Binubuo ito ng labimpitong (17) simbolo/ titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig Baybayin -kauna-unahang aklat sa bansa, inilimbag sa paraang baybayin. -ang teksto ay inilimbag sa parehong wikang Espanyol at Tagalog gamit ang alpabetong Romano, kasama ang salin sa baybayin. Wikang Kastila - wikang ipinagamit ni Carlos IV noong 1792 partikular sa mga paaralan ng pamayanang Indio -naging batayan ng ABAKADANG Tagalog -mula sa 17 orihinal na titik ng baybayin, idinagdag ang titik R at ginawang lima ang patinig (A, E, I, O, U) ABAKADANG Tagalog -binuo ni Lope K. Santos nang kaniyang isinulat ang Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940. Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Dr. Jose Rizal,Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar - nagtungo sila sa ibang bansa upang mag-aral. Wikang Tagalog- itinakda noong 1897 sa Saligang Batas ng Biak na Bato, na maging opisyal na wika ng mga Pilipino. Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko Ingles – ipinag-utos na gamitin bilang wikang panturo, sa kapangyarihan ng Batas Blg. 74 ng Komisyong Pampilipinas noong 1901. Thomasites – tawag sa mga gurong sundalo. noong 1935, nagkaroon ng pagsusulong para sa isang probisyong pangwika na magtatakda ng kilalaning wikang pambansa. Saligang Batas 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 – sa pamamagitan nito ang Pambansang Asembleya ay naatasang gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng lahat ng wikang pambansa salig sa isa sa mga wikang katutubo. Ingles at Kastila – kinilalang wikang opisyal Surian ng Wikang Pambansa - itinatag ng Batas Komonwelt Blg. 184 na pinagtibay ng Pambansang Asembleya noong Nobyembre 13, 1936. Surian ng Wikang Pambansa - may tungkuling magsaliksik sa mga diyalekto sa Pilipinas bilang maging batayan ng wikang pambansa. Jaime C. de Veyra - unang tagapangulo ng SWP. Tagalog - inirekomenda ni Pangulong Quezon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, na gawing saligan ng wikang pambansa. A Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa - sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong 1940, ipinahintulot ng Pangulo ng Pilipinas na ilimbag. Wikang Tagalog - ipinagamit kasama ang katutubong wika. Tagalog at wikang Hapon - iniutos na gawing wikang opisyal sa bisa ng Order Militar Blg. 13. Ilan sa mga Batas Pangwika na ipinatupad - Batas Komonwelt Blg. 70 (Hulyo 4, 1946)- naghahayag sa wikang pambansa bilang Wikang Pambansang Pilipino na isa sa mga opisyal na wika sa bansa. Ilan sa mga Batas Pangwika na ipinatupad - Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954)- nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2. Ilan sa mga Batas Pangwika na ipinatupad - Proklamasyon Blg. 186 (Setyembre 23, 1955)- inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Agosto 13 hanggang 19, bilang pagkilala sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, “Ama ng Wikang Pambansa.” Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero – ipinatupad ang Kautusang Pangkagawaran Blg 7 (1959) upang tawagin ang wikang pambansa na Pilipino. Dekada 60 – sinimulang gamitin ang Pilipino para sa mga sertipiko at diploma sa paaralan gayundin sa mga edipisyo, gusali, tanggapan, at mga dokumento ng pamahalaan. Saligang Batas 1973, Artikulo XIV, Seksiyon 3 – nagtakda ng paglinang at pormal na adapsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Pilipino, nang isagawa ang Pambansang Asembleya. Saligang Batas 1973, Artikulo XIV, Seksiyon 3 – nakasaad din na hanggat hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang kikilalaning wikang opisyal ng bansa. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974) – sa larangan ng edukasyon, itinakda ang pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan na nagsasaad ng hiwalay na paggamit ng Ingles at Pilipino bilang wikang panturo at pagkatuto sa lahat ng antas. Kontitusyon 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6 – ang wikang pambansa ay Filipino -pinagtibay muli ang patakarang bilingguwalismo sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagtuturo ng parehong Ingles at Filipino sa lahat ng antas. Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) – nalikha alinsunod sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 bilang pamalit sa SWP na tutugon sa patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) – itinatag noong dekada 90, ayon sa Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) bilang pamalit sa LWP. Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – pagpapahaba ng pagdiriwang ng wikang pambansa mula sa isang linggo hanggang maging isang buwan tuwing sasapit ang Agosto na nilagdaan sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Multilinggual Language Education – itinuturing na trend sa mundo sa panahon ng globalisasyon. Mother Tongue Based- Multilinggual Education (MTB-MLE) –ipinatutupad sa mga mag-aaral sa pre-school hanggang ikatlong baitang alinsunod sa Kautusan Blg. 74, Serye 2009 ng Kagawaran ng Edukasyon bilang bahagi ng kurikulum ng K-12. Enhanced Basic Education Act – ng 2013, dahilan ng pagbabago ng kurikulum na naglalayong gawing kompulsaryo ang pagpasok ng kindergarten ng mga bata habang dalawang taon naman ang idaragdag na taon sa sekondarya. CHED Memo Order 20 (CMO 20) – ng 2013, nakasaad sa kautusan ang planong pagtanggal ng mga asignatura sa Filipino gayundin ang Panitikan at Konstitusyon sa ilalim ng Revised General Education Curriculum. Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) – binubuo ng mga guro ng Filipino mula sa iba‘t ibang pampubliko at pribadong pamantasan kasama ang ilang mambabatas, mga manunulat, mag-aaral, progresibong organisasyon, at pribadong indibidwal upang manguna sa panawagang panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino at paggamit ng wikang Filipino sa bagong kurikulum sa kolehiyo (2018-2019). Abril 22, 2015 – ibinaba ng Korte Suprema ang desisyon para sa isang Temporary Restraining Order (TRO) na nagpapaliban sa pagsasakatupan ng bagong kurikulum. Dr. Bienvenido Lumbera – Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura.