNONG 54
“At kung hapis ko’y masawata,
Sa pilitmata mo’y dadaloy ang luha,
Napasaan ngayon ang ganung aruga
Sa dala kong sakit ay di iapula?
TALASALITAAN
Aruga-alaga
Apula-Patayin,pahintuin
BUOD
Ang naiisip na tanging lunas sa pagdurusa ni Florante ay ang
hindi niya pagtigil sa pagsamo’t panawagan kay Laura. Nang
hindi dumating si Laura para sa kanya ay nagduda ang binata na
naagaw ni Adolfo ang kanyang kasintahan. Mararamdaman sa
mga saknong ang hinagpis at lubos na pagdalamhati’t
pagkahabag ni Florante sa sarili. Napasubsob ang binata sa
kanyang kinalugaran dahil sa masidhing pagdurusang kanyang
nararanasan.

You might also like