Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KAMALAYAN SA MGA

EPEKTO NG MGA
PAGBABAGO SA
PANAHON NG
PAGDADALAGA AT
PAGBIBINATA
Epekto sa katawan
Ang mga nagdadalaga ay karaniwang
nakararanas ng di-mabuting kondisyon ng
katawan bago o tuwing darating ang
buwanang daloy tulad ng sakit ng ulo at
pagkahilo, pagsusuka,pananakit ng dibdib at
puson. Sa mga nagbibinata, ang paglaki ng
mga kalamnan sa braso at binti ay nagdudulot
ng ibayong lakas at resistensya kaya’t nahihilig
sila sa iba’t-ibang uri ng laro at isports.
Epekto sa Ugali
Kasabay ng pagbabago ng
katawan ay unti-unti nagbabago rin ang
ugali. Nauuna ang mga babae kaysa sa
mga lalaki. Ang mga babae ay nagiging
mahiyain at maramdamin.Nagiging
mapansinin sa sarili o selfconcious.
Madalas nag-aayos sa katawan lalo na
sa pananamit.Nagkakaroon na sila ng
mga taong iniidulo at nais maging
modelo.
Sa panahon din na ito nagiging
mapaghanap ng pagkilala at
pagtanggap maging babae man
o lalaki. Natatanto nilang hindi na
sila bata ngunit hindi pa sapat sa
gulang o mature. Ang ibang
kabataan naman ay gumagawa
ng mga bagay upang makuha
ang atensiyon ng mga magulang,
kaibigan, at hinahangaan.
Ang ibang kabataan naman ay
gumagawa ng mga bagay upang makuha
ang atensiyon ng mga magulang,
kaibigan, at hinahangaan. Ang ibang
nagbibinata ay nagkakaroon ng ugaling
mapaghimagsik lalo na kung naguguluhan
sila at hindi nila naiintindihan ang mga
pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang
mga kilos nila ay nagiging palaban at
mapusok.
Kailangan nila ng sapat
na pamamatnubay at
pangunawa ng mga
magulang at nakatatanda
upang maintindihan nila ang
kanilang sarili.
Epekto sa pakikitungo
Ang pakikisama at impluwensya ng
kapwa kabataan ay matindi sa
panahon ng pagdadalaga at
pagbibinta. Ito ang panahon kung
kailan ninanais matatag ng
nagdadalaga o nagbibinata ang
kanyang sarili iba sa kanyang
magulang at mga kapatid.
Ang pakikihalubilo sa ibang
kabataang kasinggulang niya ay
tumutulong upang makilala niyang
lubusan ang sarili at matutunan
kung paano siya makikitungo sa
ibang tao. Nagiging mapagisip din
tungkol sa iba’t ibang pananaw sa
pamumuhay ang kabataan.
Maaring sumasalungat ang
ilang kabataan tungkol sa
pamamalakad ng pamumuhay ng
kanilang magulang na nagiging
sanhi ng alitan at hindi
pagkakaunawaan. Ito ay maaaring
iwasan sa pamamagitan ng
maayos at mahinahong pag-uusap
ng anak at magulang.

You might also like