Ang Aming Representasyon Sa Asignaturang Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

ANG AMING

REPRESENTASYON SA
ASIGNATURANG FILIPINO

GAWA NG PANGKAT

MASAYAHIN
PANGKAT MASAYAHIN
MGA ATING PAGUUSAPAN:

KOMIKS
PAHAYAGAN
TABLOID
BROADSHEET
MAGASIN
KOMIKS
INTRO:
ANO ANG
KOMIKS?
ANO ANG KAHULUGAN NG
KOMIKS?
Ang komiks ay isang grapikong midyum
na kung saan ang mga salita at larawan
ang ginagamit upang ihatid ang isang
salaysay o kuwento. Maaaring maglaman
ang komiks ng kaunti o walang salita, at
binubuo ng isa o higit pang mga larawan,
na maaaring maglarawan o maghambing
ng pagkakaiba ng teksto upang
makaapekto ng higit sa lalim.
Bagaman palagiang paksang katatawanan ang
komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop
ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat
ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga
artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
ang KOMIKS ay naglalaman ng mga iba't
ibang imahinasyon o opinyon ng mga tao o
kaya galing sa mga totoong buhay na
nagsasaad ng mga kwento. na ang mga salita
at mga larawan ang ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento.
KOMIKS
ANO ANG MGA
KATANGIAN NG
KOMIKS?
Ang komiks ay nagmula ito s salitang Ingles na
"comics" na isang uri ng midyum o babasahin.
Mga Katangian ng Komiks:
1. Ang komiks ay kadalasang naglalaman ng mga
maiikling kwento ng kababalaghan, mga
kuwentong pambata, drama at iba pa.
2. Ang komiks ay karaniwang makulay at puno mg
mga komikong paglalarawan ng mga tauhan
bagay o pangyayari sa kuwento.
3. Madalas, ang komiks ay may ibat-ibang
kuwento na wakasan subalit mayroon din
namang mga intinutuloy sa mga susunod na isyu.
ANO-ANO ANG MGA
BAHAGI NG KOMIKS?
KOMIKS
a. ) Kahon ng Salaysay⇒ sinusulatan ng mga
maikling salaysay tungkol sa tagpo.
b. ) Pamagat ⇒ Pamagat ng komiks , pangalan ng
komiks
c. ) Lobo ng usapan ⇒ Kinasusulatan ng usapan ng
mga tauhan. May Iba't ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.
d. ) Kuwadro⇒ Naglalaman ng isang tagpo
sa kwento (Frame)
e. ) Larawang guhit ng mga tauhan sa
kwento ⇒ mga guhit ng tauhan na
binibigyan ng kwento .
URI NG KOMIKS
Alternative comic books – karaniwang naglalahad
ngistorya base sa realidad
Horror – mga istoryang katatakutan – ito ay mga
komiks na nanggaling sa Japan
Action – ito ay naglalahad ng mga istorya ng mga
“superhero”
Romance/adult – ang komiks na ito ay naglalahad
ng istorya ng pag-ibig
Science fiction/fantasy – ang komiks na ito ay
karaniwang naglalaman ng mga bagay mula sa
imahinasyon.
Mga halimbawa ng komiks
PAHAYAGAN

INTRO:
ANO ANG
PAHAYAGAN?
ANO ANG PAHAYAGAN?
Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko
ay isang uri ng paglilimbag na
naglalaman ng balita, impormasyon at
patalastas, kadalasang na imprenta sa
mababang halaga. Ito ay maaaring
pangkalahatan o may espesyal na
interes, at kadalasan itong inilalathala
ng araw-araw o lingguhan.
Ang kauna-unahang naimprentang peryodiko ay
inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan pa rin
kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya
tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet. Dahil sa
mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon
ng pagsubok sa industriya ng mga peryodiko.
Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't
ang iba ay lumilipat mula imprenta patungo sa
internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa
mga peryodiko. May mga lumalabas ng mga
prediksiyon na baka lumiit o mawala na ang halaga
nito, ngunit batay sa kasaysayan, hindi nalagpasan
ng mga bagong teknolohiya tulad ng radyo at
telebisyon ang mga nakalimbag na media.
Mga Bahagi ng Pahayagan at
Kahulugan Nito:
1)PANGMUKHANG PAHINA o COVER
PAGE - naglalaman ito ng pangalan ng
pahayagan at ang mga pangunahin o
mahahalagang balita.
2)BALITANG PANDAIGDIG -
naglalaman ng mga balita mula sa iba't
ibang bansa at panig ng daigdig.
3)BALITANG PANLALAWIGAN - naglalaman ng
balita may patingkol sa sariling bansa o lugar.
4)PANGULONG TUDLING - naglalaman ng mga
kuru-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa
isang napapanahong paksa o isyu.
5)BALITANG KOMERSYO - naglalaman ng mga
balita tungkol sa kalakalan, industriya at komersyo.
6)ANUNSYO KLASIPIKADO - naglalaman ng
mga anunsyo tungkol sa hanapbuhay, bahay, lupa,
sasakyan at iba pang kagamitang ipinagbibili.
7)OBITWARYO - nagsasabi ng mga taong namatay
na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung
kailan ililibing ang namatay.
8)LIBANGAN - nagsasaad ng mga balita tungkol sa
artista, pelikula, telebisyon at iba pang sining.
Naririto rin ang krosword, komiks at horoscope.
9)LIFESTYLE - naglalaman ng mga artikulong may
kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain,
paghahalaman at iba pang aspeto ng buhay sa
lipunan.
10)Isports- nagsasaad at nagkekwento ito ng mga
balitang may kinalaman sa isport, kumpetisyon, o
pampalakasan ng mga atleta.
DALAWANG URI NG
PAHAYAGAN AT ANG
KAHULUGAN NITO
Ang tabloid ay naglalaman ng popular na
balita. Maiikli ang artikulo ngunit mas
maraming larawang ginagamit dito. Halos
ang mga balita ay tungkol sa tsismis.
Ang broadsheet ay naglalaman ng kalidad
at seryosong pahayag. Mahahaba ang
artikulo ngunit gumagamit ng maliliit na
larawan. Halos ang pokus ng balita ay
usaping politika at internasyonal.
TABLOID BROADSHEET
MGA PAHAYAGAN
MAGASIN

INTRO:
ANO ANG
MAGASIN?
ANO ANG MAGASIN?
Ang magasin ay peryodikong publikasyon na
naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang
pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay
nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
Maaring maipamahagi ang mga magasin sa
pamamagitan ng koreo, pagbebenta sa mga
tindahan ng pahayagan, aklat o ibang mga
nagbebenta, o sa pamamagitan ng libreng
pamamahagi sa piling lugar na pagkukuhanan.
MGA URI NG MAGASIN
MAHAL NAMING MGA
KAMAGARAL,

SALAMAT SA INYUNG
PAKIKINIG.SANA AY MAYROON
KAYUNG NATUTUNAN.

HANGGANG DITO NA LANG !


BABYE!!!

You might also like