Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

IMPENG NEGRO

NI ROGELIO SICAT
"Oh baka mapaaway ka na naman Impen" saad ng ina na
pinangangaralan na naman sya.
"Hindi ho" saad ni Impen
"Bayaan mo nga yung mga yon. Wag mo na lang pansinin
para di ka mapaaway" muling tugon ng ina
May iba pang sinasabi ang ina ni Impen ngunit di na nya ito
pinansin. Paulit ulit na nyang naririnig ito kaya't naririndi na
ang kanyang tenga.
Pagkatapos mag hilamos ay agad nang kumilos si Impen
para magpalit ng damit. Kahit antok pa ay kailangan na
nyang lumakad para di tanghaliin at makasahod ng tubig.
Naroon na naman siguro si Ogor. Kahit sya ang
nauuna sa pila ay lagi pa rin syang inuunahan ni
Ogor para sumahod ng tubig.
"Si Ogor Impen, wag mo nang papansinin" pahabol
na banggit ng ina bago sya umalis
Tuwing umaga ay umaalis si Impen para umigib at
laging pinaaalalahanan ng ina na wag nang
pansinin si Ogor dahil talaga raw na basagulero ito.
Si Ogor na kamakailan lang ay umaway sa kanya.
"Ang itim mo Impen" laging tukso nito
"Kapatid mo ba si Kano?" saad ng isa pang naroroon (Si
Kano ay kapatid ni Impen sa ama, maputi ito kaya't
nabansagang kano)
"Sino ba talagang tatay mo?" muling hirit nito
"Sino pa edi si Dikyam" sagot naman ni Ogor (Si Dikyam
ay isang karakter sa komik strip ni Tony Velasquez, ito'y
sundalong maitim)
Tawanan ang mga naroroon. Si Ogor ang itinuturing na
hari ng gripo na kanilang sinasahuran
"Eh ano kung maitim?" saad naman ni Impen.
Sa katagalan ay natanggap na ni Impen ang
panunuksong iyon sapagkat ito ay totoo. Ang kanyang
ama ay isang negrong sundalo na iniwan ang kanyang
ina pagkapanganak pa lamang sa kanya.
"Sari sari ang mga kapatid ni Negro, baka makatatlo pa
nanay nya" muling panunukso ni Ogor.
Natatandaan nya ang mga panunuksong iyon at mula
noon ay naging mitsa na iyon ng kanyang paghihimagsik
sa pook na iyon na ayaw mag bigay sa kanya ng
katahimikan.
Halos kasing gulang ni Impen si Ogor ngunit hamak
na mas matipuno ang pangangatawan nito. Malakas
si Ogor at hindi ito yumuyuko kahit may pasang
balde ng tubig.
Nang marating na ni Impen ang hulihan ng pila ay
ibinaba na nya ang kargang timba na walang
lamang tubig. saad sa sarili na sana ay huwag siya
ang maging paksa na naman ng mga agwador
(taga-igib ng tubig)
Nakaanim na karga na ng tubig si Impen. Ngunit
may isa pang nagpapa igib sa kanya.
Kapag tag-araw ay malakas ang kita ng mga
agwador sapagkat mahina ang tulo ng tubig sa
kanilang pook at bihira ang may poso.
"Negro!" nagulat sya ng marinig iyon. Nasa likuran
nya lamang si Ogor
"Wag kanang mag bibilad doon ka sa lamig" Saad
nito at isinahod na ang dalang balde sa gripo
Napakatagal ng oras para sa kanya ang pag puno ng
balde ni Ogor. Napabuntung hininga na lamang sya
ng malapit nang mapuno ang ito.
Katwiran nya sa wakas makakaalis na ito at wag na
sanang bumalik.
Tuwang tuwa si Impen nang mapuno na din ang isa
pang balde ni Ogor.
"Makakasahod na rin ako" sabi niya sa sarili. Daraan
pa pala sya sa tindahan ni Taba at bibili ng gatas
para sa bunso nyang kapatid.
Nang isasahod na ni Impen ang kanyang balde ay
isang makapangyarihang kamay ang pumatong sa
kanyang balikat. si Ogor ito.
"Gutom na ako Negro, ako muna" saad ni Ogor
"Kadarating mo lamang Ogor" Mariing tutol ni Impen
"Ako muna sabi eh!" tugon ni Ogor
Agad na itinabi ni Impen ang balde na nakatingin pa
rin kay Ogor at itinapon nya ang konting laman nito.
"Uuwi nako" bulong ni Impen sa sarili
"Anung ibinubulong mo?" saad ni Ogor
Maya maya pa ay nabuwal si Impen at tumama ang
pisngi sa labi ng nabiyak na timba. Napasigaw ito sa
sakit.
Hinipo ni Impen ang pisngi, basa ito...mapula...dugo.
"O-ogor..O-ogor...Ogor!!!!" sa wakas ay naisigaw ni
Impen. Hindi nagustuhan ni Ogor ang pagsigaw nito
kaya't sinipa niya si Impen at nagtauban ang mga
balde. Bumaliktad si Impen at tumawa ng malakas si
Ogor. Humihingal at lumuluha si Impen sa tinamo nya
kay Ogor.
Muli ay sinipa sya ni Ogor sa kanyang pigi at namilipit
sya sa basang semento.
Matagal din bago napawi ang kirot sa pigi ni Impen,
maya maya lamang ay bumangon at itinukod nya
ang kamay sa semento.
Si Ogor, simula noon ay inituring na syang kaaway.
Bakit sya inaapi nito.
Nanginginig sa galit ang katawan ni Impen.
Nang muli syang sisipain ni Ogor at parang asong
sinunggaban ni Impen ang kanang paa nito. Nawalan
ng balanse si Ogor at silang dalawa ay nagpagulong
gulong.
Nang mapaibabaw si Impen ay walang tigil niyang
pinagsusuntok si Ogor. Sinunod sunod nya ito na wari
ay papatay ng tao. Papatayin nya si Ogor
Sunod sunod na suntok ang pinakawalan ni Impen at
si Ogor naman ay tila asong nag pupumilit
umibabaw.
Sa isang iglap naman ay siya ang napailaliman.
Tinanggap nya ang mga suntok ni Ogor. Hindi nya
nailagan ang mga suntok nito sapagkat nasisilaw sya
sa araw. Tila manhid na si Impen, wala syang
maramdamang sakit.
Sa mga suntok ni Ogor ay tila nasalinan pa sya ng
lakas. Buong pwersang umigtad at napailaliman muli
si Ogor. Natadtad ng suntok si Ogor sa mukha, sa
dibdib.
Mahina na si Ogor, Lupaypay na. Humihingal na rin si
Impen sa walang tigil na suntok.
Ang sabog na labi ni Ogor ang nagsasabing
"I-Impen...."
Muli ay itinaas ni Impen ang kamay upang suntukin
pa si Ogor
"I-Impen...su-suko nako...su-suko na..a-ako..."
Ibinaba na ni Impen ang kanyang kamay.
Napasuko nya si Ogor.
Ilang sandali lamang ay dahan dahan nang tumayo si
Impen habang nakatingin pa rin kay Ogor. Wasak
ang kanyang suot at duguan ang likod. May basa pa
ng dugo ang kanyang mga labi.
Walang nakakibo sa mga agwador na naroroon.
Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito bagkus ay
paghanga.
May luha man sa mata ay may galak ding nadama si
Impen. Sa matinding sikat ng araw, tila isang
sugatang mandirigma si Impen. Nakatayo sa
pinagwagihang larangan.

You might also like