Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Noli Me Tangere

Kabanata 1
Isang Handaan
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni
Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring
Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang
bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-
Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok
ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang
mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao,
mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga
nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino
kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng
handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng
dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta
bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng
may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina Tinyente ng guardia
civil, Pari Sibyla, ang Kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso
na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang
Paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga
asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang
pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng
kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran
tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng
dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni
Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang
mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at
mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na
araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari
Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang
bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob
ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit
na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng
simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa
pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito
ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng Tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni
Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang
bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang
isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan
Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya
ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang
pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong
makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin
ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang
talakayan. Dumating ang ilan pang mga bagong
panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr.
de Espadaña at Donya Victorina.
Buod ng Talakayan

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kabanata?


Sagot

A. Don Santiago Delos Santos o Kapitan Tiago


B. Tiya Isabel – pinsan ni Kapitan Tiago
C. Tinyente ng Guardia Civil
D. Pare Sibyla
E. Padre Damaso
F. 2 Paisano – Dayuhan
G. Dr. de Espadaña
H. Donya Victorina
Buod ng Talakayan

2. Kailan ito naganap?


Sagot

Sa isang marangyang salu-salo o handaan sa bahay ni


Kapitan Tiago na nasa daang Anluwage na karatig ng
Ilog-Bundok.
Buod ng Talakayan

3. Anu–ano ang naganap sa handaan?


Sagot

1. Ang mga bista ay nagkwentuhan ng tungkol sa mga


katutubong Pilipino.
2. Nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa monopoliya ng
tabako.
3. Nilait ni Damaso ang mga Indiyo.
4. Napag-usap din ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre
Damaso sa ibang bayan.
Maikling Pagsusulit

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1-5 Mga bisitang dumato sa handaan ni Kapitan


Tiyago.
6. Sino ang mayamang kapitan na kilala bilang
isang mabuting tao?
7. Pangalan ng babaeng pinsan ni Kapitan
Tiyago.
8. Sino ang pare na madaldal at mahayap
manalita?
9. Sina ang taong nagsabi na may karapatan ang
Kapitan Heneral manghimasok sa mga pare ng
simbahan?
10. Mag-asawa na dumating din sa handaam.

You might also like