Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Salamat O Diyos sa

Pagmamahal Mo sa
Akin
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
Q4 WK5 DAY 1
By: ALONA C. REYES
Bailen ES
Balik- Aral:
Bilang isang bata,
nararapat ba na tayo
ay makapagbigay ng
pag-asa sa iba?
Pagmasdan ang larawan.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ito ay isang personal
na paglalarawan
ng pagmamahal ng
Diyos ayon sa gumuhit
ng larawan.
Buksan ang
aklat sa pahina
233.
Basahin ito.
SALAMAT O DIYOS
SA PAGMAMAHAL MO SA AKIN

“Hindi ko hiningi ngunit kusang ibinigay.


Hindi ko hinanap ngunit aking natagpuan.
Hindi ko hiniling ngunit ipinagkaloob sa akin
Hindi pa man nasasambit ng aking mga
labi, mga panalangin ko ay agad na dininig.
Kapag nagkamali laging handang
patawarin
Naligaw man ng landas, sa isang pag
tawag ko agad akong sasaklolohan
Kahit sa paningin ko hindi ako
karapat-dapat,
Biyaya at pagmamahal laging higit sa
sapat.
O Diyos na dakila, sino pa ba ang
hihigit sa Inyo?
Taglay ninyong kapangyarihan tunay
na walang hanggan.
Pag-ibig Ninyo sa amin ay walang
katapusan!
Dahil sa dakilang pag-ibig Ninyo sa
akin, buhay ko ngayon ay may
kabuluhan.”
Kung mailalarawan
mo ang
pagmamahal ng
Diyos, saan mo ito
maihahambing?
Isipin mong mabuti. Kapag
ikaw ay nagkamali,
pinagsasabihan ka ng iyong
mga magulang. Bakit nila ito
ginagawa? Itinatama lamang
nila ang iyong maling kilos at
gawi. Ipinauunawa nila sa iyo
ito upang hindi ka na ulit
magkamali.
Ang pagmamahal ng Diyos ay
wagas at hindi nagbabago
kailanman at kanino man. Mula
sa ating pagkasilang hanggang
sa tayo ay bawian ng buhay,
hindi tayo iniiwan ng Diyos,
maging sa panahon ng
kalungkutan o mga suliranin.
Bakit sinasabing
ang Diyos ay
Pag-ibig?
Takdang- Aralin:
Gumuhit ng mga
bagay na
sumisimbolo sa
Diyos sa inyong
kwaderno.

You might also like