Ulat ni: Sam Acuña Mc Florenz Paningbatan Dandy Cabanza Layunin:
Nabibigyang kahulugan at saysay ang kahalagahan ng
pagsulat ng burador, Nababatid ang mga dapat tandaan ang sa pagbuo ng pagsulat ng burador, Naisa-isa ang mgaparaan sa pagkuha ng datos Pagsulat ng burador
Ang Burador ay ang tentatibong kabuuan ng papel, Isa ito sa
unag hakbang para sa aktuwal at mekanikal na pagsulat ng panimulang bahagi ng pananaliksik nabubuo ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay nito. bahagi din sa pagsulat ng unang burador ang pagbuo ng tentatibong talasanggunian. Mahalaga ang burador dahil kailangan maisulat nang buo ang papel upang makita kung mayroon pang kulang na datos, kailangang makabuo ng isang papel na puwedeng rebisahin sang-ayon sa hinihingi ng nilalaman at estilo sa pagsulat gayundin, upang makalikha ng mga ideya. Sinasalamin ng pagsulat ng mga ideya. Sa pagbuo ng Burador kailangan isaalang-alang ang mga sumusunod: 1. Ihanda ang talaang pinagsulatan ng mahahalagang ideya o konsepto na hango sa mga kaugnay na literatura. 2. Isaayos ang datos na nakuha sa tagatugon na ginagamit sa paksang pinag- aaralan. 3. Suriing mabuti ang mga datos at bigyan ito ng interpretasyon. 4. Itala ang mga ideya o konseptong natuklasan sa isinasagawang pananaliksik. 5. Itala ang mga hakbang na ginagamit sa pananaliksik. 6. Sundin ang ginawang balangkas sa pagsulat ng sulating pananaliksik. 7. Sa pagsulat, hayaan lamang na lumabas ang mga ideyang naiisip at huwag munang pansinin ang kamaliang nagawa. 8. Balikan at basahin muli ang ginagawang sulating pananaliksik.Tingnan kung ano ang dapat idagdag at ibawas dito. 9. Pagpili ng isang kawili-wiling paksa. 10. Aktuwal na Pagsulat. Pagpapalawig ng Paksa Nilimitahan ang paksa upang makabuo ng isang tiyak na pamagat ng isang pananaliksik ngunit pinapalawig naman ito sa loob ng pananaliksik upan matalakay ito nang komprehensibo. Sa pagpapalawig ng paksa , mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod: Pagtalakay sa historikal na kaligiran –Upang magkaroon nang malinaw at sapat na pag-unawa ang babasa ng pananaliksik, mahalagang maibigay ang sunodsunod na pagkakaayos ng mga datos o pangyayari sa paksang pinili. Paghahambing sa mga kaugnay na paksa – Bigyang pagtalakay ang pagpapalawig ng paksa ang mga magkatulad o kaugnay na konsepto at ang kaiba o kasalungat nitong konsepto, ideya o katangian. Pagbanggit ng mga establisadong awtoridad kauganay na paksa – Panghuli ngunit pinakamahalaga, marapat na magkaroon nang maayos na atribusyon at paggamit o muling paglalahad ng mga pagpapaliwanag ng mga awtoridad ukol sa isyu. Pagbibigay ng katuturan sa mga Salita/Terminolohiyang Ginamit Ang pagbibigay ng katuturan o kahulugan sa mga salitang ginamit sa loob ng pananaliksik ay higit na mahalaga upang mas maunawaan ng mambabasa ang mga terminilohiya, maaring gamitin ang footnote o end note upang maipaliwanag ang salita o terminolohiyang ginamit sa loob lamang ng magkatulad na pahina kung saan ginamit ang salita/terminolohiya. Tandaan na bukod ditto ay kinakailangan ng mayroon hiwalay na glosaryo na talaan ng mga salita at terminolohiyang ginamit sa kabuuan ng pananaliksik.