Professional Documents
Culture Documents
Filipino Module
Filipino Module
Ayon sa kasaysayan n Jambi, ang salitang Melayu ay mula sa isang ilog na may pangalang Sungai Melayu malapit
sa Sungai Batang Hari ng kasalukuangbayan ng Muara Jambi, lalawigang Jambi ng Sumatra, Indonesia. Ang
nagpundar ng Malacca Parameswara ay isang prinsipe ng Palembang na pag-aari ng isang bansang tinatawag na
Melayu noong siglo 7. malinaw na itinala ito ni Yi Jing sa kanyang talaarawang aklat na mayroong bansang may
pangalang Ma-La-Yu. Ayon sa ga arkeolohikong pananaliksik ng Jambi,maraming mga kasangkapan pang-arkitektura
noong sinaunang Melayu ang natagpuan kasama ang mga ebidensiya nito. Sa matandang wikang Tamil ng India,
.
“Kanlurang Bundok” ang ibig sabihin ng Malaya Ang salitang Malaya ay direktang hiniram mula sa Inggles; ang
katawagang Malay sa Inggles ay siya namang nagmula sa salitang Olandes na Maleier na nagmula naman sa Melayu
ng salitang Malay. Sa kastila naman, malayo ang ginagamit na katawagan. Ayon sa isang hinuhang popular, ang
salitang Melayu ay nagangahulugang “dumayo” o “lumayo”.
Pagpapatuloy ng Kasayasayan ng Malaysia…
Ang katagang Malaya ay tumutukoy sa etnikong ngrupo na naninirahan sa tangway Malay (na kasama
ang pinakatimog na bahagi ng Thailand sa tinaatawag na Pattani at Satun) at silangang Sumatra gayundin
ang daigdigang kultural na lumalagom sa maaking bahagi ng kapuluan. Sa Malaysia at Brunei, mayoridad
ang etnikong Malay, at isang malaking menoridad sa Singapore at Indonesia. Nagsasalita sila ng iba’t-ibang
direkto ng wikang Malay. Ang dialekto ng tangway ang saligang wika ng mga Malay ng Malaysia at
Singapore. Ang dialektong Riau naman ng silangang Sumatra ang pambansang wikang Indones(Bahasa
Indonesia) sa buong Indonesia. Sa Malaysia , 51% ng populasyon ay Malay kasama ng ibang menoriya tulad
ng timoging Tsino, timoging Indio, gayundin ang mga Eurasyano.
Sa tiyak na kaisipan, ang katagang Malay ay tumutukoy ri sa isang grupo na taal sa silangang bahagi g
Sumatra na lumayo sa Tangway ng Malay at sa Kapuluang Riau nitong mga nakaraang libong taon. Minsan,
ngunit madalang, ang grupong ito ay tinatawag na “Malay Riau” upang ipakita bilang isang hiwalay na
grupo.
MMga Pinuno at ang Uri ng Pamahalaan sa
Malaysia
Ang uri ng pamahalaan na umiirals a bansang Malaysia ay constitutional monarchy o monarkiyang konstitusyonal ay
pinamumunuan ng isang monarka(hari o reyna) na ang kapangyarihan ay limitado at hindi lubos. Ang kapangyarihan ng
monarka ay nakokontrol ng ibang mga pinunong pampamahalaan at ng mga karapatan ng tao . Ang uri ng
pamahalaan na umiirals a bansang Malaysia ay constitutional monarchy o monarkiyang konstitusyonal ay
pinamumunuan ng isang monarka(hari o reyna) na ang kapangyarihan ay limitado at hindi lubos. Ang kapangyarihan ng
monarka ay nakokontrol ng ibang mga pinunong pampamahalaan at ng mga karapatan ng tao .
Kadalasan, ang ganitong uri ng monarka ay umiiral sa isang parlamentayo, na ang monarka ang simbolikong pinuno ng
estado. Siya ay naghahari subalit hindi namamahala. Ang tunay na pinuno ng pamahalaan ay ang punong ministro na ang
partido ay may pinakamaraming bilang sa parlamentaryo o sa sangay ng gumagawa ng batas.
Pinuno at Pamahalaan sa
Malaysia…
Simula ng ika-10 ng Mayo 2018,si Mahathir Mohamad ang ika-pitong incumbent prime minister ng Malaysia.
Pagkatapos ng repormasyon ng Malaysia noong ika-16 ng Setyembre 1963, Tunku Abdul Rahman, ang chief
minister ng pederasyon ng Malaysia, ang naging prime minister ng Malaysia.
Ang Yang di-Pertuan Agong ay ang puno ng estado(hari) ng Malaysia. Itinatag ang tanggapan noong 1957
nang matamo ng Pederasyon ng Malaya (ngayo’y Malaysia) ang kasarinlan nito mula sa United Kingdom. Ang
Malaysia ay isang monarkiyang konstitusiyonal na may halal na monarko bilang puno ng estado. Ang Yang di-
Pertuan Agong ay isa sa iilan lamang halal na monarko sa buong mundo. Ang konsorte ng Yang di-Pertuan Agong
ay tinatawag na Raja Permaisuri Agong.
Sa Malaysia, binibigyan ng malawak na kapangyarihan ng konstitusyon ang Yang di-Pertuan Agong. Tinutukoy
sa konstitusyon, na ang kapangyariahanh tagapagpagaanap ng pamahalaang pederal ay nakasalalay sa Yang di-
Pertuan Agong na kaniya namang ginagampanan sa payo ng pederal na Council of Ministers. Pinamumunuan ang
sanggunian ng Punong Ministro na hinihirang ng Yang di-Pertuan Agong mula sa mga halal na kaawad ng
Parlamento.
Pagpapatuloy ng pinuno at pamahalan ng malaysia…
May diskresyonaryong kapangyarihan ang Yang di-Pertuan Agong na pumili ng Punong Ministro na kaniyang
napupusuan at hindi siya nakatali sa desisyon ng bababang punong ministro kung walang partidong makakakuha ng
mayoryang boto. Gayunpaman, wala siyang kapangyarihang tanggalin ang isang punong ministro. Maaari din niyang
isantabi o di-pagbigyan ang kahilingan na buwagin ang Parlamento. Maaari niyang ipatigil o buwagin ang Parlamento
ngunit ang pagbubuwag ng Parlamento ay maaari lamang niyang maisagawa kung ito’y hinihiling ng Punong MInistro.
Maaari niyang tanggihan ang ano mang bagong batas o mga susog sa mga dati nang batas, subalit kung hindi pa rin niya
ipagkakaloob ang kaniyan pahintulot, magiging batas na ito 30 araw makaraang ihain ito sa kaniya.
Ang ika-14 at kasalukuyang Yang di-Pertuan Agong ay si Sultan Abdul Halim ng Kedah. Nagsimula ang kaniyang
paghahari mula Disyembre 13, 2011 matapos mahalal ng Conference of Rulers. Siya ang kauna-unahang pinunong
dalawang ulit na nahalal sa katungkulan. Una na siyang naging Yang di-Pertuan Agong mula 1970 hanggang 1975, at
pinakamatandang nahalal sa katungkulan sa gulang na 83. Isinagawa ang pagluklok sa bagong Yang di-Pertuan Agong
noong Abril 11,2012 sa bagong Istana Negara at Jalan Duta.
Ang kultura, paniniwala, tradisyon at
kauglian ng Malaysia
Ang panitikang Malaysian ay ang koleksyon ng mga pampanitikang gawa na ginawa sa Malay peninsula hanggang
1963 at sa Malaysia pagkaraan din. Ang panitikang Malaysian ay karaniwang nakasulat sa anuman sa apat na mga
pangunahing wika ng bansa: Malay, Ingles, Tsino at Tamil. Ito ay sumasalamin sa iba-iban mga aspeto ng buhay
Malaysian at binubuo ng isang mahalagang bahagi ng kultura ng Malaysia.
Noong mga 1920-1930, unang nailathala ang mga nobela’t maikling kuwento. Sa simula, walang layuning
pampanitikan ang mga ito, maliban sa layuning dedaktibo o pagkintal ng mabubuting aral. Pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, umiral ang isang bagong pagmumulat pampanitikan. Mula sa Unibersidad ng Malaya, nabuo
ang samahang Asas ‘50 na nagpasigla sa klimang pampanitikan at nagbigay-daan sa diskurso at eksperimentasyong
pampanitikan. Naging islogan ng Asas “50 ang “sining para sa Lipunan”. bagaman patuloy na sumulat ang mga
manunulat ukol sa mga suliranin ng lipunan, hindi nila tinalikuran ang pansining na aspektong pagsusulat. Ang Kuala
Lumpur ang naging sentro ng modernong panitikang Malay noong dekada 60.
Karagdagang impormasyon tungkol sa Panitikan ng Malaysia
Sinasabing nagsimula ang modernong panitikang Malay sa mga hikayat, isang akdang romantiko sa tuluyan. Isa sa
mga pangunahing impluwensya sa pag-unlad ng modernong kathang Malay ang mga panulat ni Abdullah bin Abdul
Kadir Munshi. Sa kanyang paglalakbay sa arkipelagong Malay, itinala niya ang kanyang mga personal na obserbasyon
arkritisismo ukol sa tradisyunal at kontemporaryong lipunang Malay. Ang pinagsamang indibidwalismo at realismo sa
panulat ni Abdullah ay bago sa mundo ng panitikang Malay. Bago noon, tanging ukol sa mga makabalaghang prinsipe’t
prinsesa sa mga makalangit na kahariang mga namayaning katha. Hindi nalalyo sa ating Carlos Palanca Award for
Literature, nagbigay-daan ang Dewan Bahasa Dan Pustaka sa panghihikayat na malimbag at mabigyan ng parangal ang
mga kathang batikang manunulat. Ilan sa mga makabagong manunulat na namumukod-tangi sina Shahnon Ahmad at
si Anwar Ridhwan. Mababanaag sa mga nobela ni Ahmad ang kuwento ng buhay ng mga magsasaka mula sa isang
nagkakaunawaang pananaw at sa paraan ng pagsasalaysay sa masidhi at makapangyarihan. Sa mga maikling katha ni
ridhwan, mabisa niyang nagamit ang pamamaraang eksperimental at makabago upang umayon sa karanasang Malay.
Halimbawa ng Isang Alamat sa
Malaysia
Alamat ni Kulasfiro
Isinalin sa tagalog ni: Teo T. Antonio
Isang karaniwang tao si Kulasfiro, sinusunod ang pangaral ng ina na ganito: “igalang mo, ang iyong kapwa”. “Igalang ang karapatan ng mga
dukha”. “Sumunod sa umiiral na batas ang katwira’y katotohana’y sindihan ang ningas”.”Sumunod sa pinaniniwalaang mithiin ipaglaban ang
marangal na layunin”. “Sundin silang mga nakataas lalo na ang patnubay ng nasa itaas”. nagiing matapat at masunurin si Kulasfiro bilang isang
anak at karaniwang tao.
Pero lumaki siyang kakaiba ang paligid ang ibang kapwa tao’y mababangis at malulupit. “May batas para sa mayayaman, ang batas sa
mahihirap, ipinakait sa hukuman”. “Ang lantay na katwiran at katotohanan ay tinatakpan ng laksang kasinungalingan”. “Sa alagad ng batas
marami ang natatakot, gayong sila ang nagtatanggol sa mga taong binubusabos”. “Umiiral ang batas ng malalakas sa halip na umiiral ang lakas
ng batas”. Kaya’t lumaki si Kulasfirong sinusuway ang mga maling batas na umiiral.
Natagpuan isang araw ang sarili nasa ilalaim ng puno at nagdili-dili. Hanggang sumama sa kapwa sumusuway, sa himagsikan sa lansangan
at sila’y magkakaakbay. Humihiyaw ng kalayaan at katarungan para sa maraming nilalapastangan ang karapatan. Nanatili pa rin ang kanyang
bait at hinahon sa bumabangis na kautusang tila apoy na gumagatong.
Dumami nang dumami ang Kulasfiro sa talaan ng ahensiyang naniniktik laban sa pamahalaan. Itinala silang “terorista” ng mga inutusang sa
kanila,y maging berdugo. Ngayo’y nakatakdang ang katulad nila’y lipulin ng kautusang lahat ng rebelde’y puksain. Sinunod lamang ni Kulasfiro
ang pangaral ng ina na igalang ang kapwang naghahanap ng hustisya. Hindi niya sinuway lamang niya ang kautusan ng pangulo. Ngayo’y
nakilala si Kulasfiro-ang taong karaniwang sa bagong bansag na Kulasfiro Pasaway
Halimbawa ng Isang Maikling Kuwento sa Malaysia
Tungkol ito sa isang ama (Li Hua) na ang ginagawa ay pagsusugal lang. Ang kanyang asawa na si Lian Chiao at meron silang
dalawang anak si Ah Yueh at Shao Lan. Ang pangalan naman nang sugalan ay Hsiang Chi Coffee Shop, maganda ang storyang
ito. Kahit buntis si Lian Chiao ay siya pa rin ang gumagawa ng mga gawain ng bahay sa umaga hanggat sa gabi, ang asawa
niyang si Li hua ay umuuwi lang para kumain at siya pa ang nagpapaligo nito. Kapag nagkakamali siya sa kilos, bugbog sarado
agad. Namga pa nga ang pisngi niya sa pagsuntok sa kanya ng asawa niya na si Li Hua. Naghanda siya ng Ta Feng Ho para sa
pag panganak niya. At noong gabi na sumakit ang tiyan ni Lian chiao. Hindi niya na matiis ang sakit ng kanyang tiyan para na
siyang manganganak. Gigisingin sana niya si Ah Yueh pero naisip niya na pagod ito sa pagtatarabaho, kaya dapat wag nalang
niyang gisingin. Inisip niyang puntahan ang kanyang asawa sa sugalan, lumabas siya at pinuntahan ang kanyang asawa sa
sugalan kahit madilim at tahimik ang daan, kinabahan siya dahil sa sobrang dilim paglapit niya nang maabot sa sugalan.
At nanag siya ay marating kumatok siya sa pinto at may nagbukas na may-ati ng pasugalan at pagbukas nito ay bigla siyang
nahimatay at tinawag niya ang kanyang asawa na manganganak na siya pero sabi ng asawa niya, “Teka lang tatapusin ko
muna to, panalo na ako dito” Pero noong tinawag pa rin ni Lian Chiao ang kanyang asawa ay bigla itong nagalit. Tinitigan siya
nito na parang nagagalit. Yaong may-ari ng pasugalan ang tumulong sa kanya para makarating sa ospital.
Halimbawa ng Isang Tula sa Malaysia
Tatang Utih
Salin ni Lilia Quindoza Santiago
I. II.
Mayisa siyang asawang yayakapin hanngang Sa kabayana’y nagtutungayaw
kamatayan Dahil sinasalakay pa rin sila’t ang mga pinuno
Limang anak na dapat kumain araw-araw nililigalig ng malarya
Tungkol sa halalan at kalayaan ng
Isang lumang dampang nilulukob ng sinaunang Kahit umuusal siya ng milyong bayan
paniniwala
dalangin
Kapiraso ng pagas na lupaing binubungkal. Tungkol sa di mapipigil na
Tinatawag ng maybahay ang kaunlaran ng estadong malaya
albularyo sa nayon
Banat at lipakin ang balat ng kamay, Nanganga ko ng gintong tulay ng
Upang ipanlunas ang mga dalit at kasaganaan sa dako pa roon
Nahahati sa pagpapatubo ng pawis,
bulong.
O Tatang Utih!
Kapuri-puring magbubukid.
Muwi ang albularyong dala-dala’y
Salapi’t isang manok na dumalaga