FILlecture 3 RD Q

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 65

Talambuhay ni Jose

Protacio Rizal
Manunulat, Pambansang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo
ng Lahing Malayo
A. Isinilang sa: Calamba, Laguna ( Hunyo 19,
B. Binaril sa: 1861)
Bagumbayan ( ngayon ay Luneta;
Disyembre 30, 1896)
C. Mga Magulang:  Francisco Mercado at Teodora
D. Mga Ninuno: Alonso ( Z sa ibang aklat)
Domingo Lamco- sa panig ng
ama (negosyanteng Tsino);
Lakandula, sa panig ng ina
(pinuno ng Tondo na namuno sa
isang bigong pag-alsa sa mga
Kastila, inapo ni Rajah Sulayman
ng Maynila)
E. Nagbinyag Padre Rufino Collantes
F. Ninong Padre Pedro Casanas
G. Buong Pangalan Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso
Realonda
Jose Protacio- first name
Jose- sa karangalan ni San Jose
Protacio- sa karangalan ni San Protacio
Mercado-tunay na apelyido ng kanyang
ama; nangangahulugang
“pamilihan”/market sa wikang
Espanol
Rizal: apelyidong pansamantalang
pinagamit kapalit ng Mercado upang
makaiwas sa gulo; mula sa salitang
Espanol na “ricial” (luntiang lupa na
tinatamnan ng trigo/green barley)
Alonso: tunay na apelyido ng ina
noong dalaga pa/maiden name;
middle name ni Jose Rizal
Realonda: middle name ng kanyang
ina noong dalaga pa; galing sa lola
ni Rizal
Mga Kapatid ni Rizal
1. Saturnina 7. Concepcion- kasunod ni Jose namatay
sa sakit sa edad na 3 taon
2. Paciano- nagpondo sa pag-aaral ni
Jose sa Europa 8. Josefa- naging pangulo ng
pangkakabaihang grupo ng Katipunan
3. Narcisa
9. Trinidad- tinuruan ni Jose ng Ingles;
4. Olympia
pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng
5. Lucia teksto ng Mi Ultimo Adios.
6. Maria 10. Soledad
Unang guro:  ang kanyang ina (nagturo ng
alpabetong Kastila/abecedario;
pagdarasal sa Latin at panimulang
pagbasa)
Unang pighating naranasan Pagkamatay ni Concepcion ang
kanyang kapatid.

Unang tulang sinulat “Sa Aking Mga Kabata” (naisulat sa


Tagalog; tungkol sa pagmamahal sa
sariling wika; 8-taong gulang siya
noon)
Mga tiyuhing nakaimpluwensiya
1. Tiyo Manuel  palakasan/isports
2. Tiyo Gregorio pag-ibig sa aklat
3. Tiyo Jose Alberto Husay sa sining/art
Unang guro sa pormal na edukasyon Maestro Justiniano Aquino-Cruz
Unang kawalang katarungang dinanas (Binan, Laguna)
ng pamilya Pagkakulong ni Dona Teodora
dahil sa walang basehan na paratang
sa paglason sa asawa ng kanyang
kapatid.
Pangyayaring nagmulat kay Rizal sa Pagbitay sa tatlong Pari sa Cavite
kawalan ng katarungan sa Pilipinas ( Gomez-Burgos-Zamora) mga
nagsulong ng Pilipinisasyon ng mga
parokya; idiniin sa pag-aalsa sa
Cavite Mutiny noong 1872)
Buhay-High School  ATENEO Municipal, nasa loob
ng Intramuros, Maynila noon.
Paboritong paaralan ni Jose.
Pinapatakbo ng mga
Heswita/Jesuit
Padre Jose Beech (unang guro sa
Ateneo)
• Paboritong guro sa Ateneo Padre Francisco Sanchez
(humikayat na ipagpatuloy ang
pagsusulat)
• Pangalawang tulang isinulat sa Mi Primera Inspiracion/My First
paglaya ng kanyang ina. Inspiration/Ang Una kong
Inspirasyon
1877
Nagtapos sa Ateneo
Sobresaliente o excellent ang marka sa lahat ng asignatura
Tumanggap ng diplomang “Bachiller en Arte” na katumbas ng high school diploma
ngayon.
Abril 1877-pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) para magkolehiyo.
Pinapatakbo ng mga paring Domikano
Kumuha ng kursong Pilosopiya at Letra ayon sa kagustuhan ng ama at lumipat sa
medisina nang sumunod na taon batay sa payo ni Padre Ramon, Rektor ng Ateneo.
1879
 Tulang nagwagi ng gantimpala: “A la Juventud Filipina” ( Sa Kabataang
Pilipino/ To the Filipino Youth
Binigyang diin ni Jose Rizal ang gampanin ng mga kabataan bilang pag-asa
ng bayan.
Dulang nagwagi ng unang gantimpala: El Consejo de los dioses/ Ang pulong
ng mga diyos/The council of the Gods; tungkol sa pag-aaway-away ng mga
diyos at diyosa sa bundok Olimpo
1880
Isa na namang kawalan ng hustisya- hinampas ng isang guwardiya sibil sa
pamamagitan ng espada dahil nakalimutang yumukod bilang paggalang;
nagreklamo kay Gobernador Heneral Primo de Rivera pero walang
nangyari.
1882: Nagpasyang sa ibang bansa magpatuloy
ng pag-aaral dahil:
Di gaanong mahusay ang pagtuturo sa UST.
May diskriminasyon sa UST; minamaliit ang mga Pilipino
Galit sa kanya ang mga Dominikano dahil sa pagtatatag niya ng
“Companerismo” –kapatiran/fraternity ng mga Pilipino
Gusto niyang gamutin ang mata ng ina (mas maganda ang turo sa Europa)
Mayo 1882
 Naglakbay papuntang Europa, mula Maynila (ruta mula Maynila sa pamamagitan ng
barko/ship)
1. Singapore
2. Sri Lanka
3. Yemen
4. Suez Canal (Egypt)
5. Italy
6. France
7. Spain (dumating: Hunyo 1882)
Unang Sinulat sa Europa
Sanaysay/Essay na “Amor Patrio” ( Pag-ibig sa Bayan o Love of Country)
Gumamit ng sagisag-panulat/pen name na “Laong Laan” (matagal nang
inalay)
Isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar na gumamit naman ng sagisag-
panulat na “Dolores Manapat” at lumabasa sa “Diariong Tagalo”, unang
dyaryong Tagalog sa Pilipinas.
Nobyembre 1882
Pumasok sa Universidad Central de Madrid at kumuha ng kursong
Pilosopiya at Letra at Medisina.
Umanib sa “Circulo Hispano-Filipino” at sa Freemasonry
Talumpati sa Madrid- binigkas sa karangalan nina Juan Luna at Felix
Resureccion-Hidalgo, mga pintor na nagwagi sa “Pambansang
Eksposisyon sa Sining” (ng Espanya) para sa “La Spolarium” at “Virgenes
Expuestas Al Populacho” na parehong masining na tumuligsa sa
masamang pamamahala ng mga Kastila.
1884
Binigyan ng lisensya sa medisina; bago pumunta sa Paris; dinalaw muna ang
mga kaibigan niyang sina Maximo Viola at Pardo de Tavera na nasa
Barcelona.
1885
Pumunta sa Paris upang magsanay sa klinika ni Dr. Louis de Wecker;
naging bahagi ng “La Solidaridad” (diyaryo ng Kilusang Propaganda) sa
Alemanya/Germany
Nakilala si Prof. Ferdinand Blumentritt ( Austrian na ethnologist na
nanaliksik tungkol sa wikang Tagalog) naging pinakamatalik na kaibigan ni
Dr. Jose Rizal
Nagsanay sa ospital na pangmata ng University of Heidelberg sa
pamamahala ni Dr. Otto Becker
Habang nasa Heidelberg, sinulat ang unang tulang “A las Flores del
Heidelberg” (Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg/To the Flowers of
Heidelberg); nagpapakita ng pangungulila sa sariling bayan.
Tinapos at pinalimbag ang “Noli Me Tangere” sa Alemanya; pinahiram siya
ng pera ni Maximo Viola para sa pagpapalimbag ng unang 2,000 kopya/sipi
ng Noli; bago siya umuwi ng Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga
Pilipino sa nobela ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo
Viola.
Unang Pagbabalik sa Pilipinas
Nanggamot at naging makatarungan sa paniningil (depende sa katayuan o status ng
pasyente ang singil); nakilala bilang Dr. Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya)
Pinatawag ni Gob.Hen. Emilio Terrero- pinag-iingat siya nito sa mga tumutuligsa
sa Noli; binigyan siya ng guwardiya (Jose Taviel de Andrade)
Tinuligsa ng mga prayle ang Noli: sumulat ng liham-pastoral si Padre Jose
Rodriguez na pinamagatang “Caiingat Cayo” (Mag-ingat kayo/Beware!); pinag-
iingat at pinagbabawalan niya ang mga tao na basahin Noli Me Tangere.
Unang Pagbabalik sa Pilipinas
Ang Noli daw ay subersibo (laban sa gobyerno) at heretical (kontra sa
Simbahan)
Sinagot ni Marcelo H. del Pilar sa pamamagitan ng pagsulat ng “Caiigat
Kayo “ (Maging Ingat Kayo/Be Like Eels) pinayuhan ang mga tao upang
hindi mabitag sa kasinungalingan ng mga prayleng galit kay Rizal.
Padre Vicente Garcia- ipinagtanggol si Rizal
Ikalawang Paglalakbay ni Jose Rizal
(mula Maynila)
Hongkong • Pumasyal sa mga Pilipinong taga-
roon na gaya ni Jose Maria Basa
na tumulong sa pagpupuslit ng mga
kopya ng Noli
Japan • Nakilala niya rito si O-Sei-San
Estados Unidos • Nabiktima ng diskriminasyon
“Bayang malaya ngunit para
lamang sa mga puti”, ayon kay
Rizal.
Londres/London/Great Britain • Nanaliksik sa malaking aklatan para
ihanda ang anotasyon sa “Sucesos de
las Islas Pilipinas” (Mga Pangyayari
sa Kapuluan ng Pilipinas/Events in
the Philippine Islands) ni Dr. Antonio
de Morga; ang aklat na ito ay
nagpapatunay na may sibilisasyon na
ang mga Pilipino nang abutan ng mga
Kastila
Belgium • Dito pinalimbag ang “El
Filibusterismo” ang
karugtong/sequel ng Noli Me
Tangere; ang El Fili ay inalay niya
sa Gomburza; pinautang siya ni
Valentin Ventura upang ito ay
ipalimbag.
• Hongkong ( pangalawang beses) • Manggamot at makipagkita sa buong
pamilya Rizal
• Kapapalayas pa lamang ng pamilyang
Rizal ng mga Paring Domikano dahil
sa mahal ng upa sa mga lupain.
• Sumulat kay Gob. Hen. Despujol
tungkol sa lupa ( Sabah/Nort Borneo
ayusin ang problema)
Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas
(Bakit nagpasyang bumalik?)
1. Upang mapanatili ang pagkakaisa ng “Kilusang Propaganda”.
2. Kakausapin ang Gob. Hen. Despujol Upang hilingin ang suliranin sa mga
lupain sa Calamba.
3. Pagtatatag ng “La Liga Filipina” (Ang Liga ng mga Pilipino) sa Pilipinas
Mga Pangyayari sa Ikalawang Pagbabalik sa
Pilipinas
1. Itinatatag ang “La Liga Filipina” taong Hulyo 02, 1892 sa bahay ni
Doroteo Onjungco sa Tondo; isa si Andres Bonifacio sa mga orihinal
na kasapi sa La Liga.
2. Limang araw pagkatapos itatatag ang La Liga, ipinatapon si Rizal sa
Dapitan, Zamboanga dahil sa sumusunod na mga dahilan:
a. May nakuhang kopya ng “Pobres Frailes” sa unan ni Lucia; ang babasahing
ito ay laban sa mga prayle at kontra sa simbahan.
b.Inalay ni Rizal ang El Fili sa mga paring martir kaya siya pinaratangang
subersibo
c. Iligal daw ang La Liga Filipina
3. Hulyo 7, 1892: Itinatatag din ni Andres Bonifacio at ilan pang kasapi ng La
Liga Filipin ang KKK/Katipunan.
Mga Nangyari sa Dapitan
1. Nagtayo ng paaralan para sa mga batang lalaki.
2. Nagtayo ng patubig/irrigation sytem para sa mga magsasaka at mga
mamamayang taga-Dapitan.
3. Nakipagdebate (sa sulat) kay Padre Ramon Pastells (isang Heswita)
tungkol sa mga supaing panrelihiyon.
4. Sinulat ang tulang “Mi Retiro” (Ang Aking Kapahingahan) bilang tugon
sa hiling ng ina.
5. Nakatuklas ng mga bagong specie ng palaka/tutubi(dragonfly)/uwang
(beetle) na malaoy ipapangalan sa kanya.
6. Naglilok ng mga pigurin at estatwang bato.
7. Tumanggap ng mga pasyente mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at ng
daigdig.
8. Nakilala at kinasama si Josephine Bracken, na malao’y mistulang asawa na
rin niya.
9. Dinalaw siya ni Dr. Pio Valenzuela (sugo/emissary ni Andres Bonifacio) para
alamin ang opinyon niya sa rebolusyong inoorganisa ng Katipunan; inalok siya ni
Valenzuela na itakas para pamunuan niya ang rebolusyon; hindi pumayag si
Rizal at sinabi rin niyang tutol siya sa reboulsyon dahil:
a. Nangako siya sa mga Kastila na hindi tatakas sa Dapitan
b. Hindi pa raw handa ang mga Pilipino (kulang sa armas)
c. Wala pa raw pagkakaisa ang mga Pilipino
d. Diumano’y hindi pa sanay mamahala ang mga Pilipino
e. Maraming madadamay na inosente
10. Sumulat si Jose kay Gob. Hen. Ramon Blanco para hilingin na payagan
siyang pumunta sa Cuba para maging doctor sa Hukbong Kastila
Agosto 23, 1896
Nagsimula ang hayagang pag-aalsa ng Katipunan laban sa mga Kastila.
Hulyo 1896
Pinayagan siya ni Blanco na pumunta sa Cuba; nakaalis ang bapor nila sa
Maynila pero nasa Singapore pa lamang ang barko ay muli siyang pinaaresto
(September 30, 1896).
Nang makarating sa Espanya ang kanilang barko ay inilipat siya sa isang
barkong military at ibinalik sa Pilipinas para ikuling sa Fort Santiago.
Disyember 8, 1896
Pinamili siya ng magiging abogado niya sa isang listahan; pinili niya si Luis
Tavie de Andrade
Disyembre 11, 1896
Binasahan siya ng sakdal/ipinaalam sa kanya ang mga ikinaso sa kanya:
1. Sedisyon o pag-uudyok sa pag-aalsa
2. Rebelyon o pagsulat ng aklat laban sa pamahalaan
3. Pagtatatag ng diumano’y lihim na samahan ( La Liga)
Depensa ni Rizal at kanyang abogado
Walanag kinalaman si Rizal sa pag-aalsa ng Katipunan, dahil tutol snga siya sa
rebolusyon (nagpalabas pa nga siya ng mga manipesto para patunayan ito);
hindi subersibo o sedisyoso ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
dahil hindi naman ito itinago ni Rizal kaninuman, layunin lamang
niyang isiwalat ang katotohanan; lalong hindi lihim ang La Liga Filipina
dahil alam na ng mga Kastila ang tungkol dito at wala ring ginawang labag sa
batas ang La Liga dahil alam ng mga Kastila ang tungkol dito at wala ring
ginagawang labag sa batas ang La Liga ( humihingi lamang ito ng reporma)
Paano Nadiin si Rizal?
Dahil sa pagbabaligtad at pagtatraydor ng mga dati niyang kasamahan,mga
kapwa Pilipino, lalo na si Dr. Pio Valenzuela ( na siyang nagdiin kay
Rizal sa hukuman).
Galit na galit kay Rizal ang mga prayle dahil sa kanyang mga akdang Noli at
Fili, kaya idiniin nila ito.
Disyembre 28, 1896
Nilagdaan ni Gob. Hen. Camilo Polavieja ang hatol/sentensya ng kamatayan
ni Rizal.
Disyembre 29, 1896
Sinulat niya ang kanyang huling tula : “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam/My Last Farewell)
Disyembre 30, 1896
Binaril sa Bagumbayan si Rizal, habang sumisikat ang araw sa silangan,
namatay siya nang di nakita ang pagsikat ng araw sa silangan ( ang paglaya ng
Pilipinas), ngunit di kalabisang sabihing siya ang isa mga nagmulat ng
sambayanan upang makita nito ang kanyang aping kalagayan at sa huli’y mag-
alsa upang lumaya sa pagkaalipin.
Mga Pag-ibig ni Rizal
1. Segunda Katigbak
Unang pag-ibig; kapatid ng kanyang kaibigang si Mariano; nakilala nang siya
ay nasa UST; di gaanong matangkad, may mga matang nangungusap, kulay
rosas na pisngi.
2. Margarita Almeda-Gomez
Ikalawang pag-ibig; taga-Pakil, Laguna; kayumanggi ang kulay at kaakit-akit
ang mga mata.
3. Leonor Rivera
Pinakadakilang pag-ibig ni Rizal; Taimis (pinaghanguan ng karakter ni Maria
Clara) ikinasal sa British/Ingles na si Charles Henry Kipping
4. Jacinta Evardo Laza
Si Binibining L
5. Leonor Valenzuela
Kapitbahay sa Intramuros; kasulatan niya ang gamit ang asin at tubig; taga-
Calamba; estudyante ng medisina
6. Suzanne Jacoby
Nakilala sa Belgium; sandal lamang nagkaibigan sapagkat umalis din agad si
Rizal para asikasuhin ang ang kaso ng pamilya sa Espanya.
7. Gertrude Beckett
Dalagang taga-London; kapamilya ng kanyang tinirhan doon; tumulong sa
pag-aaral niya ng Ingles.
8. Adelina at Nelly Bousted
Noong una ay mas nagustuhan si Adelina na mas bata; Si Nelly ay gusto rin
ni Antonio Luna dahil nangungulila kay Leonor (nabalitaang nagpakasal na);
niyaya niya si Nelly na magpakasal)
9. O-Sei-San
Nagturo ng wikang Hapon kay Rizal; muntik na ring pakasalan.
10. Consuelo Ortiga y Perez
Kastila; inalayan ni Rizal ng tula; iniwan dahil gusto rin ni Eduardo de Lete
na kanyang kaibigan.
11. Josephine Bracken
Itinuring niyang asawa; Isang Irish; ampon ng isang Amerikanong taga-
Hongkong na nagpagamot kay Rizal.
Ang Batas RIZAL
Batas Republika Blg. 1425
Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956
Ipinatupad ng Lupon sa Pambansang Edukasyon (Committee of National
Education) noong Agosto 16,1956
Akda ni Sen. Claro M. Recto ang orihinal na bersyon
Binatikos ng ilang grupo at senador ang bersyon ni Recto kaya naglabas ng pamalit o
substitute bill si Sen. Jose P. Laurel Sr.; ito ang naging Batas Republika 1425.
Mga Tumutol sa Orihinal na Bersyon ng Batas
Rizal
Sen. Decoroso Rosales (kapatid ni Arsobispo Rosales)
Mariano Cuenco (kapatid ni Arsobispo Cuenco)
Padre Jesus Cavanna
Sen. Francisco “Soc” Rodrigo
Ilang rupo sa simbahang katoliko
Puna sa Orihinal na Batas Rizal
Nilabag daw ang kalayaan sa pagpili ng relihiyon
Bahagi na raw ng nakalipas ang Noli at El Fili kaya hindi na dapat pag-aralan
pa
May 120 pahayag daw sa Noli laban sa simabahang katoliko
Pagtatanggol sa Batas Rizal

You might also like